THIRTEEN
(TASHINA's POINT OF VIEW)
Tahimik ako na pinakikinggan ang lahat ng sinasabi ni Sandro hanggang sa matapos siya. Nanatili akong nakayuko at hindi makapagsalita dahil sa mga nalalaman ko.
Halong galit sa sarili at guilt ang tanging nararamdaman ko ngayon. I'm so speechless
"W-wait" napa-angat ako ng aking ulo nang maramdaman ko ang paglakad niya palayo sa akin. I know I hurt him kahit na hindi niya iyon sabihin.
Halos tumakbo na ako ng hindi niya ako lingunin pagkatapos ng ilang tawag ko.
Kaagad ko siya niyakap mula sa likod nang bigla siyang huminto. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"What now---Wait...? Hey, are you crying?" naramdaman ko ang paglingon niya sa akin na pilit na tinignan ang mukha ko at kaagad ko naman iniwas.
Niyakap ko siya ng mas mahigpit at diniin ang aking mukha sa kanyang dibdib. I don't want him to see me crying lalong lalo na at walang kasiguraduhan ang dahilan kung bakit.
The only thing I knew is natatakot ako... Natatakot ako na kapag hinayaan ko siya lumayo sa akin ay baka hindi ko na siya muling malapitan.
Inangat niya ang mukha ko kaya wala akong nagawa kung hindi pumikit na lang para hindi niya makita ang namumula kong mga mata.
"B-bakit ka umiiyak?" I can hear a slight panic in his voice at maya-maya ay naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking pisngi.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata nang medyo kumalma na. Sinalubong ako ng kanyang mga mata at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Ang mga titig niya ang tanging nagpapatibok sa puso ko ng ganito. Para itong isang tambol na gusto lumabas mula sa pagkakakulong.
Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa ay hindi ko maiwasan isipin na baka naririnig niya ang malalakas na kabog nito.
"Why are you crying?" pag-uulit niya.
Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya hanggang sa halos kumawala na ang aking puso dahil sa sobrang kabog nito.
I feel guilty and I know saying sorry is not enough. I need to do something
Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha ngunit hinayaan ko iyon at tuluyan kong ipinikit ang aking mata.
Pakiramdam ko ay nagliwanag ang lahat ng ilaw sa aming paligid ng magdikit ang aming mga labi.Ang tamis ng kanyang halik ang tanging nanalantay sa buo kong pagkatao.
He dominates my whole system and the beat of drums inside me became stronger and faster as if they're celebrating for the big triump.
Idinilat ko ang aking mata pagkatapos at naabutan ko siyang nakatitig sa mga mata ko.
We stayed in the same position for a while at tahimik lang kami buong oras, parehas gulat at walang balak mag salita.I belive he already get what I'm trying to say.
Ang tunog mula sa radio ng mga guard ang nagpabalik sa diwa namin at kaagad ako bumitaw mula sa aming pagkakayap. Napatingin din sa Sandro doon ngunit hindi siya gumalaw o umalis manlang sa kanyang pwesto.
"Ma'am...Sir hanggang alas-otso lang po tayo. Alas-otso na po"marahan akong tumango habang lumalapit sa amin ang dalawang guwardiya.
"S-sir Sandro kayo po pala. May problema po ba?" bati nito at kitang-kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha nang makalapit ito sa amin.