THREE
Saktong pagbaba ko ng shuttle ay sinalubong ako ng nag-aalala kong tiyahin at mga pinsan. Tinext ko na kanina pa si tita na okay lang ako at buhay pa ako.
I can't blame them. I almost killed myself at hindi malayong maulit muli dahil sa mga nangyayari.
"Tita sorry po talaga hindi na po mauulit" sabi ko at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata na medyo naluluha pa.
"Please don't ever do it again, Tashina" nag-aalalang sabi niya at marahan akong tumango.
Nagstart ang makina ng sasakyan ni tita at tuluyan na kami umalis. Dahil na din sa sakit ng ulo ay nakatulog ako buong byahe. Madilim na ng nakarating kami sa bahay ni tita sa Cavite.
"Dito yung room mo Tashina nalinis na yan ng mga katulong and ikaw na bahala kung paanong ayos ang gusto mo." aniya at nagpasalamat naman ako pagkatapos.
Because of what I did napagdesisyunan nila tita Zavannah na kuhanin muna ko at patirahin muna sa kanila.
It's been 2 weeks since my last suicide attempt and it wasn't my first time.Ilang beses ko ng sinubukan. I want everything to end pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako matapos tapos.
Nalaman ko din na dinala na pala ni Ava ang mga damit ko dito sa Cavite and God knows how much I miss my sister. Balita ko ay naghahanap na siya ngayon ng trabaho para mapagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.
Mabilis ako nakatulog ng gabi na iyon marahil sa sobrang pagod ko na din. Kinabukasan ay naghanda naman ako para sa paghahanap ng panibagong unibersidad.
I'm in my fourth year with a Business Administration course.
Wearing simple shirts and maong pants ay pumunta ako mag-isa sa isang sikat na university dito sa Cavite. Mas pinili ko na lang na dito mag-aral dahil malapit ito sa bahay nila tita at dito din nag-aaral ang mga pinsan ko.
Pagpasok ko ay pakiramdam ko nasa loob ako ng isang resort dahil sa mga nagtataasan nitong coconut tree.Pinagmasdan ko din ang mga bibe na masayang naliligo sa lagoon.
The architectural designs are quite unique. Kung titignan sa labas ay para itong flying-saucer at hindi mo aakalain na isa pala itong unibersidad.
Mabilis ang naging proseso ng aking pag-enroll. Mabuti na lang at maraming na-credit na subjects kaya kakaunti lang ang mga subjects na hahabulin ko.
Kakaunti lang din ang mga estudyante dahil na rin siguro sa sembreak ngayon. Itinago ko ang ibinigay sa akin na enrollment form sa aking bag pagkatapos magbayad ng tuition fee.
Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang mga naglalarong bibe. Buti na lamang at mayroon wifi sa loob ng campus kaya nagawa ko pa ito isend kila Tria at Ramon.
Naramdaman ko bigla ang pagkalam ng tiyan ko. Naalala ko hindi nga pala ako nakapag-almusal dahil nalate ako ng gising. Buong akala ko kasi ay madaming tao ang mag-eenroll ngayon ngunit napag-alaman ko na by course pala ang pag-enlist dito.
"Do I need to Google map it?" natatawang bulong ko sa sarili. Sa laki ng campus na ito ay hindi ko alam kung nasaan ang cafeteria nila. Luminga-linga ako sa paligid baka sakali may makita akong guard o staffs ngunit nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Oh no. Don't tell me he's also studying here?"
A six-footer guy with a broad shoulder and a well-toned body, wearing a white shirt and a khaki pants. Parang gusto ko na bawiin ang perang pinambayad ko sa enrollment.