FIVE
Mabilis ang lakad ko para makalayo sa lalaki na iyon. Sobrang creepy niya talaga pero hindi halata sa itsura niya.
I admit he has the looks that can make all women plead pero everything has its exemptions and I'm one of them.
Buti na lamang at sa gilid lang ang bookstore kaya kaagad ako pumasok at baka maabutan niya pa ako. Hinanap ko ang section ng mga binders at pinili ang pinaka-simple.
As much as possible, gusto ko lahat ng gamit ko ay plain.
Alas-sais na ng matapos ako mamili ng gamit and I still have 500 pesos left in my purse. Nakaramdam ako ng gutom pero dahil wala na akong pera ay titiisin ko na lang. For sure may pagkain naman sa bahay nila tita.
Kumulog ng malakas at halos napasigaw ang lahat ng mga tao sa mall. Kapag minamalas ka nga naman, wala akong dalang payong. Ugh paano ako uuwi nito?
Katulad nga ng inaasahan, paglabas ko ay sobrang lakas ng ulan. Pumunta muna ako sa bandang gilid upang maghintay na tumila ang ulan.
Thirty-minutes na ang nakakalipas at patuloy ang malakas na ulan. Kinuha ko ang cellphone ko upang itext sana si tita na malalate ako ng uwi dahil wala din ako masakayan.
"What the fuck?" napamura na lang ako hindi nagsend ang text ko. Imposible wala akong load naka plan ang phone ko.
"Oh my God, oo nga pala" napakamot na lang ako ng ulo at na-realize na baka nga hindi nabayaran nila daddy ang postpaid ko. Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang iritasyon at may mga iilan na napatingin sa akin. Hindi po ako baliw, malapit na!
Napatingin ako sa isang itim na cruzer na huminto sa harap namin. Ganun din ang ibang mga kasama ko na naghihintay tumila ang ulan.
"Tashina sabay ka na!" napalingon ako sa taong tumawag sa akin. It's him again! Kailan ba ko lulubayan ng lalaking ito.
"Ayoko umalis ka na" sigaw ko ngunit hindi niya iyon narinig dahil bumusina siya ng napakalakas. Nakukuha na niya ang atensyon ng lahat ng tao nandito. Wala na bang igaganda ang araw na ito? Why can't he just leave me?
"Sumabay ka na Miss, matagal pa titila ang ulan" napalingon ako sa matandang lalaki na nagsalita sa gilid ko. I know his offer is tempting pero naiinis talaga ko sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla siya bumaba ng sasakyan at binuksan ang kaniyang payong."Pasensya na po! Nagtatampo lang po yang girlfriend ko tara na babe" nanlaki ang mata ko sa mga sinasabi ng lalaking ito. Anong nagtatampo? Anong girlfriend? Anong pinagsasasabi ng lalaking ito!
Ngumiti ang matandang lalaki sa amin at hinila naman ako ni Sandro papunta sa kanyang sasakyan. Pumasok ako at pinanood siyang naglakad patungo sa driver's seat. The nerve of this guy!
Pagkapasok na pagkapasok niya ay hinampas ko kaagad ang kanyang braso.
"Ang kapal ng mukha mo talaga. Hindi mo ako madadala sa mga ganito mo, manyakis ka pa din!" sigaw ko sa kanya habang patuloy na hinahampas ang kanyang braso.
"Stop it Tashina. Magdrive na ako bago pa ako masita ng guard dito, ang tagal-tagal mo sumakay" aniya.
"Wow lang talaga. Sinabi ko ba na sunduin mo ako dito at hintayin?" sigaw ko pabalik sa kanya at nakita ko pang tinakpan niya ang kanyang tenga gamit ang isang kamay.
"Do you even know how to say thank you?" aniya at patuloy na nadrive.
"After taking advantage of me while I'm drunk? Why will I fucking give thanks to you, huh?" nakita ko ang biglang pagseryoso ng mukha niya. Nilingon niya ako at umiling