TWO
"Leonardo Seranilla shouldn't be here. Dapat ka ikulong! Ibalik mo ang pera namin manloloko ka pati ang pamilya mo! "pababa ako ng hagdan ng marinig ko ang ingay na iyon mula sa aming sala. Kaya kaagad akong bumaba at naabutan ko si mommy and daddy na nakatitig sa aming flat screen TV.
"Daddy ano pong meron?" sabay silang tumingin sa akin at kaagad pinatay ni daddy ang telebisyon.
"We need to tell her Leonardo" sabi ni mommy at bago pa siya sagutin ay tumayo si daddy at umiling. Sinundan ko ng tingin si daddy habang paakyat siya hagdan at pumasok sa kanilang kwarto.
"Tashina, please stay in your room for a while. We also talked to your teachers na hindi muna kayo makakapasok ni Ava" sabi ni mommy na agad kong inayawan.
"Huh. No mommy! Bakit? I don't want to leave my friends and classmates. Ano ba nangyayari?" naguguluhang tanong ko ngunit hindi sumasagot si mommy.
"Mommy no please" hinawakan ko ang kamay niya ngunit patuloy lang siyang umiiling at umakyat na din papunta sa kanilang kwarto.
Naguguluhan kong binuksan ko ang aming TV sa sala at umupo sa tapat nitong sofa. Napanood ko ang mga tao na nagrarally sa harap ng isang pamilyar na building.
This is Seranilla's!
"Tashina Aria" napatalon ako ng makita si daddy sa aming hagdan. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa akin si Daddy.
"I'm sorry Daddy—"kinuha niya ang hawak ko na remote at pinatay ang aming TV.
"Daddy/Leonardo!!" sabay na sigaw namin mommy ng umamba siya na aakyat muli ngunit bigla itong bumagsak. Agad na dinaluhan ngmga katulong si daddy at sinakay sa aming sasakyan.
Kinabukasan ay ganun nga ang nangyari nagising ako at nanibago sa tahimik nang aming bahay. Wala ang mga katulong ganun na din ang aming mga driver. Daddy is still in the hospital at ang sabi ng mga doctor ay kailangan niyang magpahinga.
Naabutan ko si Ava na kumakain mag-isa sa aming mahabang lamesa at nagulat ako ng makita na nakasuot siya ng uniform.
"Where are they?" tanong ko at nakita kong inangat niya ang ulo para tignan ako. Nakita ko ang kapatid ko na umiiyak at nang mag tugma ang mga mata namin ay nilapitan niya ako at niyakap.
"Ate please answer me! Hindi masamang tao si Daddy diba?" naiiyak na sabi ng kapatid ko.
"No Ava! Daddy is the best person I have ever met. Bakit mo natanong?"
"Sabi nila sa school bad daw si daddy, Nana Mina left us kasi sabi nila bad daw daddy" nanlaki ang mata ko sa mga naririnig ko sa kapatid ko. Kaagad akong nagpunta sa aming kusina upang ikumpirma kung totoo nga ba at nakitang wala nga tao doon.
"Where's Inday?" tanong ko sa kanya ngunit umiling lang siya sa akin.
"They left us sabi niya ayaw na din daw nila dito. I really don't understand ate" sabi ng kapatid ko na kahit ako ay hindi ko din masagot.
Even though ayaw niya kami papasukin ay pinilit ko pa din. I'm getting bored in our house lalo na't ngayon na wala kaming kasama.
Hinatid ko si Ava sa kanyang papasok sa eskwelahan. I'm still minor and I don't know how to drive kaya no choice kami magkapatid kung hindi mag-commute. Wala din ang mga katulong pati na din ang mga driver namin.
Ava is not used in riding public vehicles and I think this is her first time dahil pinanonood niya ang bawat kilos at ginagawa ng lahat ng pasahero sa loob.
"Ate ang sikip naman dito" aniya ng mapuno na ang jeep na sinasakyan namin. I tried to move so she can sit properly kaso wala din.
I tried to call my mom na ngayon ay hindi ko alam kung nasaan. Hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya't sinubukan ko na lamang itext siya.