22

948 12 1
                                    

Ricci

Nag start na akong mag drive at hindi ako mapakaling naging tahimik si Nia.

"Pam?" Tanong ko at tumingin sa kanya. Nag stop naman rin ang takbo ng mga sasakyan dahil nag traffic.

"Yes po?" Tingin niya sa akin.

"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko. Hindi ko na namalayan yung naging tanong ko sa kanya. Ang saya saya ko kasi kahit di kami official, legal naman kami. Yung tipong alam mong may matatakbuhan ka kung ano mang mangyari dahil supportado yung mga families niyo.

"What the—anong klaseng tanong iyan love?" tanong niya pabalik at napangiti. Alam kong mahal niya rin ako pero iba kasi talaga kung on point niyang sasagutin.

"Alam ko naman kasi," sagot ko at hinawakan ng mahigpit yung kamay niya. "Can i hear those words?"

Napangiti siya. Mga ngiti na parang nahihiya.

"Ricci Paolo Uy Rivero, mahal kita....mahal na mahal" sagot niya.

"So tayo na?" Tanong ko at napangiti sa kanya.

"Tayo? Ang hirap tumayo dito" sagot niya. Eto yung nagustuhan ko sa kanya ehh, yung pagiging corny ayy este yung pagiging joker.

"Panira ka by" sabi ko naman.

"Baby? Ang pangit naman ng callsign na iyan amputa" sabi niya habang nag aact ng parang nasusuka.

"Bibi?" Tanong ko. Napapaisip siya.

"Basura" sagot niya lang at natawa.

"Babe?"

"Ang soft. Di bagay"

"Bae?"

"Isa pa"

"Bal?"

Napangiti siya pero di niya sinagot. Napangiti na rin ako.

"Shess. Ano iyan pan? Ngumingiti ngiti ka parang baliw" asar niya. Ganyan talaga siya, parang ano. Haha.

"Sige, Gawa tayo ng Deal pam" sabi ko at napatingin naman siya bigla sa akin.

"Ano na naman bah?" Tanong niya at natawa. Huwag ka ng tumawa please. Kilig na kilig na ako.

"Pag tinawag mo ako ng Bal," napasmile siya at tinaasan ako ng kilay.

"Pag tinawag kitang bal, ano?" Tanong niya.

"Edi tayo na" ngiti ko. Natawa naman siya.

"Seryoso?" Tanong niya.

"Seryoso nga" sagot ko agad.

Natawa siya kaya tumawa na rin ako. Edi kaming nang baliw, tawa dito, tawa doon. Mainggit nalang kase mga bitter. HAHAH.

~

Hindi naman malayo yung apartment ni Monique kaya madali rin kaming nakarating kahit matraffic.

"Oh? Dito ka lang pam?" Tanong ko kay Nia habang hinahawakan yung kamay niya bago ko buksan yung pinto ng sasakyan.

"Okay lang pan" ngiti niya. Ayaw ko naman rin kasi siyang iwan. Gusto kong kasama siya. "Okay lang nga" shake niya sa kamay niya.

"Balik rin naman ako agad" ngiti ko sa kanya.

"Ikaw lang nga yung ayaw akong iwan" sagot niya at napatingin sa bintana.

"Ayaw kitang iwan kasi mahal kita" sabi ko. Halatang halata na kaya na kilig na kilig na siya. Ang babae ko siguro, kinikilig na rin ako.

"Heh! Bilisan mo nga lang, iloveyou" mabilis na lumabas ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig galing sa kanya. I mean, i love you too lang kasi yung mga binibitawan niya nung mga nakaraang araw. Puta. Parang kikinikilig ako. Haha.

"Yie, sige i love you too" ngiti ko at lumabas na rin sa sasakyan.

~

Hindi ko mapigilang sumilip kay Nia. Baka kasi may biglang—esh wag na nga lang.

"Monique?" Katok ko sa pinto ng pinsan ko. Fourteen years old palang toh pero dinaig na ako sa pagiging responsable. Nasa U.S yung parents ni Monique, bunso sa dalawang magkakapatid and she's adopted. Kaya mahal na mahal siya ng family. Maaasahan kaya nung sabi niyang gusto niya lang mag stay dito sa PH, eh pinayagan agad siya and she already owned an apartment kasama yung mga classmates niya.

Scholar eh.

"Kuya Cci?" tanong niya sabay binuksan ng napaka wide yung pinto. Malaking malaki yung ngiti niya nung nakita niya ako.

"Hali na" sabi ko at niyakap naman siya.

"Tumangkad na'ko kuyaaaa" sabi niya habang sabay lock niya sa pinto.

"Lumiit lang ako" sagot ko agad.

Napatawa naman siya.

"Kuya cci? May kasama ka?" Tanong niya habang nagstart na kaming maglakad papuntang hagdanan.

"Yeah" sagot ko. "Girlfriend ko" nawala ang ngiti sa mukha niya and alam kong si Nicole yung babaeng nasa isip niya ngayon. Alam kong ayaw niya kay Nicole, hindi sila magkasundo tsaka ayaw niyang kasama namin siya kapag may lakad kami.

Monique doesn't tell. Hindi naman siya nagsasabi ng masama tungkol sa isang tao pero even good people alam kong saan sila comfortable.

"Hindi girlfriend, magiging girlfriend pala" sabi ko at inakbayan siya para bumalik ang sigla niya.

"Sino naman iyan kuya? Alam mo, sinasaktan mo lang si ate Nia nyan" sagot naman nya.

"Haha, hindi ahh. Si ate Nia mo nga ehh" napangiti nalang rin ako.

"Weh? Di nga?" Bigla siyang tumalon mula sa akbay ko at napaharap sa akin para pahintuin ako. "Maglilibre ako ng pizza kapag totoo iyang kasinungalingan mo" sabay turo sa mukha ko.

"Bahala ka" ngiti ko at sinundan siya pababa ng hagdan.

"Alam mo sigurong i don't like to be with Nicole kuya" sabi niya at mabagal na naglakad. I knew it. "I prefer ate Nia to be with you. I mean, okay lang naman kung maging kayo ni Nicole kasi baka may nakita kang wala namin nakita kahit nila kuya Brent at nila kuya. What i'm saying is that, you deserve better. Kahit hindi si Ate Nia. Kahit other girls pa iyan...basta wag lang si—"

"Wala na kami" sagot ko agad. Well, nagbibigay na siya ng mga rants which are all facts. Tama siya. I deserve better. I deserve Nia. Fourteen palang tong batang toh eh parang naging automatic teacher ko na.

Kitang kita sa mukha niya ang pagkabigla. Biglang bigla.

"Anong nangyari sa forever?" Tanong niya na parang natatawa. Napangiti nalang ako sa tanong niya.

"Huy" pabulong kong sagot.

"Two years wasted and gone" sabi niya at itinaas yung kamay niya na parang gumagawa ng title.

"Tsk" napatawa ako at nagmadaling bumalik sa sasakyan habang mabilis ring naglakad si Monique.

°°

I would like... Char hahaha. Gusto ko sanang ededicate tong page na toh sa pinsan ko (third cousin actually hehe) na si DimpleMoniqueInsong 😂💚 bunso andito kanaaaaa.

🌻

All About Us || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon