Chapter 10- Satisfied

12 1 0
                                    

TEN

Tria started acting weird kaya napauwi kami ng wala sa oras. Pagbalik namin ni Evan ay naabutan namin siya nakikipagsayaw sa isang foreigner.

Trishia and Ramon tried to stop her pero lalo lang ito nagwawala at nagagalit pa.

Pagdating doon sa aming kwarto ng hotel ay nagulat na lang kami ni Ramon nang maabutan namin na umiiyak si Tria sa loob ng C.R

"Hoy gaga ka. Anong drama mo?" natatawang sigaw ni Ramon pero hindi siya pinansin nito at nagawa pang humiga sa sahig kaya kaagad ko siyang nilapitan at hinila paupo.

"Hoy..ikaw Tashina! May kasalanan sa akin-"paputol putol ang salita niya at ang iba ay hindi ko na maintindihan sa sobra niyang kalasingan. Nagpatulong ako kay Ramon at Trishia buhatin si Tria papunta sa kama niya.

"Ay tangina ka girl!" napasigaw kaming lahat ng bigla itong sumuka at ang masaklap pa ay sa damit pa ito ni Ramon.

"Damit lang yan leche to" hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa kanilang dalawa. Binitawan ni Ramon si Tria na ngayon ay nakaupo na sa sahig at dumiretso na kaagad sa CR upang siguro ay maligo.

"Tashy, abot mo na lang sa akin yung damit ko please" naiiritang sigaw ni Ramon mula sa banyo. Kaagad ko kinuha ito sa lamesa at inabot sa nakasimangot na si Ramon. Tinawanan ko lang siya at bumalik kay Tria na ngayon ay nakaupo na sa sahig.

Madaling araw na nang nahimasmasan si Tria at nakatulog na kami pare-pareho. Napatalon ako at kaagad hinanap ang mga gamit ko na nagkalat nang magising ako na maliwanag na. Naalala ko na ngayon pala ang guesting ko sa isang show!

"Oh ba't ka nagmamadali?" napalingon ako sa ngayon ay kagigising lang na si Ramon.

"May guesting ako ngayon! Hindi ako nakapag-alarm shocks oh my god QC pa naman yun" kaagad ako napatingin sa orasan at nakitang alas-diyes na. Ala-una pa naman ang call time pero kung manggagaling ako dito ay hindi ako aabot.

"Magpahatid ka na lang para mabilis" aniya

"Walang maghahatid sa akin. Si tita nasa office na yun atsaka nakakahiya" kinuha ko ang bag ko kung saan nandoon ang damit na susuotin ko. Pumasok na ako sa loob ng banyo at mabilisan naligo.

"You should ask Evan na ihatid ka" bungad sa akin ni Tria paglabas ko ng banyo. Kaagad ako hinila ni Ramon paupo sa harap ng salamin at kaagad kinuha ang blower upang patuyuin ang aking buhok.

"Ako na lang maghahatid kay Tashina" salita ni Ramon. Kaagad ako tumanggi dahil masyadong hassle at walang maghahatid kung sakali kay Tria at Trishia pauwi ng Maynila.

"Why don't you call Sandro instead?" salita ni Trishia na kaagad ko kinontra. After what I saw last night I don't think I have to bump with that guy again. Mas nairita ako lalo habang iniisip ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I should be happy and no more Sandro na mangugulo sa akin.

Well that's good.

Hindi ko na sinagot ang rekomendasyon ni Trishia at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng susuotin. Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pintuan namin na kaagad nilapitan ni Tria.

"Oh..Evan"

Napatingin kaagad ako sa lalaking nasa tapat ng pintuan n gaming kwarto. Binaling ko kaagad ang tingin ngayon kay Tria na nakatawa sa akin.

"Thank me later, Tashina" aniya at ngumiti pa ng may halong nakakaloka. I don't have time to insist his offer kaya kaagad ko kinuha ang bag ko pati na din ang iba ko pang gamit.

"Tulungan na kita" aniya at kaagad kinuha ang malaki kong bag.

"Ingat love birds!" kumaway-kaway pa sa akin ang kaibigan ko at sinamaan ko lang siya ng tingin.

On The Edge of Bliss (CGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon