"NIGHT MARES"

127 0 0
                                    



By Mad Alice

Bagamat ang katotohanan mo ay unti-unti nang nagiging masamang panaginip, nais ko lamang ipag bigay alam sa inyo na ang pag-uusapan natin ngayon ay literal na 'nightmare'. Hindi hugot, hindi metaphor, kundi usapang masamang panaginip talaga.
Ang Nightmare ay tumutukoy sa mga 'mare' na nangangahulugang evil spirits na syang nakapagdudulot sa atin ng masamang panaginip. Sikat ang term na 'to sa mga folklores hanggang sa naging universal usage na. Ang evil spirits daw na ito ay tumutuntong sa dibdib ng biktima na nagcacause ng pagkakulang ng oxygen sa mga biktima nito. Scientificaly kase, isang reason ng pananaginip ng masama ay ang kakulangan ng oxygen sa brain.

Malamang lahat sa atin, nakaranas nang managinip ng masama, hindi naman pwedeng laging masaya, hindi laging pasko. Iba't ibang panaginip, maaring hinahabol ka, katapusan na ng mundo, kung minsan nasa loob ka pa ng cartoons, anime, minsan tinutulungan mo pa si luffy sa laban nya o sinasamahan si Ash maghanap ng pokemon, pero ang higit sa masamang panaginip, ay yung may namamatay na mahal mo sa buhay. *Tok tok*

Naranasan mo na bang gumising ng umiiyak?
Tapos hindi mo na tanda ang panaginip mo? Basta alam mo malungkot, kase naiiyak ka.
Eh sumigaw pero walang lumalabas sa bibig mo?
Magising sa gitna ng gabi dahil sa masamang panaginip at hirap nang makatulog ulet?

Ilan lamang ang mga 'yan sa mga epekto ng pananaginip ng masama. Pero alam nyo bang ang pananaginip ng masama ay hindi maikokonsiderang isang normal na bagay?
Dahil ang panaginip ay may kinalaman sa brain activity ng isang tao, maraming pag-aaral ang nagpatunay na ang masamang panaginip ay may kinalaman sa 'Past-traumatic personality disorder'
Ang masasamang panaginip ay maaring likha ng isipan na nahihirapang mag move-on sa masasamang pangyayari. Gaya nang panonood natin ng nakakatakot na movie, pagkawitness ng karumal dumal na mga krimen at iba pa.

Hindi lang yan ang nakapagdudulot sa tao ng masamang panaginip, maging ang taong stressed, depressed at may anxiety ay mas madalas ding nakararanas ng masasamang panaginip dahil sa negative insights nila sa buhay.

"Eh healthy naman ako ah, bakit nanaginip pa rin ako ng masama?"

Ang pagiging healthy ay hindi excuse. Fair ang nightmares, lahat dinadalaw nya.
Ang hindi komportableng posisyon sa pagtulog at pagpupuyat ay mga paktor din na nakapagdudulot ng masamang panaginip.

Ang sleep paralysis, Incubus at succubus ay mga halimbawa ng mga pinaka nakakatakot na panaginip sa lahat.
Ang sleep paralysis o kilala rin sa tawag na 'Old Hag Syndrome' ay isang phenomena na madalas nangyayari tuwing bagong gising o papatulog ang isang tao. (As long as Half-asleep) Marami nang articles ang nagawa dito kaya malamang, may insight na kayo about this.
Ito yung pakiramdam na gising ka pero hindi ka makakilos, in my case naman, mas creepy. Nakararanas kase ako ng nakakarinding tunong tuwing mangyayari to sakin kasabay nang kawalang kakayahan ko na kumilos sa kabila ng pagiging gising ng isip ko. I just made myself an example mwhehehe.
Samantalang ang Sucubi at Incubi naman ay may mas mahaba pang description na gagawan ko nalang din ng article.

So, that's it. Now that we know what causes us nightmares, maari na natin itong maiwasan.
Nighmares are creepy, the creepiest thing actually in the world of fantasies.
But once your nightmare becomes your reality, I don't think I can still help about it.
We're all experiencing nightmares, the only difference is, your nightmare ends when you wake up.

DEEP WEB FACTSWhere stories live. Discover now