Chapter 4- Not Again

18 1 0
                                    

FOUR

Hingal na hingal pa ako ng huminto ako mula sa pag-jogging para sagutin ang tawag ng kaibigan kong si Ramon. Hindi na kami muling nakapag-usap ni Ava dahil aniya ay may gagawin pa siya.

I spent my time running, trying to divert my mind para hindi ako makapag-isip or makagawa ng hindi ko dapat magawa.

"Oh girl God finally sinagot mo din. Nasaan ka ngayon ha? Ang O.A ng pagiging sawi mo sobrang nag-alala kami sayo nila Tria" umupo ako saglit sa isang see-saw na nakita ko.

"Ramon I'm fine ayos lang ako dito and thank you" sabi ko at narinig ko ang pag-buntong hininga niya.

"We're here at Valk kasama ko si Tria and friends and guess who I saw?" aniya .

"It's Dominique with her new girl. Ano ba nangyari kasi sa inyo? I don't have idea na naghiwalay na pala kayo and your attempt—"

"Please let's not talk about it" bago pa niya matapos ay kaagad ko na pinutol ang kanyang sasabihin.

Narinig ko ang boses ng kaibigan ko na si Tria nagtatanong kung ako daw ba ang kausap ni Ramon. I missed my friends. Alam kong sobrang pagtatampo nila sa akin dahil sa bigla kong pag-alis na kahit ako ay hindi ko din alam.

"We're planning to visit you dyaan sa Cavite. What's name of the city again?" sinabi ko kung saan at nagpaalam na din dahil kailangan ko ng umuwi. It's freaking cold outside dahil na siguro sa December na.

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko ang mga pinsan ko na nanonood ng movies. Umakyat muna ako sa aking kwarto upang magbihis atsaka bumaba muli.

"Paulit-ulit na lang na Iron Man pinanonood natin wala na bang iba?" narinig kong sabi ng pinsan kong si Vivian.

Kumuha ako ng baso ng tubig sa kusina upang uminom ng gamut. I was recommended by my doctor to drink this to calm my system.

Umupo ako sa kanilang tabi at sumama manood ng isang Marvel movies.

A beep from my phone caught my attention from watching. It's Ramon na nagsend ng kanilang picture sa messenger. Zinoom out ko ang picture para makita kung sino ang mga kasama niya.

I saw Christine, Tria, Trish, Ramon and Apple. I don't exactly know the others name pero familiar ang kanilang mukha.

Nagsend din ako ng picture ng mga pinsan ko na seryosong nanonood ng movies at nilagyan ng caption na "baby-sitting"

Alas-onse na ng matapos ang kanilang pinanonood at kanya-kanyang bumalik sa kani-kanilang kwarto. Patuloy ang pangungulit sa akin nila Ramon na mag video-call kaya pinagbigyan ko na din kalaanunan.

"Girl party let's dance" ang ingay ng boses ni Ramon ay umeecho sa aking buong kwarto. This room is I guess half-sized of my own room in Manila. I suddenly miss everything ngunit ang isipin na bumalik sa magulong bahay na iyon ay nakakadismaya.

"Ang lalim ng iniisip natin dyaan girl?" napatingin ako sa aking cellphone at nakita na kasama na ngayon ni Ramon ang isang pamilyar na lalaki.

It's Dominic

Pinagmasdan ko ang mapupungay niyang mata at namumulang mukha dahil na siguro sa alak. Medyo magulo din ang kanyang buhok at namumula ang mga labi.

It's been months but my feelings towards him are still the same.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko at kaagad ko pinunasan. Hindi niya ito nakita dahil sa iba siya nakatingin. Hindi sa akin

Kitang-kita ko ang pagpanic sa mata ng kaibigan ko at biglaan niyang pinatay ang aming pag-video call. Something in me wants to call again dahil sobrang miss na miss ko na siya. I'm trying to move on and focus on what I have today pero sobrang hirap.

On The Edge of Bliss (CGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon