PAINTING NI JESUS CHRIST, NABENTA NG $450 MILLION

175 0 0
                                    



Ni Loki

Ang painting ni Leonardo da Vinci na imahe ni Jesus Christ ay nabenta sa nakagugulat na halaga na $450 milyong dolyar noong nakaraang buwan ay nananatiling naka-display sa Louvre Abu Dhabi, pahayag ng museum sa Twitter.

Ang painting ni Jesus Christ na ginawa ni Leonardo da Vinci ay nagwasak sa lahat ng auction records nang maibenta ito sa nabanggit na halaga.

Ang museo ay nag-tweet nan "Ang Salvator Mundi da Vinci ay darating ," na kinumpirma ni Christie, ang auction house na namamahala sa pagbebenta ng painting. Hindi naman inamin ni Christie kung binili ng museo ang nasabing painting.

Iniulat naman ng New York Times na nabili ni Saudi Price Bader bin Abdullah bin Mohammed bin Farhan al-Saud ang painting noong Nobyembre 15 auction.

Ang painting kung saan ang title ay nangangahulugang "Savior of the World" sa Ingles, ay ang pinakamahal na painting na ibenenta sa auction.
Ang nakaraang rekord ay ang Les Femmes d'Alger ng Pablo Picasso, na ibenenta ng $179 milyon.

DEEP WEB FACTSWhere stories live. Discover now