Dania
Days passed.
Ganon parin naman. Walang nag bago except ang tingin sa akin nina Pauleth. Akala nila may sakit ako pero wala lang talaga ako sa mood na maging masaya. Three days straight din yung duty nila mama kaya kami lang parati ang nagkakasama nina Pauleth.
Pumupunta naman dito sila Kuya Sheed at Kuya Prince, pero di ko na rin sila masyadong nakakausap kasi parati na akong nandito sa kwarto.
"Nia" may kumatok sa pinto at alam kong si kuya prince iyon. "Movie Mara sa baba"
"Okay lang kuya" sagot ko naman, "kayo nalang muna"
Minsan rin naman kasama nila si Ricci pero di pa rin kami nagkikibuan kaya didiretso na naman ako sa kwarto. Parang di kami magkakilala, ganun.
Nandito na sina mommy at nasa baba si tita abi, naghahanda sila para sa noche buena mamaya. She bought me christmas gifts para malibang ko raw sarili ko. She bought me make ups and calligraphy books. Pero meron pa siyang gift na nakabalot which i believed na clothes.
Tiningnan ko lang yung panda na nasa kama ko, best christmas gift so far. Winish ko toh kay Ricci but mom's the one bought it, kingina. Napangiti nalang ako. 20:57 gusto ko ulit matulog.
May kumatok sa pinto and it was mom.
"Oh mom?" Tanong ko.
"Nandito sila Gelo," sabi niya. I knew she's trying to let me go out.
"Yes mom" sagot ko.
Tumingin ako uli sa laptop ko dahil pumasok naman rin sila Gelo.
"H-hi ate"
Bigla akong napatigil. Yung boses na iyon, hindi naman yun kay Gelo. Kinakabahan ako, naninikip ang aking dibdib at di na ako makahinga ng maayos. Lumingon ako sa kanya, at katulad ng iniisip ko, si Ricci ang nakatayo sa pinto.
Ngumiti siya sa akin na para bang nahihiya. Diba dapat ako yung mahiya?
Tumayo ako habang palapit na palapit ang lakad niya sa akin.
"O-oy Chi" bati ko. Nanlalamig ako. Di ko na kaya toh.
"Nia," bulong niya. Tiningnan niya yung panda na bear sa may kama ko at nalipat ang direksyon na doon. "Natanggap mo nga" sabi niya na nakangiti.
Natanggap? So siya ang nagbigay sa'kin nito?
Halatang halata na sa mukha ko na di ko na maintindihan ang mga nangyari.
"Wait" ngiti niya. "Di mo alam na ako ang may bigay nito?" Tanong niya.
Napangiti nalang ako nung nakita ko ang pag ngiti niya sa akin. Katulad lang ng ngiti niya dati, na para bang ako lang ang pinakitaan niya nito.
"C-can we go out? Pwede ba tayong pumunta sa playground?" Tanong niya. Tumango ako. Di ko alam kung magagalit bah ako sa kanya or ano.
Pagbaba namin ay nakita kong nakangiti lang sa akin sila Tita Abi at sila kuya.
Si Ricci na ang nagpaalam na pupunta kami sa park na nasa subdivision. May kinuha muna siya sa sasakyan nila at inilagay sa maliit ba paperbag. Hawak hawak niya ito hanggang sa makarating kami sa playground. Di ko matiis na tanuningin siya pero baka mahantung na naman toh sa hindi namin pagkikipag-usapan.
Naging tahimik kami sa isa't isa at di ko na kaya tong ganito.
"So, kilala mo na si Benjie" sabi niya.
Benjie who? Wala akong natatandaan na Benjie.
"Sinong Benjie?" Tanong ko
"BJ" sagot niya agad na para bang ayaw niya na itong ikwento.
BINABASA MO ANG
All About Us || Ricci Rivero
FanfictionHow can you tell a person you love her? And how sure are you that she loves you back?