15

842 8 0
                                    

Dania

Naging tahimik ako buong araw. Di'ko pinansin yung mga kaklase ko na nanghihingi ng answers. Feel ko magiging depressed ako. Na parang wala nga akong pake na nakikita kong nag checheat yung katabi ko. Naka answer naman ako ng maayos pero hindi lang talaga ako mapakali sa kakaisip dun sa notebook ko.

Sabihin nyong OA ako pero pssh idunacare. Mas okay pa sa'kin na sunogin ko yung notebook kesa may ibang taong naka pulot nun. Nandun lang kase naman yung tula na isinulat ko, pati narin yung letter na isinulat ko para kay Ricci. Feeling ko magpapakamatay nalang ako kapag nalaman kong si Ricci naka pulot nun.

Nandun din kasi yung mga doodle ko ng mga pangalan. Pangalan ni Ricci, ni brent, nina kuya. Di ko pa nga napupunit yung conversation namin ni Adisson two weeks ago na tungkol kay Ricci. Andun din yung mga salita na hindi ko masabi at nandun din yung mga agenda ng classroom. Kaya di ko kayang mawala iyon. Meged.

Sheyt. Antangaaaaa.

Nasa cafeteria kami ngayon ni Adisson. Sinamahan ko lang siyang kumain dahil wala akong gana.

"Oh? Anong kukunin mo sa bag mo?" Tanong ni Addi habang kumakain ng ng lunch niya. Kukunin ko sana yung notebook dahil tatapusin ko yung sinusulat ko pero anobahiyan >.<

Ayy oo. Nawala ko yung notebook!

"Wala" sagot ko agad habang hinarap siya ulit.

"Kukunin mo sana yung notebook, noh?"

"Oo. Titingnan ko sana yung notes"

"Hmm. Tanga mo!"

Nilaan niya na attensyon niya sa pagkain niya habang bumili naman ako ng burger at ice tea.

Hiniram ko nalang yung reviewer ni Addi para may mastudyhan naman ako.

Baka nandun kay Ricci yung notebook ko? AAPDKEKDOSMELDXODJDNELS. Patay nako netoooo!

•—•

Natapos namin yung first day nang exam. Maaga kaming dinismmissed dahil hanggang alas tres lang naman exam namin.

Nagyaya sina Addi tsaka sina Crystal na pumasyal dahil mamayang 5 pa daw yung labas ng taga LSGH pero di na'ko sumama sa kanila dahil may kailangan talaga akong ayusin. Imbis na pumunta kasama nila, bumili nalang ako ng kwek-kwek sa may malapit sa LSGH habang hinihintay namin sila Ricci.

"Dan?" wait. Parang familiar toh. Habang naghihintay sa kwekwek ko, nilingon ko agad yung tumawag sa'kin. Di naman talaga yung Dan ang name ko pero may kilala akong tumatawag sa'kin neto.

Paglingon ko, tadaaaa. Si Dwight.

"Oii Dwight" sagot ko naman at ngumiti. Nahihiya ako ya know, di kasi kami masyadong nagkakausap sa personal, puro chat lang ganern.

Ngumiti siya pabalik at tumango. Tumango rin ako, shempre. Ngumiti lang siya at di na nagsalita. Bumili din siya ng kwekwek niya hanggang kami na lang dalawa ang nagtayuan duon.

"Dito ka nag-aaral?" Tanong ko. KILL ME NOW. Alam kong hindi siya taga LSGH pero ba't ko ba tinanong iyon?! Kahit kailan oh.

"Hindi," sagot niya. Naka ngiti parin siya tol. "Pinsan ko lang"

"Ahhh" sagot ko naman.

"Ehh ikaw, ba't ka nandito?" Tanong niya.

"Bumibili ng kwekwek" sagot ko. Napatawa naman siya. Ha?! Anong nakakatawa dun?

"So, maglalakad ka galing poveda papunta dito para lang sa kwekwek?" tanong niya

"Ayy hindi. Haha" bobo mo Nia!, "May hinihintay kasi ako"

"Ahh" sagot niya. Saktong pag kuha ko sa kwekwek ko ay nandiyan na ang sasakyan and guess what, nakadungaw si Ricci sa bintana. Ngumiti ako sa kanya at mas malaki pa yung ngiti niya kesa sakin.

**

Just keep reading guyx! 💕

All About Us || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon