05

1.2K 12 0
                                    

Ricci

Binabasa ko yung reply ni Nia sa last text ko kagabi. Wait, ngumingiti ba ako?

Pandaaaa🐼💕

Goodmorning Niaaaa ☺️

-

Wala pang reply. Natutulog pa siguro iyon.

Una kaming nagkita, may gusto na talaga ako sa kanya. Grade 5 palang siya nun tas grade 6 na ako, doon pa siya nag-aaral sa STC habang nasa LSGH ako. Naaalala ko yung araw na una ko siyang nakita.

Flashback~

Nag babike ako sa playground nang may mga sasakyan na papasok sa subdivision. Mga isa, dalawa, tatlo. Hanggang sa sumunod yung pang-apat na kotse. May pagka D-max yung sasakyan na color gray at maraming box ang nasa likod ng sasakyan.

Nakabukas yung mga bintana ng sasakyan at nakita ko ang isang babaeng nasa 30s niya at sa likod ng sasakyan, may batang babaeng naka headphones at tinitingnan ang lugar. Maputi siya, may dalawang dimples at ang ganda ng ngiti niya.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti, ngumiti din ako pabalik at mabilis na dumaan ang sasakyan nila.

Mga hapon na at inikot ko pa yung subdivision at nakita ko siya ulit, isang kanto mula sa amin yung bahay nila. Sila pala yung bagong lipat na sinasabi ni mommy.

"Nia, kunin mo na yung boxes na may mga books mo," sabi pa nung babae na nakita ko kanina, nanay niya pala yun.

Ahh. Nia pala yung pangalan niya.

"Opo" sagot niya at pumunta na siya sa likod ng sasakyan nila.

Itatadyak ko na sana yung pedal ng bike ko nang nakita ko si kuya Prince kasama si mama papunta sa bahay nila Nia.

"Oh, Sahia, nandito ka pala" sabi ni mama, nag mano ako sa kanya at hinalikan niya yung ulo ko. Nasa tapat kami ngayon ng bahay nila Nia.

Akala ko papagalitan ako kasi mag f-five na tas naglalaro parin ako sa labas pero hindi. Lumabas yung mama ni Nia at nung nakita niya si Mama, nag hug silang dalawa.

"Ann, eto pala oh mga anak ko, si Prince at si Ricci " sabi pa ni mama, habang nakangiti kay tita Ann, nag mano naman kami.

"Hala ka, manang mana kay Paolo, kabahan ka na" sabay na tumawa si tita Ann at si mama, "ehh, asan si Paolo?" Tanong ni tita

"Kinukuha pa yung pangalawa, si Sheed, may practice kasi sa basketball"

"Ma, tapos ko na po—" lumabas si Nia sa bahay at nabigla nang nakita niya kami.

"Teka, si Dania bah toh, ang laki niya na ha" Biglang tanong ni mama na nakangiti.

"Hahaha oo," sagot naman ni tita ann

"Ayy Nia, eto si ninang Abi mo, tas eto si Prince tsaka si Ricci" masasabi kong friendly siya. Nag wave pa nga at nag bless pa siya kay mama.

"Nice to meet you po" smile niya samin.

"Ayy Ann, inaayos niyo pa ba yung mga gamit niyo?"

"Oo ehh, pero doon nalang sa mga arrangement ng mga gamit sa rooms pero yung mga kama, dining sets at tv sets, okay na"

"Sa bahay nalang kayo mag dinner," sabi ni mama.

"Sige pero tapusin muna namin yung pag aarrange"

"Dalhin ko sa bahay si Nia ha," sabi ni mom

"Ahh sige sige. Mag ingat kayo. Nia, behave ka ha" bilin ni tita Ann at nag simula na kaming mag-lakad pauwi.

.

All About Us || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon