Chapter 7- Stalker

12 1 0
                                    

Ganun nga ang nangyari noong gabi din na iyon. Pagkatapos ako ihatid ni Sandro ay nagpaalam din siya umuwi dahil aniya ay hinihintay din siya ng parents niya.

A part of me felt glum. How I wish my family will be together again this Christmas kahit alam kong malabo iyon. Pagpasok ko ay naabutan ko sila na nag-aayos sa hapag-kainan. Binati din ako ng kapatid ko na ngayon lang din dumating.

"Ava!" inabot ko sa kanya ang isang paperbag at nanlaki ang mata niya ng makita ito.

"Oh my god ate! Thank you so much" niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako sa kanya. Masaya kaming lahat kumakain sa mahabang lamesa nila tita. Tito Vincent is also here balita ko ay galing pa siya sa isang shooting sa ginagawa nilang movie.

"I heard a lot of compliment from Henry about sa mga shoots mo Tash" sabi ni tito habang kumakain ng desserts.

"Thank you tito. I'm enjoying it din po"

"Yes you should. Keep it up! I'm also asking for the management na ipagworkshop ka sa pag-aacting para pwede ka na isalang sa camera. Looks are futile without talents" aniya at tumango lang ako.

I've wanted to be an artist since then. Madami na rin akong offers pero tinatanggihan ko dahil ayaw ni Dominic. Maybe this time magagawa ko ang pangarap ko.

Masaya ang gabi ng pamilya ni tita nang biglang nag-ring ang telepono nila tita. Kaagad naman ito sinagot ng mga katulong at kalaunan ay iniabot din kay tita Zavannah.

Iginugol namin magpipinsan ang oras sa pagbubukas ng mga regalo. Laking gulat ko ng makatanggap ako ng isa sa pinakalatest cellphone mula kay tita ngunit bago pa ako makapagpasalamat kay tita ay sinalubong niya ako ng nag-aalalang mukha.

"Your dad again..."

Nagmadali kaming sumakay sa sasakyan pagkatapos marinig ang ibinalita ni tita. Pagdating doon ay naabutan ko si mommy na nakaupo sa waiting area. Sinalubong niya kaagad kami ng yakap magkapatid.

"Mommy what happened?" bungad ko

"He knew what happened to our house" aniya at kaagad kami nagkatinginan ng kapatid ko. Mahigpit na pinakiusapan ni Ava sa akin na huwag maibabanggit it okay daddy. I know he's doing all his best to save our house pero dahil nga sa madaming nawalang investors sa business namin ay nahinto ang operations nito.

Seranilla Inc. is known as one of the leading real estate developers in the Philippines. We are engaged in development of residential subdivisions kaya most of families are Architects and Engineers.

Ako lang ata ang nasa field ng Business and I heard Ava will take Engineering din .

"And also about your father's case—" ngunit bago pa matapos ang mommy ay may dalawang nakauniporme ang lumapit sa amin.

"Good evening Mrs.Seranilla" iniabot ng lalaking may matipunong pangangatawan ang isang brown envelope at kaagad binuksan ni mommy.

Pinanood ko ang kanyang reaction habang binabasa ang laman nito at hindi ko ito makuha. I need an explanation from her, verbally.

"Your father...lose the case" dahan-dahan siyang napaupo na kaagad inaluhan ni Ava. Does it mean?

Oh no please...

Napagalaman din namin na pumayag ang korte na i-house arrest muna si Daddy because of daddy's condition.

Both parties agreed because dad is really not in his good shape right now.

We all stayed in the hospital pero sila tita at ang mga pinsan ko ay umuwi dahil limited lang ang pwede bumisita. Dad refused to stay dahil aniya ay wala na kaming pambayad sa aming hospital bills buti na lamang ay may mga iilang mamahalin alahas ako na naiitago at nagawa ko itong isanla.

On The Edge of Bliss (CGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon