THE EXORCIST

122 0 0
                                    

THE EXORCIST


Ang The Exorcist (1973) ay batay sa nobela ni William Peter Blatty.
Si Regan, ang anak na babae ni MacNeil, ay sinaniban kaya pinuntahan ng mga pari na sina Damien Karras at Lankester Merrin para i-exorcise.

Kung marami ang natakot sa pelikula ay nakakatakot din ang pangyayari sa likod ng kamera.
Bago pa magsimula ang shooting ay nasunog ang set. At ang sanhi ay isang kalapati na naipit sa kawad ng kuryente. Isang kuwarto lang ang hindi nasuno- ang kuwarto ni Regan na sinaniban ng demonyo.

Nang matuloy ang shooting, si Ellen Burstyn, ang gumaganap sa papel ni Chris MacNeil, ay naaksidente.
Sa eksena ay inihagis ng possessed na si Regan si Chris. Nagkaroon ng malfunction ang props kaya nasaktan si Chris sa gulugod.

Ginamit ni Director William Friedkin ang aktuwal na footage sa final production kaya totoo ang sigaw na maririnig.

Si Regan, na ginampanan ni Linda Blair, ay naihagis din sa yumuyugyog na kama kaya nagkaroon ng pinsala ang kanyang likod.

Sa premier night ng pelikula mayroong 16th century church sa kabila ng kalsada, tinamaan ito ng kidlat. Ang malaking krus ay bumagsak din.
Kulang pa ba?
Ang mga aktor na sina Jack MacGowran at Vasiliki Maliaros ay namatay sa post-production stage ng pelikula.

Ang karakter nina MacGowran at Maliaros sa pelikula ay namatay.

DEEP WEB FACTSWhere stories live. Discover now