[ Cassy's POV ]
Tahimik akong nagpapahinga sa mini terrace dito sa room namin. 4th day na namin ngayon, at tapos na din ang misyon kong maging si Jake at Aki.
Katulad ng dati, nagbabangayan pa din sila. Hay! Pero minsan na lang. Atsaka, babawi naman ng sweetness si Jake pag pikon na si Aki. Pasaway eh. -___-
Sa nakikita ko, mukhang masaya naman sila parehas, lalo na ang pinsan ko. Minsan nakakaramdam ako ng awkwardness, pero di ko pinahahalata. Kasi siyempre, ako ang may gusto niyan, ako din ang gumawa ng paraan.. bakit ako ma-aawkward? Hay! Ewan ba. Masaya na lang ako para sa kanilang dalawa.
Dinama ko ang malamig na paghampas ng hangin sa balat ko. Napatingin ako sa baba.
Nye? Anong ginagawa ni Jaspher dun? May paluhod luhod pa siya, may patuwad tuwad at may pa-upo upo?! Ay letse, nag gy-gymnastic ata ang loko! -___-
Tinitigan ko lang siya. Palipat lipat siya ng pwesto, at dahan dahan kung maglakad.
"Huli ka! Akala mo ha! Hahaha." Rinig kong sabi niya.
Luh?! Nabaliw na ata siya. Naku, wag naman sana. Hindi ako maaaring magkagusto sa isang baliw! :3
Tiningnan ko yung hawak ni Jas.
.
.
.
.
.
D______O
ANO NA NGA ULIT TAWAG DUN?! TUBI-TUBI?! Naghuhuli siya ng TUBI-TUBI?! WAAAAAH!
Namiss kong maghuli niyan! Nanghuhuli kami ni Jaspher ng ganyan noon. :)
Ay teka! Maasar nga to! Hahaha.
"Tutubi, tutubi, wag kang papahuli sa batang mapanghi.." Natatawa kong kanta.
Yan ang kinakanta ko noon kapag nanghuhuli si Jaspher ng tutubi. Ayun! Tutubi pala ang tawag. :D
"Hoy, Cassy! Wala na, lumipad na yung isa!" Reklamo niya sa akin.
Parang bata lang. Huhu. Ang cute niya! T^T
"Hahaha! Hulihan mo nga ako!" Sigaw ko. Medyo malayo kasi siya, since nasa taas ako, at nasa baba siya.
"Ibibigay ko nga sana sayo yung isa, kaso kumanta ka. Umalis tuloy." Sabi niya at nag pout. Waaaah! :(
"Ano ka ba! Wag ka ngang magpout! Di ka cute! Hahaha! Bababa na lang din ako! Dalawa tayong maghuli." Nakangiti kong suhestiyon. "Intayin mo ko dyan!"
Pagkasabi ko nito ay agad akong tumakbo sa baba.
"Paramihan tayo ng huli Cass!" Hamon niya sa akin ng makalapit ako sa kanya.
Napaisip muna ako bago sumagot.
Eh.. ilang taon na akong di naghuhuli niyan! Baka hindi ko na alam maghuli ngayon. :(
"A-Ah.. ano kase--"
"Yehey! Osige, papakawalan ko na tong isa kong nahuli para quits tayo." Itinaas niya ang kamay niyang may tutubi at hinayaang lumipad iyon. "Back to zero na. Game!" Parang bata niyang sabi at nag simula ng maghuli ng tutubi.
No choice ako kaya ginaya ko na lang ang ginagawa ni Jaspher.
WALANGYA! PAANO AKO MANGHUHULI KUNG BAWAT HAKBANG KO NAGSISILAYUAN SILA?! DEPUTS! T^T
Tiningnan ko si Jaspher. Mukhang nakakarami siya. Letse, samantalang ako, nagkakanda-duling na ako sa paghahanap ng tutubi dito! Aba! Eh kulay green sila tapos green din yung mga damo eh! Medyo malabo pa naman na ang mata ko. T^T
BINABASA MO ANG
Every Ending Has A New Beginning
Romance"The worst part of my life is being betrayed by someone I trusted the most." Yan ang mga katagang binitiwan ni Cassy noong panahong sobra siyang nasaktan dahil sa kanyang nakaraan. Pero isang araw, may nagpatunay sa kanya na.. Every Ending Has A New...