SIX
Alas-nuebe ng natapos ang usapan namin nila Ava at tita. Madami din kami napag-usapan bukod sa problema namin sa pamilya. Siguro ay sa sobrang kasabikan namin sa isa't-isa ay buong gabi kami nag-usap magkapatid.
She told me everything from her new apartment up to her new school. Aniya ay isa itong maliit na kwarto at mayroon siyang tatlong kasama sa loob. Sa kanyang eskwelahan naman ay naninibago daw siya sa dami ng estudyante sa isang section.
It wasn't easy for her I know. She's not used to it yet I can see her trying. That's the spirit she have that I don't.
Kinabukasan ng umaga ay nagpaalam na siya na kailangan niya ng umuwi at may pasok pa siya ng tanghali. She's currently working as a service crew sa isang fast-food chain. Ang kinikita niya ay pinambabayad niya sa kanyang buwanan renta at pang-gastos para sa pang araw-araw.
Ayoko man ay walang kami parehong magawa. All I can do is to finish my last two semesters and then work. I'm the one responsible for fulfilling all the discrepancy that my parents can't gave.
Mabilis ang naging oras at di ko namalayan na dalawang linggo na lang pala ay magpapasko na. Nagising na lang ako isang araw ng mag-aya si tita Zavannah na mag-simba.
I've never tried to complete the entire nine masses pero sabi nila kapag nakumpleto mo daw ito ay matutupad ang mga kahilingan mo. Can these all nine masses bring my happy family back?
Before, we used to celebrate the holiday season in some western countries. My parents know how I love the snows and even Ava loves it kaya palagi nila kami pinagbibigyan. How I missed the old times, I wish I can do anything to bring it back.
Wearing a simple dress and white cardigan ay dumiretso na kami sa simbahan. Medyo inaantok pa ako pero kaya ko pa naman i-control. Kitang-kita ko ang kasabikan ng mga tao sa simbahan and this is the reason why sometimes I still prefer to spend Christmas here than witnessing the first day of snow.
After the mass was served ay nagyaya si tita na kumain muna ng almusal. Pinagmasdan ko ang mga tao na nagkukumpol-kumpol sa isang hilera ng tindahan sa tabi ng simbahan.
I tried to look at ang nakita ko lang ay ang mga kumakain na tao. Mga pahabang kulay ube at ang isa naman ay nakalagay sa dahon ng saging at pinapasok sa parang maliit na pugon.
Lumabas ako ng simbahan at napayakap ako kaagad sa aking katawan dahil sa sobrang lamig.
"Oh!" napabalik ako sa loob ng simbahan ng mapansin na hindi ko nadala ang aking cardigan. Binalikan ito sa upuan namin kanina ngunit wala na iyon doon.
"Ano ba yan!" it's one of my favorite! Nanghihinayang akong lumabas ng simbahan at nakita ang tiyahin na may kausap sa telepono.
Lumapit ako sa kanya at kaagad niyang binaba ang kanyang telepono.
"Tashina you're here. Kanina pa kita hinahanap" bungad niya sa akin.
"Sorry tita naiwanan ko po kasi yung cardigan ko sa loob kaso pagbalik ko po wala na eh" namilog ang kanyang labi ngunit bumalik din kaagad sa normal.
"Anyways, Henry called. They need three new models. Nag emergency back-out daw ang mga scouts niya. It's urgent" napatingin ako sa tiyahin ko na medyo nagpapanic na.
I've been to modeling when I was in high school up to first year college. Natigil lang ito ng maging boyfriend ko si Dominic. Ayaw niya kasi ng may nakakasalamuha akong ibang lalaki bukod sa kanya.
Nakuha ko naman kaagad ang gustong mangyari ni tita kaya tumango kaagad ako. It is also in favor of me dahil sobrang kailangan ko ng pera ngayon lalo na malapit na ang pasko at pasukan.