Dania
"NIAAAA!!" boom gising. Sigaw iyon ni mama mula sa kitchen. Kanina lang siya nag rarap, last call niya na iyan at kung hindi pa ako babangon dito ehh baka makakagawa na siya ng music video.
Exam na pala ngayon!
Pssh! Di ako nakapag review!
Ehh. Pero kaya ko toh HAHA
"Oo ma, maliligo na po" bumangon na agad ako at dumiretso sa banyo.
•—•
Pagkatapos kong maligo at kumain, dumiretso na ako sa sasakyan.
6:02. Ang aga pa!!! Kala ko six-thirty na!
Papunta nga pala kami sa bahay nina Ricci. Malapit lang din kasi naman ang Poveda sa LSGH kaya sabay na kaming e hahatid.
Habang wala pa sila, nirereview ko nalang yung mga subjects para ngayong umaga.
Kuha ng notes, highlighters, headset pati ng phone. Aaaaatttttt,
Ano bang gagawin ko neto? Alam ko na toh ehhhhh! Pero kailangan kong mag review. Aja!
Adpddjrjekehdoahwh.
Malapit na'kong matapos. Lumabas na ang mga Riveros sa pintuan, nandun din si Tita Abi. Binaba ko yung bintana para mag bye-bye kay tita.
Tiningnan ko lang na pumasok sa sasakyan si Ricci. Tumabi siya sa'kin sa likod habang si kuya Prince pati si Gelo nasa likod namin."Aga mo" sabi niya at napangiti sa'kin.
"Si mama kase hahaha" tumawa naman ako. Pinaandar na ni manong ang sasakyan at papunta na kami ngayon sa skwelahan.
Stop. Go. Stop. Go.
Mas mabagal pa ang traffic kesa sa pusa na naglalakad. 6:15 na at nandito parin kami. Malapit na naman kami pero ang kunting distansyang yun ang nagpapalate samin!!!
Tiningnan ko si Ricci at natulog siya ulit. Feel ko na ring matulog hihi. Gigisingin naman nila ako kapag dumating na kami.
•—•
Nakarating na ako sa skwelahan. Panay tingin yung girls samin nung nag bye-bye sa'kin ni Ricci. Pssh.
"Rawr. Sino yun?"
"Ang gwapoooo!"
"Pinsan mo beh? Paregards naman"
"Sheeettt!"
Gawd. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo.
"Oy" may tumawag sa'kin kaya napalingon na agad ako.
"Ayst" sabi ko. Si Adisson lang pala.
"So, kayo na?" Tanong niya habang sinasabayan niya akong mag lakad sa hallway papunta sa room.
"Di ahh" sagot ko agad.
"Pero wish mo?" Napangiti siya kaya napangiti nalang rin ako. Wish ko? Wish ko lang. XD
"Di rin" sagot ko naman.
Pagpasok namin sa room, wala pa teacher namin. Kaya yung mga kaklase ko, panay tawa tas panay usap.
"Wehh. Sabihin mo na kasi. Since first year tayo, crush mo na yun" asar niya. Ahhh. Nung freshmen years, oo. Sobrang crush ko si ricci. Haha. Pero ngayon di na halata. Kasi parang naawkward na kami sa isa't isa.
"Ikaw bah Adisson," sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
"Ano?" Tanong naman niya.
"Gusto mong sabihin ko kay Cierra na crush mo siya?"
"Anong crush?! Di ahh" sagot niya. Alam ko namang di niya crush yung Cierra, inaasar ko lang. May pagka boyish kase tong bespren ko. Tennis sports nito habang volleyball sa'kin. Yung si Cierra, yun kasi yung pinakatahimik sa room namin. Magaling din yun sa table tennis.
"CIER—" bago ko pa matawag si Cierra, tinakpan na ni Adisson yung bibig ko. Nakita kong lumingon samin si Cierra at binaba yung novel na hawak niya.
"Ayy wala" ngumiti lang kami sa kanya tas tumango naman siya at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Hoy baliw" bulong niya.
"HAHAH. Mag review tayo?" Tanong ko at napaupo na sa upuan ko. Umupo narin si Adisson sa upuan niya. Nasa harap ko lang siya kaya mabilis ko lang siya matatanungan.
"Ayy ginawan kita ng Reviewer" sabi pa niya habang kinuha yung reviewer sa bag niya. Inabot na niya toh sakin at tiningnan ko naman.
"Science?" Tanong ko.
"Yep"
"Nareview ko na kaya toh," binalik ko yung reviewer sa kanya. "Sinulat ko nga toh sa notebook ko tas nireview"
"Patingin nga" sabi niya
"Wait," kinuha ko naman yung notebook ko pero,
Pero...
Pero...
WATDAHEK DI KO MAKITA!
"Oh? Anyare sayo?" Tanong ni Adisson at lunapit sa'kin
Hinanap ko ng hinap pero wala.
"Nawala"
"Wehh? Baka di ka talaga nagreview" tinutulungan niya na akong maghanap ngayon.
"Meron nga ehh. Nagreview pa nga ako sa sasakyan" HALA KA DONG! Baka na iwan sa sasakyan! Bulkangmayonnaise! Bakit ngayon pa?! Antangaaaaaaaaaaaaaaa.
"Nandun lang yun sa sasakyan, kunin mo na toh" inabot niya sa'kin yung reviewer na ginawa niya kaya kinuha ko nalang. Wala talaga akong choice kaya, mehh.
**
GBU Guys! Keep reading. 😊💕
BINABASA MO ANG
All About Us || Ricci Rivero
FanficHow can you tell a person you love her? And how sure are you that she loves you back?