POLTERGEIST

135 0 0
                                    


  POLTERGEIST

Ang Poltergeist na ipinalabas noong 1982 ang sinasabing pinaka-matagumpay na bersyon ng poltergeist films. Ang direktor nito ay si Tobe Hooper.
Makikita sa pelikula na sa pamamagitan ng telebisyon ay makakausap ng mga bata ang mga kakaibang nilalang.

Kung nakakatako ang pelikula, nakakatakot din ang kuwento nito sa likod ng camera.
Sina Dominique Dunne, na gumanap sa papel ni Dana Freeling, at Heather O'Rourke, na may papel ni Carol Anne Freeling, ay namatay sa murang edad.

Si Dunne ay namatay sa edad ng 22 matapos siyang sakalin ng kanyang dating boyfriend.
Makalipas ang ilan taon ay namatay naman si O'Rourke sa edad na 12 dahil sa cardiac arrest sanhi ng septic shock.

Nagkamali umano ng diagnosis ang mga doktor na sumuri sa kanya kaya ang sakit na madaling nagagamot ay nagresulta ng kamatayan.
Muntik ding mamatay ang cast member na si Oliver Robins, na gumanap sa papel na Robbie Freeling.

Isang animatronic clown sa set ang bigla na lamang sumakal kay Robins. Mabuti na lamang at nakita ito ni Steven Spielberg. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari at nanakal ang clown  

DEEP WEB FACTSWhere stories live. Discover now