Chapter 1- Learn

36 2 0
                                    


ONE

Palubog na ang araw nang bumaba kami galing sa speedboat na sinakyan namin. Nag-yaya kasi ang mga pinsan ko na mag-snorkeling at sobrang na enjoy ko naman.

Kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga iniisip ko at naranasan ko naman maging masaya kahit panandalian. Can I be here forever? Parang ayoko ng umuwi sa siyudad.

"Ate tash, look at your face here" itinuro ni Vivian sa maliit na screen ng kanyang camera ang nakangiting mukha ko doon habang nasa dagat.

"I've never seen this happy face before!" agaran nilapitan ng pinsan kong si Jacob at Jasper ang kanyang kapatid.Nakangiti rin lumapit ang tiyahin ko upang makita ang nasa kanyang DSLR.

Alam kong sobra ang pag-aalala nila sa akin kaya sa simpleng pag-ngiti ko ay naiibsan ng kaunti ang kanilang mga pangamba.

"You look pretty talaga ate! Nakakainggit ang features ng mukha mo, you are pure Filipina pero I can see some Spanish resemblance on your face" sunod niya at ngumiti na lamang ako bilang pasasalamat.

It is not the first time I receive the same compliment. Karamihan pa nga ay nagtatanong kung may lahi daw ba kami ng kapatid ko.

I got these features from my dad. Mas kamukha ko ang aking daddy kaya hindi magpapakaila na isa akong Seranilla. I got my upturned eyes, an aquiline nose shape and pointy natural lips from my dad while I got my height and cold-tone skin from my mom.

Ava is mixed pero mas nangingibabaw ang kay mommy. I believe she is more beautiful than me yun nga lang mahiyain siya at hindi gaano palaayos kaya hindi gaano napapansin.

Bumalik kami sa country club para mag-dinner at makapagsimula na mag-ayos. This is our second and probably last night dahil kailangan na ni tita bumalik. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin na medyo namumula na dahil sa init kanina.

Wearing my favorite blue floral romper and a MK flat shoes na regalo sa akin ni daddy last Christmas ay

lumabas ako mula sa locker ng country club. Binati ako ng babaeng staff kaya napatingin sa lugar namin ang mga kalalakihan na naglalaro ng basketball. Half of them are wearing red jersey with a known university logo attached on it.

I caught their attentions and some of them even stopped to turn their head back to me.

"Seranilla" pinagpatuloy ko ang aking paglalakad nang may biglang tumawag sa akin.

Nilingon ko ito at nakita ang isang lalaki na medyo pawis at nakasuot din ng pulang jersey. His face is kinda familiar but I can't remember his name.

"Isaiah" inalok niya ang kamay niya ngunit tinitigan ko lang iyon. He laughs and I find it awkward. Pinunsan niya ang kamay niya gamit ang tuwalya sa kanyang leeg bago ialok ito ulit sa akin.

"Sorry? I don't even know you" sabi ko at nginitian ko pa siya.

"Oh. Isaiah Laresma, we are classmates sa Lyceum before" aniya. I knew it!

"Also, my mom is one of your father's investors. We met before sa building niyo" pagkasabi niya non ay parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko.

If they're one of my father's investors... then oh my god? I may not know the whole story pero alam kong madaming pamilya ang naapektuhan.

"No worries, we're out of the picture. Are you alone tonight?" napataas ako ng kilay sa tanong niya.

"I'm with my tita and cousins" simpleng sagot ko.

"Are you into some beach party? I heard their bands are one of the best" nag-aalinlangan niyang tanong sa akin.

"Sorry I'm not really-"

On The Edge of Bliss (CGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon