THE GREY ALIEN AUTOPSY

136 0 0
                                    



Warning: Disturbing Graphic Content!

Ang "The Alien Autopsy" ay isang 17-minute black and white film na inirelease at isinapubliko noong 1995 ng isang London-based entrepreneur na si Ray Santilli. Iprinisenta ni Santilli sa video ang authentic autopsy sa katawan ng isang grey alien na narecover sa isang crash site noong 1947. Inilarawan nyang "flying disc" ang bagay na nag-crash sa Roswell, New Mexico.

Ayon kay Santilli, ang film footage ay sinasabing orihinal na nagmula sa isang isang retired military cameraman na hiniling na hindi maisapubliko ang pagkakakilanlan at manatiling anonymous para sa kaligtasan ng sarili at ng kanyang pamilya. Layunin nilang maisapubliko, mapatunayan at hindi na lamang matawag na konspirasiya ang existence ng mga extraterrestrials — upang maging bukas ang lahat ng tao sa buhay na naghihintay sa labas ng ating mundo. Mabilis na kumalat ang film footage at naging laman din ito ng mga balita sa dyaryo, radyo at telebisyon. Marami ang namangha at natakot, ngunit marami ring nagsabing peke ang nasabing video.

Muling naungkat ang balitang ito noong 2006, at sa di malamang dahilan, inamin noon ni Ray Santilli sa isang press conference na ang film footage ay isa lamang staged. Narito ang kanyang pahayag:

"I admit — the film was not authentic and nothing but staged reconstruction of the original footage. It's fake!"

Sinabi rin nyang ang ilan sa mga piling scenes sa original video ay ipinatong o idinagdag lang nya sa isa pa, ito'y upang maging makatotohanan di umano ang naturang film. Tinanong sya kung alin sa mga footage ang kuha sa orihinal at isa lang ang kanyang naisagot — "Take a wild guess!"

There's also a myth saying that the original film footage is available in Deep Web — selling for 0.6BTC.

Any thoughts?

DEEP WEB FACTSWhere stories live. Discover now