Seven | Acceptance |

271 20 2
                                    

[ Cassy's POV ]

Napatulala ako ng mga ilang segundo nang makita kung sino ang itinuturo ng pinsan ko. Totoo ba to? Si Jake? Si Jake ang naghatid sa kanya sa bahay at ang nagpapakamusta sa akin? So, he still care? Psh.

"Ate, may problema ba? Namumutla ka?" Tanong sa akin ni Aki.

"A-ah, gutom lang yang si Cassy. Di ba Cass?" Singit sa amin ni Ate Lucy. Thanks for saving me! Aish! Ano ba kasi tong mga gumugulo sa isip ko! Sa susunod ko na lang ikukwento kay Aki ang nangyayari.

"Tara na, gutom na din ako eh. Mas lalo akong ginutom nung nakita ko si Kuya na wanted. Jacob pala ang pangalan? Narinig kong binulong mo Ate eh! HAHAHAHAHA!"

Pilit akong ngumiti sa kanya at hinila ko na sila sa Korean restaurant na gustong kainan ni Taglagas. Umorder na din kami ng pagkain.

Habang nasa table, di ko pa din maiwasang mag-isip. WTF! Nakita ko pa siyang kasama ang barkada niya! Kahit pilitin kong hindi na lang pansinin, nakakaramdam talaga ako ng inis eh! Lalo na kapag naaalala ko yung pag uusap namin nung friday..

**

Flashback..

Nung humarap ako sa kanya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung kaba to o ano. Hindi ko maintindihan. Gusto kong magalit sa kanya. Pero gusto ko din siyang yakapin dahil miss na miss ko na siya. Ngayon na lang kami makakapag-usap simula nung naghiwalay kami. Eto na ba yun? Magpapaliwanag na ba siya? Magsosorry? Makikipagbalikan? Sh*t! Ayokong mag-isip ng mga ganyang bagay.

"Athena.." Unti unti siyang humakbang papalapit sa akin.

Sinubukan ko ang lahat para pigilan ang sarili kong yakapin siya, pero hindi ko nagawa. I hugged him. A tight and warm hug. Pakiramdam ko may pakialam pa din siya sa akin. Alam ko yun. Halata sa pagtawag niya sa pangalan ko.

"Jacob.." Sabi ko sa kanya habang yakap ko siya. Naramdaman kong may mga luhang unti-unting tumutulo sa mga mata ko. Miss na miss ko na siya. Sa ngayon, ang gusto ko lang gawin ay yakapin siya.

'Magsalita ka, please. Jacob.. Ipaliwanag mo lahat ng hindi ko maintindihan. Kung magpapaalam ka, gawin mo na para hindi ako mahirapan.' Mga  salitang gusto kong sabihin pero hindi mailabas ng bibig na to!

Naramdaman ko ang pagyakap din niya sa akin. Ganoong pwesto kami ng mga ilang minuto hanggang sa humiwalay na siya sa akin.

"I'm so sorry.." Nakayuko niyang sabi. "Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko gustong saktan ka. Pero sana maintindihan mong.."  Huminto muna siya at tumingin sa mga mata ko. Bakit ganon? Ang sakit ng mga tingin niya? Parang ang layo-layo niya. Napalunok ako ng ilang beses.

"Na ano? Na si Aileen na ang mahal mo? Pinipilit kong intindihin Jake. Pinipilit kong wag masaktan. Gusto kong magalit! Gusto ko. Kaya lang, bakit pa? Ano pang magaga--"

"Shhhhh. Hindi lang siya." Pagpuputol niya sa sinabi ko.

Napahinto ako sa pag-iyak at napatitig sa kanya. Di ko siya maintindihan.

"Anong ibig mong sabihin.?" Tumalikod siya at sinabunutan ang sarili niya.

"EWAN KO ATHENA! SH*T! ANG GULO! NAPAKAGAGO KO! HINDI AKO GANTO DATI DI BA? DATI IKAW LANG ANG MAHAL KO! WEIRD DI BA?! HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NAGING GANTO AKO! SABI KASI NG BARKADA KO ANG WEAK KO DAW DAHIL IISA LANG ANG MAHAL KO! BAKIT DAW HINDI KO SILA GAYAHIN!" Humarap siya sa akin. "Ngayon sabihin mo, may mas gagago pa ba sakin? Ginawa ko ang isang bagay na hindi ko naman talaga gustong gawin para makisabay sa barkada ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang iwanan ang barkada ko, Athena. Maaaring lumayo sila sa akin kapag hindi ko sinunod ang gusto nila--"

Every Ending Has A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon