EIGHT
Ganoon ang naging araw-araw na eksena namin ni Sandro kaya't ngayon ay mas maaga ako lumabas sa aking kwarto kaysa sa usual time na uwi ko. Ngayong araw din gaganapin ang photoshoot ng tito ni Rocky kaya napaaga ang pag-uwi ko.
Paglabas ko ay nandoon na ang sasakyan ni Rocky na siyang maghahatid sa akin kung saan gaganapin ang shooting namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at kaagad din ako sumakay dahil baka makita pa kami ni Sandro at sumama pa iyon.
"Pasensya ka na ha. Alam kong medyo busy ka pero kailangan-kailangan talaga ni tito" aniya kaya't tinanguan ko lamang siya.
Dumating kami sa venue bandang alas-sais. Sinalubong naman kaagad ako ng kanilang team na siyang mag-aayos sa akin para sa gaganapin na shoot ngayon.
"Mabentang-mabenta ang pangalan mo ngayon, iha" bati sa akin ng isang bakla na may clean cut na buhok. Kung hindi lamang siguro siya nagsalita ay mapagkakamalan ko siyang lalaki.
"Iba kasi ang ganda mo. Balita ko ay kinukuha ka na ng isang istasyon"dagdag niya pa. Hindi ko akalain na ganun pala kabilis ang lipad ng balita kahit sa mga baguhan na tulad ko.
Noong nakaraan araw ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa isang sikat na telebisyon na inaaanyayahan ako na mag-guest sa isang show nila. Hindi ko ito tinanggap muna dahil nagkataon na iyon ay unamg araw ng pasukan namin at ayoko naman umabsent kaagad.
"Ah opo kaso may pasok na po kasi ako ngayon kaya hindi ko po gaano naasikaso ang mga workshops" sagot ko at tumango lamang siya. Pinagpatuloy niya ang paglalakad nang kung ano-ano sa mata ko at pati na rin sa buhok ko.
Pagkatapos ko ay kaagad na nagsimula ang photoshoot. Nagpakilala ang tiyuhin ni Rocky na si Franz na isang photographer sa sikat na magazine at the same time isa rin daw Photography instructor sa sikat na Unibersidad sa Maynila.
Agad ako nag-pose ng naayon sa tema ng kanilang magiging exhibit. Iilang photographer ang nandoon at ayon sa kay Franz ay mga estudyante niya mismo.
"Kailangan naka-focus sa mukha Luigi!Siya ang subject natin.Ulitin mo" narinig kong sabi ni Franz sa isang lalaking may salamin at may hawak ng camera. Itinutok niya sa akin kaya kaagad ako nagsimula ulit magpose at ngumiti.
Ilang set ang natapos namin bago ako nakaramdam ako ng gutom at pagod. Humikab ako at napaupo na lang kaagad sa sofa sa loob ng tent na nakalaan para sa akin.
Maya-maya ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone kaya napatayo kaagad ako upang hanapin ito sa loob ng bag ko.
"Uh. Hello?" pagkatingin ko ay number lamang ang nakalagay sa screen kaya't nag-aalinlangan pa ako sagutin.
"Tashina" boses pa lamang ay alam ko na kung sino ito.
It's the guy Sandro again. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood ko at pagkarinig ko pa lamang ng boses niya ay nainis na kaagad ako.
I hate everything about him even his presence and moves.
"Pagod ako Sandro at tahimik na nagtatrabaho. Lubayan mo muna ako kahit ngayon lang"
"I know..I know kaya nga nandito ako sa labas ng tent mo kaso ayaw nila ko papasukin. Nagpapahinga ka daw" kaagad ako napatayo at dumiretso sa entrance ng covered tent na ito.
Sinalubong ako ng isang lalaki na nakasumbrero at may hawak na paperbag. Itinaas niyo ito bago ngumiti siya sa akin at inirapan ko lamang siya.
"What do you want?" pagod kong sabi ngunit patuloy lamang siya sa paglalabas ng pagkain sa loob ng paperbag.
"Kung may binabalak kang kalokohan--"
"I'm just here to give you food" inosente niyang sabi ngunit hindi pa din tumitingin sa akin.