Ricci
.
Pagkadating namin sa bahay, nandun na si Daddy pati si kuya sheed. Nag mano si Nia kina mom at dad tas pinakilala siya kay kuya sheed.
"Nia, dito ka muna baby girl oh" sabi ni mommy kay nia habang pinapaupo niya ito sa sofa, katabi niya. Ngumiti si Nia at tumabi kasabay ni mom. Sinusuklay suklay niya ang buhok ni Nia.
"Alam mo nia, bestfriends kami ng mama mo since nung mga bata pa kami,"sabi ni mama. Ahh kaya pala close nila ni Tita.
"Opo, nasabi po ni mama sa'kin" ngiti ni Nia, "magkaklase daw po kayo nung nasa Assumption of Mary pa po kayo"
"Since elementary kaya kami magkakilala ng mom mo pero nung nag college na kami, nakapasa siya sa skwelahan sa U.S at kailangan niyang mag-aral don"
"Nag-away na po ba kayo ni mama, tita?"
"Aba, oo. Hahah. Nung elementary kami, nag-aaway kami dahil sa comics. Yung 'Archie' na comics. Parati kasi akong nag-babasa don pero itong mama mo, mas gustong bumasa ng dictionary. Minsan pinag-aawayan namin kung sino yung mas bagay kay Archie, kung si Veronica bah o si Betty, pero di naman tumatagal yung tampuhan namin" sagot ni mama na natatawa pa. Tumingin si Nia sa'kin dahil kanina pa ako nakikinig sa usapan, ngumiti siya kaya ngumti na rin ako pabalik.
"Nung highschool po?"
"Nung highschool, madami kaming tampuhan pero may isa talaga kaming pinag-awayan. Isang buwan nga kaming walang kibo sa isa't isa"
"Kwento mo naman po" ngumiti siya kay mom, si mom naman ay parang natatawa sa pag-alala ng memories nila ni Tita Ann.
"Yun kasi yun, may bago akong mga kaibigang nakilala tapos parang na set aside ko siya sa gilid pero mabait mom mo nun, di siya nagalit sa'kin na minsan dinadaanan daanan ko siya, pero nung nakakuha ako ng maliit na score sa test, dun na siya nagalit. Kasi ang dami dami ko dawng barkada tas nakakalimutan ko na dawng mag review" ngiti ni mama, "pero nung third year at fourth year na kami, naging partners na kami"
Napangiti si mama at Nia. At dumating si tito Ann at si Tito Dave, yung mama at papa ni Nia.
Sabay sabay kaming kumain at pagkatapos naming kumain, nagpaalam na sina tita ann na uuwi.
"Ricci, punta ka sa bahay bukas ahh" sabi ni tita,
"Oo nga Cci, punta ka" sabi ni daddy
"Sige po, bukas po" ngumiti ako tas lumabas na rin sila Nia.
•—• (a/n FF toh!!)
Ginigising ako ni mom ng maaga dahil pupunta pa ako kina Nia. Nagmadali akong maligo, kumain, at mag bihis para maka punta kaagad.
8:47am.
Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko siyang naka-upo sa porch nila at naka park sa harap niya yung bike niya. Color black ito na di mo aakalaing babaeng 5th grade ang mag mamay-ari.
So, ayon na nga nag bike kami. Pagkatapos naming mag bike, pumunta kami sa bahay nila at tinour niya ako. Wala sila tita ann at tito dave dahil nasa hospital daw, doctors kasi mga magulang niya. Pumasok siya sa kwarto niya dahil kukunin niya daw phone niya, sumunod naman ako. Pag pasok ko, nakita ko siyang may kinukuha sa drawer. Napaka simple ng kwarto niya. Rose gold ang wallpaper ng room niya, di masyadong pink at di masyadong gold na di masakit sa mata kung tingnan.
Yung kama niya, panda yung sheets, pati narin nung mga unan niya. Sa may ulohan ng kama, may malaking salamin sa dingding, tas may dalawang closet sa kabilang side ng kama. Meron ding mesa na malapit sa bintana, parang pang opisina, nandun yung mga pads ng calligraphy books. Tas naka arrange ng mabuti yung mga dictionaries, novels, meron pa nga siyang Harry Potter Series.
Napaka simple niya. Pero masasabi kong adik siya sa panda
End of flashback~
BINABASA MO ANG
All About Us || Ricci Rivero
FanfictionHow can you tell a person you love her? And how sure are you that she loves you back?