Chapter 11- Snob

14 1 0
                                    

ELEVEN

Lumabas ako upang habulin sana si Sandro ngunit sakto naman ay nakita ko ang nakatayong si Evans sa labas. He texted me last night na sabay daw kami mag-lunch today and as usual I almost forgot it again! Nilapitan ko siya at nang makita niya ay kaagad niya kinuha ang mga libro na hawak ko.

"Thank you, kanina ka pa ba?" tanong ko.

"Di naman, malapit lang din kasi yung room mo sa akin" aniya at tumango lang ako sa kanya. Mabuti na lang ay nandyaan si Evans at kahit papaano ay may kasama na ako mag-lunch. Downside of irregular student.

Inikot ko ang buong cafeteria upang maghanap sana ng mauupuan ngunit ang naabutan ko lang ay si Sandro at ang mga babaeng katabi niya. He is surrounded by his friends or maybe his basketball team dahil mga nakasuot ang mga ito ng jersey.

Naka-akbay ang magkabilang braso niya sa dalawang babaeng katabi niya. Kulot ang nasa bandang kanan na blonde ang buhok habang ang isa naman ay straight na sa tingin ko ay isang Amerikana. Sa hindi ko malaman na dahilan ay sumibol na naman ang iritasyon sa aking sistema.

Nang makahanap kami ng upuan ay kaagad din kami naupo ni Evans. He insisted to buy our food na kaagad kong tinanggihan pero dahil mapilit siya ay wala akong nagawa. As much as possible, I don't want to make a fuss over it.

Habang naghihintay ay kinuha ko ang aking cellphone upang kamustahin ang kapatid ko na si Avah. I tried to call her pero hindi niya sinasagot, siguro ay may klase siya.

Lumipas ang ilang minuto ngunit wala pa din si Evans kaya nilingon ko ang banda niya ngunit nagulat ako ng iba ang nasaksihan ko.

Sandro's hand is gracefully moving on the girl's thigh at patuloy lamang ang paghaplos niya dito pataas hanggang sa nagtago na ang kamay niya sa loob ng palda ng babae. I tried to look at their expressions na seryoso lang at parang walang ginagawang kababalaghan sa ilalim ng lamesa.

"Gross" angal ko. I'm no innocent, I've already seen worse. The thing is, they're inside the school at kung ako nga ay nasa malayo na ay nakikita ko pa din, what more yung malapit pa sa kanila?

"S-sorry natagalan ang dami kasing tao" napalingon ako sa kadarating lang na si Evans at may hawak na tray. Tinulungan ko siya na ilagay na ang mga ito sa lamesa at kaagad na din siyang umupo.

"It's fine. Thank you din!" iniabot ko ang bayad sa kanya ngunit sinimangutan niya lang ako na parang bata kaya hindi ko napigilan hindi matawa.

"Ako nag-aya kaya ako din ang manlilibre" aniya kaya tumikim na lang ako. Tahimik kami kumain at pero minsan ay nagtatanong siya tungkol sa akin.

"Buti ka pa pala no, gragraduate na" aniya nang mapunta ang usapan namin sa aming kanya-kanyang courses. He's taking up Accountancy while mine is marketing. Five years ang Accountancy unlike Marketing na four years lang.

This will be my final semester inside the university dahil sa susunod ay internship ko na.

"Mabilis lang yan no! Promise me you'll become CPA ha" biro ko sa kanya at nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at itinaas ang kanyang kanang kamay.

"Promise!" aniya at sabay pa kami natawa dahil sa ginawa niya. His smile is so contagious. Plus, he has the looks and he's smart. He knows how to mingle with all the people kaya hindi ka mabobored kapag kasama siya. I wonder if he has a girlfriend.

Mabilis ang naging takbo ng oras namin dahil sa tuloy-tuloy na daloy ng kwentuhan. Nalaman ko din na siya pala ang tagapag-mana ng kumpanya ng kanyang pamilya. His family is the owner one of the largest business park here in Cavite kaya pala dito din siya napadpad mula sa Maynila.

On The Edge of Bliss (CGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon