Kabanats 8 Hold Up?

212 6 4
                                    

Kabanats 8 Hold Up?

Cassa's POV

Minuklat ko ang mga mata ko at inalis ko ang kumot.

Shit. Nasaan ako? Mukhang maganda ang kwarto kung saan ako. Ewan ko ba.

Ugh. Fvk. Ang sakit ng ulo ko. Ano ba ang nagyari. Ugh. 

Ang sama naman ng panaginip ko. Ano ba yung panaginip ko? Ugh. Ang sakit talaga.

"Aray" MAhinang ko sinabi pero mukhang may nakarinig at may bumukas sa pintuan.

Drina's POV

"Blim! Dali hanapin mo ang telepono. Tawagan mo ang pulis. Hahanapin ko si Bessy."

Magkalat kalat ang mga gamit.

Lahat wala sa kanilang puwesto.

Mga chandelier nahulog lahat.

Pati mga vases at mga picture frame. Wasak.

Ang mga upuan, lamesa at lahat, sira.

Parang inatake ng tornado ang bahay nila.

This is unbelievable.

"Cassa!Saan ka na? Cassa!"

"Tulong!" Sinundan ko ang boses at dali dali akong pumunta sa backyard,

sa swimming pool area. Malapit na ang boses. Saan yun?

" Tulong!"

0.0

Si Ate Marsha, ang bodyguard ni Cassa, duguan sa gilid ng swimming pool.

Cassa's POV

"Huh? Sino ka? Nasaan ako?" May isang tao na nasa harapan ko. Sandali. Ano. Umm. 

Ugh. Ang sama ng pakiramdam ko. Ano ba ang nagyari. Masakit ang buong katawan ko.

"Ah. Nasa Grand Elizabeth Hotel ka miss, pinaaalaga ka ni Sir. Nabunggo kasi yung ulo mo kanina. Dumudugo." 

What? Hinanap ko sa ulo ko ang damage at may nafeel akong ilang bukol at

"Tsssss. Aaaaah. Ansakit.! Ano ba kasi ang nagyari sa akin?!" Ugh. Masakit talaga. 

"Huwag mo ma'am please hawakan. Nakakasama." May isang babae na nakadress na parang maid na kanina pa kaong iniirita.

"Ulo ko to. Huwag mong pakielaman." Mukhang natakot siya. Ewan ko ba. Nagmamaldita naman ako. Grr. Ewan ko nga kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

Hindi ko maremember kung ano ang nangyari sa akin kung paano ako nagkaganito.

Tssss. Sakit! Tinignan ko ang buong paligid at doon ko natanto na nasa isang kwarto ako at nakahiga ako sa isang malaking kama.

"Well obviously. Gutom na ako. Saan ang food? Masakit ang ulo ko. DALHIN NIYO AKO SA HOSPITAL NGAYON!"

 Natatakot ako. Bakit naman ako sa isang lugar na hindi ko alam.

Kung hindi nga sila masamang tao, bakit wala ako sa hospital? Bakit hindi nila ako dinala sa hospital?

May dumating na mga lalaki na malaki. Mukhang mga body guard na ewan. Hindi maganda yung kutob ko sa kanila.

Nasobrahan ata ng gym. Ang laki ng muscles eh.

Waaah. Ang bipolar ko. Nakakatakot na nga pero nagjoke pa ako. Grr.

May lalaking pumasok sa kwarto na sumunod sa mga steroid freaks.

Hala! Ba't ang familiar niya?

Drina's POV

"Blimmo! Tumawag ka ng ambulansiya!" sigaw ko.

"Ate Marsha, anong nagyari? Nasaan si Cassa?"

Nanginginig na ako pero mas nasasaktan si Ate MArsha, andami na niyang nawawalang dugo sa sistema niya.

"Si Rewe,.... sa pool." Nagdura si Ate Marsha ng maraming dugo. OH my gosh. Feeling ko mahihimatay na ako pero. Ewan. Si Cassa. Nasaan?

" BLIMMO!! ANG AMBULANSIYA! Tawagan MO!" Sinigawan ko si Blim habang hawak- hawak si Ate Marsha.

Pagtingin ko sa pool, may nakita akong katawan. 

"ATE REWE!" Nakabaliktad ang katawan ni Ate Rewe sa pool.

"Ako na!" Agad na tumakbo at hinubad ni Blimmo ang shirt niya at nagdive papunta kay Ate Rewe.

Ang gulo! Ewan ko. Natatakot na ako. Cassa, nasaan ka na? 

Cassa's POV

"Sir. Gising na ang bisita niyo." Yung lalaki na nasa tabi ko kanina ay pumunta sa lalaki na kakapasok pa lang sa kwarto.

Mukhang may sinasabi yung lalaki pero hindi ko marinig. Sino ba siya? Anong kailangan niya sa akin? 

"Sige po. Tatanungin ko lang." Sabi ng lalaki na katabi ko kanina. Nilapitan ako ng malaking lalaki. Ewww. Nadidiri ako sa kanya.

 Nakahiga pa rin ako at ang sama talaga ng pakiramdam ko. Ewan ko ba. 

"Huwag  mo akong hawakan. Bakit ako nandito. Bakit ako ganito?" Hahawakan na sana ako ng lalaki pero inalis ko ang kamay niya.

Confused ako. Di ko maremember kunng anong nangyari. Tsss. Ang sakit ng ulo ko.

Wala akong MAAALALA! Bvisit.

"May maaalala ka ba sa mga nangyari?"

"Sa tingin mo may maaalala ako kung magtatanong ako kung saan ako at kung saan ako nakatira? TANGA KA BA?" Naiinis na talaga ako. Tanga talaga.

"Huwag mo kong sasabat-sabatin ha!" Sasampalin na niya sana ako kaya pinikit ko ang mga mata ko at tumago sa ilalim ng kumot.

Hinihintay ko ang impact sa mukha ko pero wala eh. Bakit wala?

Drina's POV

"BLIMMO! Be CAREFUL!" Nang kinuha ni Blimmo ang katawan ni Ate Rewe.

Binigyan ko siya ng CPR at sinabihan si Blimmo na bantayan si Ate Marsha na ngayon ay walang malay at nagdudugo.

"*Ubo *ubo* Si Ma'am Cassa!  Nasaan!?" Buhay pa si Ate Rewe. YEs!

"Ewan ko po. MAgpahinga po kayo. Please." Masama ang pakiramdam ko. Baka nakidnap si Cassa.

Ayoko. Hindi puwede.

"Drina! Si Ate Marsha, may dalawang bala mula sa baril. Mukhang galing sa baril. Dumudugo. Ayaw. Tumigil!" Sinigawan ako ni Blim. Mukha rin siyang takot. Pareho kaming takot sa mga nangyayari.

 Cassa, nasaan ka na?

"Bigyan mo ng pressure. Shucks. Natawagan mo na ang ambulansiya at pulis?" Sagot ko kay Blimmo.

" Oo." 

Umiyak ako. Di ako makapaniwala. Ano ang nangyari kay Cassa. 

Hindi ako makapali. Lahat. Parang ang bilis. 

Kararating pa lang niy sa States at ewan ko. Wala naman siyang kasalanan.

May naiwan ba si Cassa sa States na hindi niya nasabi sa akin?

Imposible. Best friend ko siya. Sinasabi niya ang lahat sa akin.

"Drina, maaayos ang lahat." Umiiyak pa rin ako at may naramdaman akong mga kamay sa katawan ko. 

Yinakap ako ni Blimmo at tuluyang nawalan ako ng malay. " Blim, si Ate Marsha. Doon ka sa kanya."

"Kailangan ng mga tao doon. Ikaw, doon ka sa likod!" May narinig rin akong ambulansiya.

"Drina! Andito na sila. Huwag kang mag-aalala." Binulungan ako ni Blimmo pero nalilito na ako.

*Blaaaaaag*

Wala na akong malay.

Remember SaturdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon