Chapter 12- Don't Stop

18 2 1
                                    

TWELVE

I texted Evans na hindi ko na siya mahihintay dahil kasama ko si Laura kaya sa Gym na lang kami magkita. Buong akala ko ay practice game lang ang pinunta ko ngunit pagdating ko dito ay sobrang daming tao nanood at ang iba pa ay may mga banner na dala.

"I thought it will be just practice game?" nagtatakang tanong ko.

"Yeah, masanay ka na dito ganyan talaga kapag sila Sandro ang naglalaro kahit na practice game lang nila ay maraming nanonood. Lalo na sa game mismo, imagine-in mo na lang" nakangiting sabi niya bago kami maka-upo malapit sa bench nila Sandro.

"Mukhang sa kalaban muna ako kakampi ngayon" masayang sabi ni Laura at pumalakpak pa.

Napalingon ako sa kanya noong dahil hindi ko nakuha ang ibig sabihin niya hanggang sa sumibol na naman ang malakas na hiyawan sa kabilang side ng court.

Napatingin ako kung sino ang dumating at nakita ko ang grupo nila Evans na nakasuot ng kulay pula na jersey. Matangkad si Evans kaya kaagad ko siya nakita na may suot pa na varsity jacket. Nilibot niya ang buong gym hangga't sa nagtagpo ang mata namin at kaagad akong kumaway sa kanya.

Naglakad sila patungo sa kabilang bench at kaagad niya ipinakita sa akin ang kanyang cellphone. Pinanood ko siya na may tinype doon at nang lumingon ulit siya pabalik sa akin ay saktong pagtunog naman ng akin.

EVANS

I thought you'll be sitting with me. Anyways, at least you're here

Napakagat na lang ako ng labi bago ko inangat ang aking ulo at napansin si Sandro na nasa harapan ko ngayon pero nakatalikod. Sa tindig pa lang niya ay alam ko na siya na iyon lalong lao na ang Pesqueira na nakatatak sa likod ng kanyang jersey. I wonder, what's with the number 19?

Nagulat ako ng bigla siya lumingon sa banda ako at hinanap ang mata ko. Kitang-kita ko ang galit sa pamamagitan ng pagtitig niya. Binalik niya ang kanyang tingin sa kaninang tinatanaw at napatingin din ako kung saan nandoon si Evans na kumakaway sa akin.

"Badtrip ata si Sandro?" napalingon ako sa biglang nagsalita na si Laura.

"I guess so"

Lumakas ang hiyawan ng mga tao na nasa loob ng Gym. Hindi ko talaga maisip na practice game lang nila to dahil sa dami ng mga nanonood.Sumipol ang referee hudyat na simula na ang laro at pagkahagis ng bola ay kaagad ito nakuha ni Evans.

"GO CITHM" sigaw ni Laura na katabi ko. CITHM ang College nila Sandro

Pinanood ko kung paanong libreng-libre nashoot ni Evans ang bola kaya hindi ko napigilan mapahiyaw. Tumingin siya sa banda ko at kumindat pa sa akin. Kaagad din ako napatingin kay Sandro na ngayon ay masama ang titig sa akin pati na din kay Evans. Ugh, this is not really good.

Sumipol ang referee nang biglang bumagsak si Evans sa gilid. Natawagan ng foul si Sandro at si Evans naman ngayon ay tinira ang dalawa niyang free throw shot na parehas din na shoot.

"Go CITHM! Go Sandro I love you...Go! Go! Go!" sigaw ni Laura ngunit kahit isang beses ay hindi siya nagawang tignan ni Sandro.

Nag time-out ang team nila Sandro at pinalitan muna siya dahil sa ilang tawag na sa kanya ng foul. Lima lang ang lamang nila Evans dahil kaagad naman nababawi ng team nila Sandro kapag nakaka-shoot ang kabilang team.

Umabot na sa fourth quarter at dikit na ang laban nila Sandro at Evans. Parehas na din na penalty ang dalawang team kaya mas lalong umiinit ang laban. Ang nakakabinging hiyawan ng mga tao ay patuloy na lumalakas at nangingibabaw sa loob ng Gym.

"Sandro...Sandro..." sigaw ng mga babae na nasa panig ko nang ibinalik ito sa huling quarter ng laro.

Hindi nagkakalayo ang score ng dalawang team dahil kada makakashoot ang team ni Evans ay kaagad na hahabulin ni Sandro.Ilang sagutan ng shoot ang ginawa ng dalawang grupo hangga't sa napasigaw ang lahat pati na din ako ng biglang bumagsak si Evans at sumenyas ang referee na score kila Sandro.

On The Edge of Bliss (CGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon