Dania
Maaga na naman akong nagising at winaste ang time ko sa kakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko. 6:15
Masyado pang maaga para sa kin dahil mamyang eight pa naman ako kailangan sa school.
Nakita ko na yung sasakyan na inihatid sila Ricci. Weyt, speaking of Ricci.
Tumayo ako at kinuha yung phone ko sa table. Wala pa rin akong messages na natanggap galing sa kanya. But, messages galing sa BJ na toh.
BJ Santiago: busy or nakatulog?
BJ Santiago: di'ba pupunta kang LSGH para maghintay kay Ricci. See ya.
T I G I L A N M O N A S A N A A K O ! !
Walang text galing kay Ricci, binabalewala ako ni ricci at kinukulit ako nitong si BJ. Punyetey.
~
Mga around 7:30, pumunta na ako sa school. Maaga pa pero marami na kami na nasa room, excited na excited ang lahat. Parang battle of the dresses ang nagyayari dito.
Hindi rin nagtagal ay dumating na si Addy. My one and only fren. Nakasuot siya ng denim straight cut na dress at nilagyan niya ito ng belt sa gitna.
"Ano iyan?" Tanong ko habang di maalis ang tingin ko sa suot niya.
"Damit" sagot niya agad.
"Bagay naman sayo" ningitian ko siya at dumiretso na kami sa kinauupuan namin.
Nag start na ang party pag dating ng adviser namin. Nagkaroon ng maraming games sa umaga at sa hapon naman yung Exchange Gift.
~
Hanggang alas tres lang yung party at may tatlong oras pa ako bago umuwi. Nagyaya si Addy na pumasyal kaya sumama na ako.
Nag stay muna kami sa isang coffee shop, panay text si Charles kay addy. Walang forever guyx. Well, di naman ako bitter. May forever, yes but yung relasyon niyo...di iyan tatagal. Maybe because masyado pa kayong bata para diyan at marami pang darating sa buhay niyo. Kaya huwag niyong akuin yung tao na kasama niyo ngayon as your forever kasi di naman kayo legal.
Kinikilig pa tong si Addy, nakakasuka. >,<
"Nia," tawag niya sa akin habang nasa phone parin ang tingin niya, "pupunta raw kasi si Charles dito"
Oo tapos?
"And?" Tanong ko habang hinihigop ang sago sa milk tea ko.
"May kasama siya pero di niya sinabi kung sino" sagot niya.
Wait, diba may klase ang LSGH ngayon? Ehh bakit sasama sa galaan si Charles?
Tumango nalang ako kay Addy para sabihin na okay lang sa akin. Kahit hindi naman talaga.
Wala ako sa mood, fck dis milk tea! Fck dis chair! Fck dis table! Fck dis society di ko na kaya ajujuju T^T
~
Pagdating ni Charles ay kinawayan siya ni Addy para makita niya kaming nasa loob ng Coffee shop or tea house.
May kasama siyang lalake. Well, matangkad naman may itsura pero....HINDI SIYA SI RICCI.
Pag pasok nilang dalawa ay umupo kaagad sila sa magkabilang upuan sa side namin ni Addy.
"You must be Nia" sabi nung isang lalake, ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. Pero tumango lang ako, kapagod magsalita.
"I'm BJ," itinaas niya kamay niya para mag handshake but no, i didn't. "Awh okay"
Kanina pa kami dito at panay usap lang si Charles at Addison habang tanong ng tanong sa akin si BJ. Sinasagot ko naman tanong niya pero yung lang kaya ko.
"Uhm, alam mo Nia" sabi ni BJ, "di ako naniwala na kayo ni Ricci"
"Ows?" yung lang. Yung lang naging sagot ko.
Napatahimik siya sa sagot ko at salamat naman dahil di na siya nagsalita. Tumingin nalang ako sa labas kung saan maraming nagdadaanang tao. Ang iba galing sa department store, ang iba rin sinasamahan mga girlfriend nila sa pag shopping.
Katulad nalang nung isang lalake na hinahabol sa paglalakad yung girlfriend niya habang bitbit nito ang napakaraming shopping bags. Tinawanan ko sila at ningitian naman ako nung babae. Wey? Kakilala ko ba iyon? Tiningnan ko sila ulit at nakita kong si Callie pala yung babae at yung lalake naman na humahabol sa kanya ay walang iba kundi si.....Ricci.
Si Ricci at si Callie, magkasama?! Tiningnan ko lang sila hanggang mawala sila sa paningin ko. Nag fafake cry pa nga si Ricci na parang bata kay Callie dahil sa napakarami nitong dala.
Kaya siguro di na siya nagpaparamdam dahil may iba nang pinaparamdaman. Kaya siguro di na siya yung parang baliw na ricci na nakilala ko dahil may nagpapagaling sa kanya.
Tiningnan ko si BJ habang nag scroscroll siya sa phone niya, napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti siya sa akin, ngumiti rin ako pabalik.
Kaya siguro di tayo kayang mahalin ng ng taong gusto natin dahil di natin kayang pahalagahan yung taong totoong nagpapahalaga sa atin. Shyt meng.
Nagpaalam na ako kay Charles at Addison na mauuna na akong umuwi and si BJ naman ay nag volunteer na ihahatid niya na ako. Pumayag naman ako, wala ako sa mood na mag commute.
Naging tahimik ang biyahe. 16:40 na nung naka uwi ako. Nagpasalamat naman ako kay BJ sa paghatid niya sa akin. Pagpasok ko, nanonood lang TV sila ate Jacjac.
Walang Riveros, wala si kuya sheed, walang Ricci. Gotta live with it.
"Galing dito si Ricci" sabi ni pauleth. Tumango lang ako at dumiretso sa kwarto.
Napansin kong may malaking stuff Panda Bear sa kama ko. Ito na siguro yung hiningi ko kay mama.
Niyakap ko nalang ito at di ko napansin ang mga luha na pumatak galing sa mga mata ko.
Pumikit ako at nakatulog. Pag gising ko, 19:21 pa. Bakit ba kung masaya tayong nakakatulog parang andali lang ng oras pero sa mga panahon na parang feel mo na na pinagtutulungan ka ng mundo ehh ang hina ng pag galaw.
Bumaba na ako at kumakain na sila ate Jacjac. Sinabayan ko na sila at nagpatuloy na hindi na magsalita.
"Nia, may sakit ka ba?" Tanong ni ate Jacjac.
"Wala naman" sagot ko agad.
Umakyat na ako kaagad pagkatapos kong kumain. Kunti lang nakain ko pero busog naman ako.
Gusto ko lang matulog. Gusto ko sanang kalimutan lahat ng nakita ko kanina.
**
🌻💚
BINABASA MO ANG
All About Us || Ricci Rivero
FanfictionHow can you tell a person you love her? And how sure are you that she loves you back?