Chapter 9- Saw you

13 1 0
                                    

NINE

Sa mga sumunod na araw ay inaasahan ko na na wala ng Sandro mangugulo sa akin ngunit nagkakamali ako. Sa bawat photoshoot ko ay palaging nandyaan si Sandro na naghihintay sa akin upang ihatid ako pauwi. Kung kanino niya nalalaman ang venue at oras ng aking shoots ay hindi ko alam.

Nagiging main target na din ako ng mga issue sa school dahil sa patuloy na pagdikit sa aking ng lalaking iyon. I didn't know na ganun pala karami ang nagkakagusto sa kanya para maging dahilan ng issue na wala naman katuturan.

I'm working with my research sa isang minor subject nang sumulpot na naman si Sandro sa harap ko. Nandito ako sa isang bagong bukas na coffee shop dahil mas madali ko natatapos ang trabaho kapag tahimik ang paligid.

Ngunit ngayon ay tingin ko ay useless din ang pagpunta ko dito dahil sa lalaking nakaupo sa harap ko. I don't know what's his intention kung bakit parang masaya siya na iniinis ako.

"Bakit ka ba nandito?" bungad ko habang patuloy na nagtytype sa aking laptop. Humigop ako sa aking iced coffee bago siya balingan na ngayon ay nakatitig sa akin

"I just want to be with you. Masama ba?" nakangiti niyang sabisa akin. May mga iilang customer ang napapatingin sa amin at hindi na iyon bago pa sa akin.

"I'm not into serious relationshipor whatever you want us to be" pagkaklaro ko at natahimik siya saglit. Pinanood ko ang reaksyon niya at nakita kong tumango lang siya sa akin.

"Hindi naman ako nagmamadali"

"I don't want you to wait Sandro. Look" umaayos ako sa pagkakaupo at tinitigan siya.

"We don't know each other yet-"

"Then let's get to know each other"

Napairap na lang ako ng mapagtanto na walang pupuntahan ang usapan ngayon kaya't inayos ko na ang mga gamit ko bago tuluyan lumabas sa tindahan na ito. Nakasunod lamang siya sa akin habang ako ay pumara na isang tricycle pabalik sa aming school.

Natapos ang klase at nagmadali naako umuwi upang maiwasan si Sandro. Pasakay na ako ng tricycle ng may biglang pamilyar na kulay itim na Mercedez Benz ang humarang sa akin.

"Tashina!" boses pa lamang ay alam ko na kung sino ito. Kaagad ako napayakap sa kaibigan kong si Ramon na ngayon ay kasama ang mga kaibigan ko na si Tria at Trisha.

"We missed you Inah!" sinalubong din ako ng yakap ng Tria at Trisha.

Seeing them feels nostalgic kahit na ilang buwan pa lamang kami hindi nagkikita ay pakiramdam ko ay taon na ang nakakalipas.

"Pumapayat ka ata, Inah?" bungad sa akin ni Tria pagkatapos niya ako yakapin.

"Busy sa schedule eh and kailangan ko din i-maintain ang shape madami akong upcoming shoots" tugon ko sa kanila sabay ngiti.

"So, how's your school? Mukhang maganda dito ha" pinanood kokung paano namangha ang mga mata nila habang nililibot ang kabuuan ng aking Unibersidad. I admit there's a lot of good and well-structured universities sa Manila pero this one is really unique.

"I heard dito daw shinoot ung isang book-adapted movie!" tumango ako sa kaniya.

From what I've heard from my cousins ay dito nga ginanap ang movie na iyon.

"Don't tell me wala ka pang boylet dito?" nanlaki ang mata ko sa malanding ngiti sa akin ni Ramon. I know what that look means.

"From what I've heard ay may naghahatid na daw sayo galing sa trabaho?" salita niya sabay ngumiti sa akin ng nakakaloko.

"Looks like you're wrong this time Ramon. Kanino mo naman nalaman ang maling impormasyon?" taas kilay kong sabi sabay ngiti but it didn't work bagkus ay ngumiti pa siya sa akin pabalik.

On The Edge of Bliss (CGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon