[ Cassy's POV ]
Matapos kaming magkaroon ng seryosong usapan ni Jake ay naglakad na kami pabalik sa pwesto ng barkada namin kanina. Pero ang tanging inabutan na lang namin dun ay si Jaspher at Aki na tahimik na nag-uusap.
"Jake, tago." Hinatak ko si Jacob papunta sa maraming tao.
"Why?" Reklamo niya.
"Baliw ka ba?! Nakita mo bang andun si Aki?! Kapag nakita niya tayong magkasama, sira ang plano natin." Paliwanag ko.
"Ganon ba? Osige na nga." Pag sang ayon niya at nakitago na din.
Tumingin ako sa kanila.
"Nasan kaya yung iba?" Tanong ko.
"Ayun oh." Sagot ni Jake sa tabi ko habang tinuturo yung beach.
Nakita ko naman ang barkada ko na masayang naghahabulan sa tubig. Kusang nag form ng curve ang mga labi ko sa aking nakikita. Ngayon ko na lang ulit nakitang ganyan kasaya ang barkada ko matapos ang mga nangyaring hindi maganda. Sayang nga lang at wala na si Aileen ngayon. Kamusta na kaya siya? Sana masaya siya sa mga bago niyang kaibigan ngayon.
Hahakbang na sana ako papunta sa beach kung nasaan ang mga kabarkada ko ng hawakan ni Jake ang wrist ko.
"Wala akong kasama dito." Naka pout niyang sabi.
"Eeeeeeh!" Reklamo ko habang nagpapapadyak.
"Okay, mauna ka na lang, tapos susunod na lang ako." Suhestiyon niya na sinang ayunan ko naman.
Excited akong tumakbo papunta sa barkada ko at nang makarating ako doon..
SHET ANG LAMIG!
"Oy may bagong dating!" Sigaw ni Gina.
"Oh bakit mag kasunod kayo?" Tanong ni Ashley nang mapansing magkasunod kaming dumating ni Jacob.
"Uhmm. Kwento ko na lang sainyo mamaya." Nakangiti kong sabi.
"Uy! Akala ko ba may ginagawa tayo kapag may bagong dating?" Sigaw na tanong ni Junwel.
"Oo nga, anong gagawin sa kanila?" Tanong naman ni Ally.
Sabay-sabay silang bumilang hanggang tatlo at.. PINAULANAN KAMI NG TUBIG!
Masaya kaming naghagisan ng tubig. Naglaro din kami ng habulan sa beach. Ang hirap ngang humakbang eh. Madalas pa akong taya. Huhu :( Naglaro din kami ng volleyball. In short.. NAPAKASAYA!
Punong puno ng tawanan. Halos pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh. Pero wala kaming pakialam. We're too fab. Bwahaha! Inabot na kami ng kung anong oras. Di ko na namalayan. Totoo ngang time flies when you're happy.
Nang mapagod kami sa kalalaro at mapansing humahapon na ay umahon na kami para kumain. Hulaan niyo kung sinong nag demand? Walang iba kundi.. TENTENENEN! Georgina the eating monster! *sabog confetti*
"Nasaan nga pala sila Jaspher?" Tanong ni Pj.
"Kanina andito lang sila eh." Sagot ni Jake na nagpupunas ng basa niyang buhok.
Tumingin na lang ako sa paligid dahil tila may hinahanap ang mga mata ko. Saan naman kaya magpupunta yung dalawang yun? Ganun pala talaga sila kaclose? Pero bakit hindi man lang siya nakwento ni Aki sa akin? Kung sabagay. Ako din naman, di ko naikwento sa kanya na naging crush ko si Jaspher noon.
"Dun tayo sa kinainan natin kanina, baka andun lang sila." Suhestiyon ni Ashley.
Sumang ayon naman kami dito. Kasabay kong maglakad si Kath na madalang ko na lang marinig magsalita simula pa kanina.
BINABASA MO ANG
Every Ending Has A New Beginning
Romance"The worst part of my life is being betrayed by someone I trusted the most." Yan ang mga katagang binitiwan ni Cassy noong panahong sobra siyang nasaktan dahil sa kanyang nakaraan. Pero isang araw, may nagpatunay sa kanya na.. Every Ending Has A New...