Dania
The thing you've found left me confused. Anong ibig sabihin ni Gelo? Yung notebook ba iyon?
Di pa rin nawala sa isip ko yung debate namin ni Ricci kanina. Yung mga salita, yung mga patama niya, parang iba na yun eh.
Hindi ko narinig yung mga salita ni Ricci na nakasanayan kong kausap. Hindi siya yung 'habang nagsasalita ay tumatawa', nih hindi siya ngumiti nung sinasabi niyang ang manhid ni Margo, wala siyang ginawang biro o kaya naman hindi niya ako pinatigil sa kakaexplain. Naghintay siya na dadating siya sa point ng sinasabi niya. Di ko nga alam kung narinig niya sinasabi ko kanina o pinapalabas niya yung mga saluobin niya.
Pero ito yung ricci na kausap ko tuwing binibigyan ko ng advice tuwing nag-aaway sila ni Nicole.
Yung alam niyang may laban pa siya."Heyo" biglang sabi sakin ni Addison na siyang ikinagulat ko. "Why so shock beh?" Tawa niya
"Bigla kang susulpok tapos tatanungin mo ako ng bakit ako gulat na gulat?" Sabi ko naman. Napatawa siya sa sagot ko at di maalis sa mukha niya ang ngiti nito.
"Kamusta naman kayo ni Ricci?" Tanong niya, inirapan ko naman siya. "Ohh?"
"Hindi naman kasi totoo yung sinasabi niyang 'merong kami'" explain ko pero ba't parang ang sigla niyang asarin ako.
"Pero bes gusto mo rin?" tanong niya. Put4 ka bes.
"Hindi ehh, oh ikaw? Kamusta ka na? Callie? Deborah? Cierra?" Tanong ko habang inaasar siya sa pag pili sa mga crush niya.
"None of the above" tawa niya. Wala dun?
"Ahh Angeline" sabi ko
"Nakilala ko sa may LSGH babe" ngiti niya. Parang gusto ko masuka ajuju. Si Addison Charislin Beltran Yu may crush na lalake? Put4 naaaaa. Titibo tibo kaya toh tas biglang may crush na lalake? Yowo. Ba't biglaan?
"Kailan mo nakilala?" Tanong ko
"Last month? Hihi" sagot niya.
Saan? Paano? Kailan? Weh? Di nga? Sure na ba? Putanginaka. Dami kong tanong.
"Anong pangalan?" Tanong ko naman. Baka isa mga yun ay inadd ako hihi.
"Kristalaine Legaspina" sagot niya. Ahh ayun naman pala.
"Babae?"
"Yahh"
Taray naman.
"Pero....sabi mo sa LSGH mo nakikala" confused na talaga ako to dis world.
"Ahh. Sa labas ng LSGH. Soccer kaya iyon. Angas niya bahh kasi" sagot niya.
"Ikaw yung nakipagkaibigan?" Tanong ko.
"Yiz" sagot niya "kala ko marereject ako pero into girls rin pala siya"
"Haha congrats ulol" sabi ko at napatawa nalang. Kala ko bbygurl na toh!
ff. ~(•,•)~
Natapos ko na yung exams at half day lang kami. Nagkaroon ng maliit na assembly ang mga students sa mga classrooms nila para sa christmas party bukas. Minove yung party para di na hassle sa mga students. Hihi. Maagang bakasyon tol!
"Sana nag dress lahat!" sabi ni Callie na nasa likod ko.
"Mag dress ka mag-isa mo" bulong ni Addi sa tabi ko. Baka marining siya nito ni Callie, patay. Haha. Sinasabi ko sa inyo, pag etong dalawa mag-away, handa niyo na earpods niyo.
"Tomboy ka noh?!" Pasigaw na tanong ni Callie kay Addi. Nag-aaway sila kasi di papayag si Addi nag tanggalin ang tali niya sa buhok, parati kasing tinatali ni Addi buhok niya at may presentation kami ngayon na kailangang naka uniform pati mga buhok namin.
BINABASA MO ANG
All About Us || Ricci Rivero
FanfictionHow can you tell a person you love her? And how sure are you that she loves you back?