TIME TRAVELLER MEETS DINOSAURS AND JESUS CHRIST?

215 4 0
                                    


Simula nang mabuo ang ideya sa time travelling, hindi maikakailang naglitawan at dumami na rin ang mga nag-claim na sila ay mga time travellers, ang iba'y galing sa nakaraan o ang iba nama'y sa hinaharap. At ilan sa mga ito ay nag-iwan parin ng mga tanong sa isipan ng nakararami dahil sa mga misteryong hindi parin masagot hanggang sa ngayon. Sumikat noon si John Titor, isang alleged time traveller from year 2036 na galing umano sa isang military mission. Bumalik sya sa kasalukuyang panahon para magbigay ng mga prediksyon at babala tungkol sa mga nangyari sa kanyang timeline na maaari din umanong mangyari sa ating panahon.

Ngayon, ating kikilalanin ang isang alleged time traveller, at alien abductee na nagngangalang Eduard Albert Meier o mas kilala bilang Billy Meier. Sya ay ipinanganak noong February 3, 1937 sa Bülach, Switzerland. Ayon kay Meier, nagsimula ang kanyang extraterrestrial encounter noong 1942, kung saan nakilala nya ang isang humanoid-extraterrestrial [Plejaren] na pinangalanan nyang Sfath, tumagal ang kanilang komunikasyon hanggang 1950's, noong namatay si Sfath noong 1953, mayroong babaeng Plejaren nanaman ang nagsimulang makipagugnayan sa kanya, tinawag nya itong 'Asket' at tumagal ang ugnayan nito hanggang 1964. Nakilala din nya sina 'Semjase', apo ni Sfath, kasama sina Ptaah at Nera.

Ayon pa sa kanya, isang araw ay pwersahan syang ipinasok ni Ptaah sa spaceship na tinawag nyang "beamship" at dinala sya nito sa nakaraan. Ipinakita di umano ng Plejarens na totoo ang existence ng mga dinosaurs. Pasikreto nya umanong kinunan ng litrato ang mga ito. Matapos ang anim na oras na paglilibot sa buong mundo, sinabi nyang nakaramdam daw sya ng pagkahilo at tuluyan itong nawalan ng malay. Sa paggising ni Meier, sinabi daw ni Nera, na nasa panahon sila kung saan nakatakdang mangaral si Hesus sa ilang, sinundan nila ito at kanya pa daw nahawakan ang mga kamay ni Kristo. Ayon din sa kanyang pahayag:

"Balak ko sanang kunan ng litrato si Hesus pero pinagbawalan ako ni Ptaah, wala syang binigay na rason kung bakit. Basta ang sinabi nya wag akong maglabas ng mga makabagong kagamitan tulad ng camera, makinig lang daw ako sa pangaral nito. Pero kahit ganon, masaya ako dahil nasaksihan ko ang muka ng ating Tagapagligtas."

Sa limang buwan nyang pagkawala, baon nya nama'y sandamakmak na ebidensya tulad ng mga footage at mga litrato ng mga dinosaur at mga tanawin sa panahon noon. Sa pagsikat ng claims na ito, maraming mga ufologists ang nag-aral sa mga videos at larawan na iprinisenta ni Billy Meier. Ayon sa mga nag-aral, ang ilan sa mga litrato ay kaduda-duda dahil sa hindi makatotohanang detalye ng mga larawan.

Noong 1997, sinabi naman ng dating asawa ni Meier sa mga interviewers na ang mga videos at litrato ay staged, at ang ibang spaceship na nakuhanan nito ay gawa lamang sa carpet tacks, trashcan lid, at iba pang kagamitan na makikita sa kanilang garahe. Tinanong din sya tungkol sa kwento ng kanyang dating asawa tungkol sa pagbalik nito sa panahon ng mga dinosaur at ni Kristo, tumawa lang ito at sinabing walang katotohanan at ito'y kwentong barbero lamang. Nilinaw din nya na ang litrato na sinasabi ng kanyang asawa na ang mga aliens na sina Asket at Nera ay litrato talaga ng singing and dance group na The Golddiggers.

Lahat ng ito'y pinabulaanan ni Billy Meier at sinabing paninira lamang iyon ng kanyang ex-wife. Mapasahanggang ngayon, patuloy parin syang nangangalap ng mga impormasyon tungkol sa visitation ng mga extraterrestrials dito sa ating mundo. Sa katunayan, sya rin ang founder ng Free Community of Interests for the Border and Spiritual Sciences and Ufological Studies. 80 years old na sya ngayon at stay strong pa din si dudung. Hahaha. Yun lang, ngayon tatanungin kita, naniniwala kaba dito?

DEEP WEB FACTSWhere stories live. Discover now