Eight | Childhood Crush |

237 19 0
                                    

[ Cassy's POV ]

Ilang months na. Ilang months na akong malaya. Malaya sa sakit. Malaya sa galit. Pakiramdam ko wala na kong problema. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Sabi nga nila, there's always a rainbow after the rain. At eto na nga yun. Nararamdaman ko. After the pain, I can feel now the happiness and freedom.

May mga ilang lalaki na nanliligaw sa akin. Pero wala akong pakialam sa kanila. Dahil sa isang pangyayari, binago nito ang pananaw ko sa pagibig. Pakiramdam ko, ito ay lokohan na lamang. Nagawa ko mang kalimutan ang lahat, may naging epekto pa din ito sa aking kasalukuyan. May time na naiisip ko, hindi na ako mag mamahal pang muli. Napakasakit kasi ng mga nangyari noon. At kung iibig lang ako, madadagdagan lang ang mga tanga sa mundo.

Pagkatapos akong kausapin ni Aki at Ate Lucy, ginawa ko lahat ng sinabi nila. Noong una, nahirapan ako. Hinayaan ko lang lumipas ang mga araw na may nararamdaman akong sakit. Pero habang tumatagal, unti-unti itong nawawala ng hindi ko namamalayan.

Sa school, of course, nag aaral akong mabuti. Sa loob ng klase, hindi ko hinahayaang may bumabagabag sa isipan ko. Kapag naman walang klase, nun ako nag-iisip-isip. Hinahayaan naman ako ng barkada ko dahil naiintindihan naman ako ng mga ito.

I also told Aileen about Jake's game. At first, of course she didn't believe me. Pero masyado kong pinaghandaan ito, kaya sa huli, naniwala din siya. At sabay naming napatunayan ito. Medyo ayos na din kami ngayon. Nakakasama na namin siya ng barkada, pero sabi nga nila, hindi na kahit kailan pa maibabalik ang dati naming samahan.

Si Jake? I don't know. May part na galit pa din ako sa kanya, may part na gusto ko na siyang mapatawad at maging kaibigan ulit. Pero hindi pa din kami nag papansinan.

Month of October..

Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang, iyak ako ng iyak kapag gabi dahil sa sakit.. Urgghhh! Ano ba yan! Bakit ba ako puro throwback ng pain na naramdaman ko? Maiba naman tayo.

 Ilang months na lang, gagraduate na kami. Huhu! Di kasi kami inabutan ng K-12. Actually, last batch kami ng dating curriculum. Maswerte ba o maswerte? :D Pero in the other hand, mamimiss ko ang high school life. </3

"San ka galing?" Tanong sa akin ni Ally ng makapasok ako sa classroom namin.

"Bumili lang ng band aid." Sagot ko.

"Wae oh wae?! May sugat ka ba?" Nag aalala niyang tanong at chineck ang paa ko, tuhod, balikat, ulo at..

"Uyy! Ano ka ba! Wala akong dobleng sando! Walangya ka talaga!" Saway ko sakanya. "Eto oh sa tuhod." Pinakita ko sa kanya ang sugat ko. "Nadapa kasi ako kahapon nung hinahabol ko si Kuya. Ayaw niyang ibalik sa akin yung gitara ko eh." Pagkukwento ko. Medyo malaki yung sugat atsaka sariwa pa kasi kahapon lang yun.

"Ah, anong tawag sa'yo?" Sarcastic niyang tanong.

"DYOSA ALLY! DYOSANG TANGA!" Sigaw ko sakanya.

"Wow! Ang hangin! Gininaw kami dito dahil sa sobrang lakas!" Singit naman ni Gina sa likod namin, katabi niya si Aileen na tatawa-tawa lang dun.

"Whatever!" Sabi ko at binelatan sila.

Ikinabit ko na lang yung band aid sa sugat ko.

"Ouch." Bulong ko. Langya. Mathakit! Thyet! -__-

"Wag mo muna kasing lagyan ng takip kung sariwa pa, masasaktan ka na nga, mas lala pa ang sugat mo." Makahulugang singit ni Ashley.

Napa-isip ako. Sa pagmamahal, hindi mo din kailangang gumamit ng iba para mawala agad ang sakit kasi mas lalala lang ang sitwasyon? Panakip butas ba? Ganun ba yun?

Every Ending Has A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon