Fifteen | Jacob's POV |

191 17 0
                                    

A/N: Key, dedicated sa isa sa mga favorite author ko! :) Loveyouuuuuuu unnie! :*

~~

[ Jacob's ]

Halos ilang buwan na nang maghiwalay kami ni Athena. Kilala nyo naman siya di ba? I prefer to call her Athena, para ako ang naiiba.

I love her. I still do. Nasasaktan ako kapag may kasama siyang iba. Lalo na kapag nakikita kong masaya siya dito. Ang selfish ko ba? Ewan ko na lang. Di siguro ako sanay, kasi dati, ako ang dahilan ng pagtawa niyang yun.

Pinili ko ang barkada ko, ang masaktan siya, ang iwan niya ako at ang kalimutan ang kung ano mang meron kami. Isang malaking katangahan yon. Pero magsisi man ako, alam kong hindi ko na siya makukuha pa. Yun ang totoo kahit masakit. Truth hurts eka nga di ba? Mas mabuti ng masaktan sa katotohanan kaysa maging masaya sa isang kasinungalingan.

Mas mabuti pa sigurong mapunta siya sa iba, yung sa sigurado akong mamahalin at aalagaan siya. At kilala ko na kung sino ang taong yun.. Si Jaspher.

.

.

.

Flashback..

"Aray! Ano ba! Ang bastos niyo ah!" Narinig kong sigaw ng isang babae.

Naglalakad ako ngayon papunta sa mini gym dahil may practice na naman kami. Letse. Last practice na to kaya siguradong bigay todo na ang mga team mates ko. Intrams na kasi mamaya.

Hindi pa din tinigilan nung grupo ng mga lalaki yung isang babae, hanggang sa umiyak na ito. Gusto ko sana siyang tulungan kaso malelate na ako sa practice. Sayang, dagdag pogi points pa naman yun. Tskt sk.

Napahinto ako nang marinig ko ang boses ng guidance councilor namin..

"Hoy Benjo, hindi ka pa ba titigil sa mga kalokohan mo? Pangalawa mo na to!" Galit na sabi ni Ms. Macapagal.

Lumingon ako sandali sa kanila.

Kasama ni Ms. Macapagal si Jaspher. Bahagyang nagdilim ang paningin ko. Bastos pala tong lalaking to eh!

Una pa lang talaga, inis na inis na ko sa kanya. Hindi naman sa naiinggit ako dahil gwapo siya. Mas gwapo pa ko dyan noh! Ang kinaiinis ko lang, palagi niyang kasama si Athena! Ano bang meron sila? Syota ba niya itong bastos na to? Arg!

"Sumunod kayong lahat sa office!" Dagdag pa ni Mam.

Nakatungo namang nagsisunod ang grupo nila Benjo.

Nagtaka ako at hindi sumama si Jaspher sa guidance office, sa halip ay nilapitan niya yung umiiyak na babae.

"Ayos ka lang ba?" Narinig kong tanong niya dito.

"Oo, salamat ha. Kung di mo sila sinumbong baka binabastos pa din nila ako hanggang ngayon." Sagot naman ng babae.

Hinila niya ito patayo at nginitian. Nagpacute pa ang g*g*!

Kung anu-ano pa ang pinag usapan nila. Di ko na lang ito pinakinggan at umalis na.

Mabait naman pala siya. Matulungin at magalang sa babae. Sh*t! Di ako bading ah! Akala ko lang kasi isa siya dun sa mga nangbabastos kanina. Siya pa pala yung nagsumbong sa guidance para tulungan yung babae. Safe naman siguro si Athena sa kanya di ba?

Nang makarating ako sa mini gym, nag umpisa na ang practice namin. Mga ilang minuto lang at nagpahinga na kami. Ito ang sinasabi ko eh. Kapag last practice, nakakapagod na ng sobra. Di ba dapat light lang para hindi haggard bago ang laban? Eh dito iba eh. Tch. -___-

Every Ending Has A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon