Dania
Ricci 🐼💕
Goodmorning Niaaa!! ☺️
GOODMORNING SAHIAAAAA!! 😂
**
8:43am na pero tulog parin itong si ate Jacjac at si Pauleth sa tabi ko. Napagod rin siguro sa biyahe.
Wala pa rin ngayon si Mommy at si Dad. May emergency daw kasi sa hospital. Surgeon si dad habang anesthesiologist si mom.
Ricci 🐼💕
Oy nag reply si lodiiii 💓
Ang arte mo, tangna 😂
Nandiyan mga pinsan mo noh?
Yeah. Nandito si Pauleth at ate Jacjac
Ahh, wala pa rin si tita ana pati si tito dave?
Wala pa nga ehh. Mamaya pa yun. Mga 5 ata.
Awp. Sabi kasi ni mama na pwede ba dawng mag lunch kasama niyo pero mamaya nalang. Sabay nalang sa dinner.
Sige hahah kita kits nalang tol!! 😂 text ko na si mama.
Sige, babe haha ingat 😚
Babe? 💗**
Natawa nalang ako sa last text niya. Hindi kami pero ganyan talaga kami mag care sa isa't isa.
"Psst...sino iyan?" Malapit na'kong atakehin ng hika dahil bigla bigla nalang susulpot si pauleth.
"Wala" hinga ko naman ng malalim. Parang hindi 'malapit atakehin', inaatake ko. Shhh amp!
Kinuha agad ni Pauleth yung inhaler ko sa ilalim ng unan ko. Pagkatapos kong higupin yung gamot ko, nakangisi lang siya, at nakikita ko yung braces niya. Di naman siya wierdo pero may glasses siya tas naka brace. Yung glasses nya yung parang kay daniel padilla kaya sosyal niya paring tingnan.
"Ulol!" sabi ko pa, tas tinapunan siya ng unan. Tumakbo ako kaagad sa banyo para makapag hilamos na rin.
Tiningnan ko yung reflection ko sa salamin. Eyebags mo toh!! >_<
Tinali ko yung buhok ko ng pang ponytail tas naghilamos na ako.
•—•
Pag labas ko ng banyo, nakita ko si Pauleth na hawak hawak yung cellphone ko. Tiningnan niya ako with eagle eyes at tiningnan ko rin siya.
Alam ko na ang trip ng babaeng toh.
1...2....3.....
Mabilis siyang tumakbo pababa, hawak hawak pa rin yung cellphone ko.
"ATEEEEEEEEHHHH JAAAAAAAAAAAAAAAAK!" Sigaw niya habang papunta kay ate jac na nag luluto ng breakfast.
"Hoy!" Tawag ko.
Punyeta! Hawak hawak nya selpon ko at nasa likod siya ni ate Jacjac na nasa lababo.
"Akin na," di niya pa rin ibibigay yung cellphone ko.
May kumatok sa pinto at binuksan ito ni nanay. Nang nakita ni pauleth si mommy tsaka si daddy, binigay niya agad sa'kin yung cellphone.
"Tito, tita" nag mano at nagkiss si ate jacjac at pauleth kay mommy at daddy.
"Ohh ma? Kala ko mamayang 5 pa uwi niyo" nag kiss na rin ako kay mama at kay dad.
"Yes pero may nagpalit muna sa shift namin. Three days naman din kasi kaming nandun kaya pinapalit narin namin" sabi ni dad bago umakyat sa taas para mag bihis, "kailangan din kasi naming bumawi sa princess namin"
Hahah. Kaya mahal na mahal ko tong pamilyang toh ehh! 💓
"Nag text rin kasi si tita abi mo, sasabay na tayo sa kanila mag lunch tsaka mag dinner" sabi ni mama habang napa upo siya sa sofa, "Jacjac, paupau, sama na kayo samin ha"
"Uhm, san po tita?" Tanong ni ate jac habang pinupunasan niya yung kamay niya sa apron.
"Mag lulunch kasama sina tita Abi mo tas magsisimba at mag didinner kasama nila"
"Ahh sige po tita, tatapusin ko lang muna toh"
Tumango si mama at dumeretso na sa taas para maka ligo. 10:30 yung mass kaya kailangan na naming mag madali. Hindi ko alam kung anong susuotin ko kaya kumuha nakang ako ng black, high waist na jeans tsaka plain white t-shirt na V neck. Ininsert ko yung shirt tas black na adidas yung pinartner ko.
•—•
9:43am na at ready na kaming lahat. Nag provide si dad ng isang van para masakyan nila ni mom, tita abi at tito pao, pati narin nilang Allen, Ashton, Gelo at Riley. May ibang mag dradrive para kahit mag usap sila nang mag-usap, walang magiging problema. Habang ako, alam ko na kung saan ako sasakay. As usual, sasakay ako sa Sportage ni kuya sheed.
Kasama ko dun si Ricci, si kuya prince, si Ate Jacjac, at si kuya Sheed, of course kasi siya magdradrive. Pati pala si pauleth. Pa epal! Hahah. Pero kahit ang kapal ng mukha nitong pinsan ko, mahal na mahal ko toh.
**
Hey bebsss!! 😂 Ano sa tingin niyo? Magiging third wheel ba si Pauleth? Dahil for me, asklbptfnotf. Haha. Joke lang. Seryoso naman neto haha.Voteeeeee 💓 Comment 💓 DM ME 🐼❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/131968169-288-k932079.jpg)
BINABASA MO ANG
All About Us || Ricci Rivero
Fiksi PenggemarHow can you tell a person you love her? And how sure are you that she loves you back?