04

1.9K 15 0
                                    

Dania

Papasok na sana akong pintuan nang may napansin akong nakatayo. Wait teka—

"Surprise!!" nagulat ako nang may biglang tumalon sa harap ko.

"Hoy POLLLL?! ikaw ba iyan?!" tanong ko

"Hindi? Malamang repleksyon mo" sagot pa nito.

Siya nga! Ang pinsan kong baliw.

"Ahh ikaw nga pol!!!" Sabi ko at bigla ko siyang niyakap.

Mag thr-three years lang kami wala nagkita pero parang labindalawang taon na ang nag daan.

"San si ate Jacjac?" Tanong ko habang bumibitaw sa yakap niya.

"Nasa taas" sagot niya habang inaayos ang nagulo niyang eyeglasses.

"A kumain na kayo?"

"Aba oo, kanina lang. Sa airport na kami kumain" sagot niya

"San si tito Paul at tita Beth? Pati si tito Jacob at tita Kiersten?"

Si tito Paul at tita Beth yung parents ni Pauleth habang sina tito Jacob at tita Kiersten yung parents ni Ate Jackie.

Magkakapatid ang mga tatay namin kaya naman mag-pipinsan kami.

"Busy si moma at dada dahil may business proposal sila tas sina tito Jacob, may inasikaso para sa college ni ate Jacjac"

Wait, SO KAMI LANG TATLO? Rambolan ang kahahantungan nito.

Habang nag-uusap usap kami, bigla namang napadaan si Nanay Evangeline— ang nagpalaki sakin at kay Pauleth.

"Nay? Kumain na po ba kayo?" tanong ko.

"Tapos na Niña, tsaka dumating naman lang sila Jacjac at Paupau, siguro makakauwi na ako nito. Sabi kasi ng mom mo na kapag dumating na sila pwede na akong umuwi" sabi niya habang napaupo sa sofa.

Di nagtagal, nag paalam na rin si Nanay na uuwi na siya. Malapit lang din naman bahay niya kay di na siya nagpasama papalabas sa subdivision.

"Ang tanda na ni nanay noh?" sabi pa ni pauleth habang sinasara niya ang pinto.

"Syempre, pre-school pa kaya tayo nung nandiyan siya"

"Siya nag lilinis ng buong bahay?"

"Hoy hindi. Sabi kaya ni mommy kay nanay na pwede na siyang magpahinga kung di niya na kaya pero kailangang kailangan ni nanay ng pera para sa apo niya, yung si ate Kim? Malapit na kasi yung grumaduate. Kaya nung pumunta kayo ni ate Jacjac sa U.S, ako nalang yung alaga ni nanay, tsaka yung trabaho ni nanay ay mag bantay nalang sa'kin kaya hindi mabigat. Tutor ko pa nga si ate Kim kasi education kinuha niya," sagot ko, "may stay-out na naglilinis at nagluluto para wala na masyadong trabaho si nanay."

"Ah, nakakaproud naman. Di na namin nakita ulit si nanay kasi kung uuwi kami dito, dun naman sa mga tita ko kay moma. Ehh ba't binabantayan ka pa? Diba 17 years old ka na?" Tanong niya. Alam kong tawang tawa na siya.

"Wala lang" sagot ko. At ayon na nga, TUMAWA NA SIYA NG MALAKAS.

"Sabihin mo na kasi, na natatakot ka pa" asar niya.

Di kaya ako natatakot. Dati, oo pero ngayon di na.

"Heh! Di na kaya" sagot ko sa kanya.

Bigla kong pinahid yung buong kamay ko sa mukha niya, dahilan para magulo ulit yung glasses niya.

"Wehh? Ehh ba't ka pa nagpasama sa boyfriend mo pauwi?" inayos niya yung glasses niya tas nag bleh pa sakin.

"Anong boyfriend?"

"Yung kasama mo kaya kanina! Malabo mga mata ko pero di malabo pandinig ko nung sabi niyang papakasalan ka pa niya. Apaka cringe niyo, sinasabi ko senyo" sigaw niya.

"Psst hoy tumahimik ka nga!" saway ko ngunit tumawa lang siya ng malakas

"Oy! Oy! Sinong may boyfriend"

K. Bye.

"Si Nia meron ate Jac!" sagot niya kay Ate Jackie.

"Eh! Wag kang maniwala diyan te Jac!"

"Eh bleh ka rin. Edi sino yung kanina?"

"Kanina? Hoy tigilan mo 'ko baliw!"

"May boyfriend ka na?" Tanong ni ate Jac, at dobleng papatay sa'kin sa pag aasar.

"Ah yung kanina. Anong boyfriend?" ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko,
"si Ricci yun! Kaibigan ko na taga dito, galing ako sa kanila kasi sabi ni mama na doon nalang muna ako habang wala pa kayo. Kakilala ni mama yung parents niya" explain ko pa kahit ang hiram kumbinsihin ng mga taong 'toh.

"Ayon lang naman pala Pol ehh! Kaibigan lang...sige na, matutulog na ako" sabi ni ate Jac habang papunta na sa kwarto, bago sumunod si Pauleth kay ate Jacjac, nag bleh pa toh at nagmadaling tumakbo pataas.

Chineck ko yung mga bintana at pintuan para maka sigurong nakalock na ito nang biglang mag ring ang phone ko.

Sahia sent a message.

All About Us || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon