FOURTEEN
Kinabukasan pagpasok ko sa school ay kaagad ako sinalubong ng mukhang okay na si Evans. Pinagmasdan ko ang mukha niya ngayon na medyo maaliwalas na kumpara sa itsura niya kagabi.
"Bakit pumasok ka kaagad? Sana nagpahinga ka na lang muna sa inyo." bungad ko nang makalapit siya sa akin at kaagad niya naman ako sinimangutan.
"Seems like someone doesn't want to see me" nakasimangot niyang sabi na marahan ko naman tinanggihan.
"How are you?"
"More than okay. Galing na din ako sa clinic kanina for follow up check up" aniya at ngumiti naman ako sa kanya bilang tugon.
Umakyat kami ng sabay ni Evans patungo sa aming assigned classroom. May mga iilan na bumati at kinamusta siya dahil sa nangyari kahapon.
"I went to your house last night kaso wala ka pa daw doon. I thought you're going home?"
Natahimik ako and the depth of silence filled the air between us. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Should I say that I'm with Sandro last night? Or just make any excuses.
“Uhm...” nilingon ko siya na ngayon ay naghihintay ng isasagot ko. Magsasalita pa lang sana ako ng saktong biglang nag-ring ang bell.
“Nevermind, see you later Tashina?”
Ngumiti ako bago siya tumakbo paakyat sa hagdan. Ang kanyang classroom ay sa third floor pa habang ako ay sa second floor lang.
Pagpasok ko sa aming room ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Sakto din at wala pa ang professor namin kaya nagawa ko pang ayusin ang nagulo kong buhok.
"Hey Tashina!" napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ang papalapit na si Laura na ngayon ay ngiting-ngiti sa akin.
"Sayang umalis ka kaagad kahapon nanalo yung team nila Sandro" energetic niyang bungad.
“Kakausapin ko na sana siya noong natapos yung game kaso mukhang badtrip at nagmamadali. Pagod na siguro kasi halos siya lang ang gumagalaw at nakaka-shoot sa team nila” sunod niya at hindi ko na pinakinggan pa ang iba niyang kwento.
Maya-maya ay napatingin kami parehas sa bumukas na pintuan at nakita ang professor namin sa Economics.
Iisipin ko pa lang na tatlong oras akong makikinig dito ay inaantok na kaagad ako. Sayang lang at hindi ko kaklase ngayon si Sandro dahil hindi na parte ng curriculum nila ang mga ganitong subjects.
I wonder what he's doing right now.
Nilingon ko muna ang katabi kong si Laura na seryosong nakikinig bago ko nilabas ang aking cellphone upang itext sana si Sandro.
Mag-type pa lang sana ako nang bigla naman itong nag-vibrate.
SANDRO
I'm outside the campus, Love. Meeting with someone
ME
Who's someone?
SANDRO
Calm baby it’s daddy and his client
See you later!
Hindi ko mapigilan hindi mapangiti sa mga text namin ni Sandro. May kung ano sa aking tiyan na nagdidiwang and I don’t want this feeling to end.
Nagtitipa ako ng sasabihin kay Sandro nang bigla ako kalabitin ng katabi kong si Laura. Nilingon ko ito at nahuli ko na nakatitig siya sa screen ng aking cellphone.
"Y-yes?" kaagad ko ni-lock ang cellphone ko ngunit nanatili pa din ang titig niya dito bago siya tumingin sa akin.
"Is that Sandro..." seryosong tanong niya at kitang-kita ako ang gulat at galit sa kanyang mata.