Twenty | Boracay Trip - III (Kathy's Scent) |

128 17 1
                                    

[ Kath's POV ]

Pagkasabing-pagkasabi ko ng tungkol sa PaKo thingy na yun, umalis na kaagad ako sa bonfire. Hindi dahil sa nagagalit ako o nagtatampo kay Cassy dahil sa tanong niya.. Umalis ako kasi.. Natatakot ako. Nahihiya na din at the same time na baka mareject ako. Natatakot akong marinig ang mga reaksyon at comment nila. Lalo na si Junwel.

Dumiretso lang ako papunta sa hotel at nagkulong sa room namin ni Cassy.

"Kath.."

Narinig kong tawag sa akin ni Cassy habang kumakatok sa pinto.

"B-Bakit?"

I tried to control my voice but it almost cracked.

"Kath, sorry hindi ko naman sinasadyang--"

"It's okay Cass. You don't need to explain."

"Please open the door."

Tumayo ako sa kama ko at binuksan ang pinto.

"Okay ka lang, sigurado ka?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Tumango naman ako.

"Hindi ka galit? Sama ng loob or tampo man lang? Kath.. just tell me."

"Alam mo Cassy--"

Napahinto ako sa pagsasalita nang may kumatok ulit sa pinto. Sabay kaming napatingin ni Cassy dito.

"Sino yan?" Tanong ni Cassy.

"Si Junwel to."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig iyon.

Tumayo si Cassy para buksan ang pinto pero hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Sa labas lang ako. You guys better talk, okay?" Nakangiti niyang sabi at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Yumuko na lang ako. Narinig ko na ang pagbukas-sara ng pinto. Ibig sabihin..

"Kath.." Napalunok ako ng ilang beses bago ko siya nilingon.

"Anong ginagawa mo dito?" Diretso kong tanong pero deep inside sobrang kinakabahan na ko.

"Anong ibig sabihin ng PaKo?"

Napatingin ako sa kanya ng masama.

Di ko maintindihan kung nang iinis ba siya o ano?! Ipaulit daw ba yun?! -___-

"Imposibleng di mo narinig kanina." Sagot ko at inirapan siya.

"Lasing kasi ako kanina kaya di ko naintindihan."

"Nagpapatawa ka ba? Kung lasing ka kanina, lasing ka pa din ngayon. Umalis ka na nga dito kung wala kang matinong sasabihin." Mataray kong sambit.

Tinitigan lang niya ako na para bang nang iinis.

"Kung ayaw mong umalis, ako na lang ang aalis--"

Patayo na sana ako nang pigilan niya ako.

"Seriously, pangarap mo ko?" Magagalit sana ako pero nang makita kong seryoso ang mukha niya ay napatango na lang ako.

"Alam kong may girlfriend ka. Hindi naman ako dapat umaasa sayo eh. Kaya nga PANGARAP LANG di ba? Pero nang dahil sa mga pinapakita at pinaparamdam mo sa akin, umaasa ako. Nang dahil dito natatakot ako na baka kapag tumagal mas lalo pa kitang mahalin. Kaya pwede ba, tigilan mo na ko. Layuan mo na ko." Mahaba kong paliwanag sa kanya. Nanggigilid na din ang mga luha ko nang sabihin ko iyon.

"Sorry Kath. Sorry kung hindi ko kayang ibalik sayo yung pagmamahal na binibigay mo sakin. Hindi ko naman alam na yung pagiging close natin yung way para mahulog ang loob mo. Pero.. sige. Para sa barkada natin, lalayuan na kita. Try to find another. Yung kayang suklian ang pagmamahal mo. Kasi.. ako, hindi ko kayang gawin yun." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko ng marinig yung sinabi niya.

Every Ending Has A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon