Dania
Pagkalabas ko, bumungad sakin si Ricci na nakaupo sa lawn ng garage nila. Napatingin naman siya sakin
Nasa sidewalk na ako, feel ko nakatingin siya sa akin.
Hindi man lang niya ako pinansin o kaya tinawag. Ano ba nagawa ko?
Argh, di ko talaga maindtindihan tong taong 'to.
Binaling ko nalang ang tingin ko sa dinaraanan ko at binigyang pansin ang mga hugis kahon na nilalakaran ko.
One.. two.. three.. four.. five—
"Nia"
Ah buti naman.
"Pauwi na malamang" napatigil ako at sinagot ang tanong niya
"Hatid na kita, sobrang late na ehh" nakatayo lamang ako habang tinitingnan siyang palapit sakin.
"Di, okay lang" ngiti ko, kami nalang nasa labas at kung sino man ang makakakita samin ay mapagkakamalan kaming mag-jowa.
"Hatid na kasi kita"
"Okay lang, okay?"
"Baka kasi may mangyari sayo..." ang tanga mo pa naman" napangiti na sana ako nang marining ko ang huling sinabi niya.
"Ahh, maniniwala na sana ako pero wag na... "
"Joke lang naman. Pero hatid na kita love" sabi pa niya na nakasmile.
"Huh? love ka diyan" iniripan ko lang siya.
Gutom lang ata 'toh.
"Ayy sorry mahal" sabay sabi niya tas nangindat pa. Kung pwede ko lang tusukin mata neto ehh.
"Tama na nga, uwi na ko"
"Sige na, sabayan na kita" nagsimula na kaming maglakad. Ang tahimik naming dalawa yung para bang may nasabi akong mali.
"Psst," sabi ko, nasa kabilang kanto ng subdivision yung bahay namin, medyo malayo ng kaunti pero kaya lang naman.
"Hmm?" matipid niyang sagot.
Ba't parang ayaw nyang magsalita?"Anong nagyari sayo kanina?" bigla siyang napatigil sa pag lalakad at ako rin naman. Alangan namang magpatuloy ako.
"Wala" sagot niya at hinarap ako.
"Wala? As in trip mo lang?"
"Oo"
May mali dito.
"Wehh? Di nga?" tanong ko ulit.
"Oo nga, ba't ang kulit" ang arte ng lolo niyo.
"Okay" sagot ko naman. Alam kong may mali talaga kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad.
"Nia! Hoy hintayin mo'ko!" Sigaw niya at napansin kong nauuna nga ako kesa sa kanya.
"Ang kulit ko kasi" sagot ko naman.
"Wuy teka" sabi niya habang hinahabol niya ako.
"Ano?" tanong ko.
"Sorry kasi.." may sasabihin pa sana siya nang napansin naming nasa harap na pala kami ng bahay. Napatingin kami dalawa sa isa't isa bago pa siya makapagsalita ulit.
"ah, e t-text ko nalang"
"Sige, bye na" sabi ko pa bago paman magsimula ulit maglakad papuntang porche.
"Teka, wala bang hug?" bulong niya.
"Adik ka ba?! " akala niya siguro di ko siya narinig.
"Hahahaha, sige na. Goodnight...love you" sabi niya sabay hila sa kamay ko.
"Baliw ka na"
"LOVE YOU! " sabi niya ulit. Napaka cute naman, CUTE SAPAKIN
"Ha-ha. Labuyo gusto mo?" binigyan ko naman siya ng fake smile.
"sige na, uuwi na nga" sabi niya pero di parin mawala yung ngiti sa labi niya.
"Umuwi ka na nga Sahi, baka hanapin ka pa nila tita" sabi ko naman habang pinakitaan niya ako ng puppy eyes.
Pero di ako natinag at tinaasan lang siya ng kilay.
"Sige na nga, bye na" unti unti siyang lumakad papalayo.
"Mag-ingat ka ha!" Sigaw ko
"Oo nga, mag-iingat po" humarap siya at nag lakad ng patalikod, "ikaw rin! Papakasalan pa po kita!" tumawa siya at tumakbo na nga papalayo.
"Heh!" sigaw ko pabalik. Di ko kakayanin kung may makarinig pa sa sinabi niya, di naman seryoso yun eh baka may mag assume jowa ko yun.
BINABASA MO ANG
All About Us || Ricci Rivero
FanfictionHow can you tell a person you love her? And how sure are you that she loves you back?