Kasalukuyan...
“Trixie! Lumabas ka dyan! Alam ko nandyan ka! Alam ko nagtatago ka lang! Lumabas ka! Harapin mo ako!” Sigaw ni Jerald pagkatapos pagsaraduhan ng katulong ng Montereal.
“Alam ko! Alam ko *hik* ayaw mo lang magpakita. *hik* Sinungaling ka talaga! Labasin mo ako!” Kinakalabog na nya ang gate.
Samantalang...
“Ma’am mukhang lasing eh. Amoy alak po kase, ang tapang ng amoy nya.” Sabe ng katulong.
“Hayaan mo sya. Basta kahit anong gawin nya, ‘wag na ‘wag nyo na syang lalabasin at kakausapin. Hayaan nyo na sya. Magsasawa at mapapagod rin yan.” Sagot ni Trixie.
“Opo ma’am.” Sagot ng katulong at umalis na ito.
Mula sa binatana ng kwarto ng dalaga, tinatanaw nya si Jerald sa labas na nagsisi-sigaw.
Bumalik tayo...
“Trixie! *sobs* Mahal na mahal kita! *hik*” Para na syang baliw na nag’sisisigaw sa labas ng bahay ng Montereal. At nag’simula na rin na tumulo ang mga luha nya. “Alam mo ba ‘yun ha? Alam mo ba *hik* kung gaano kita kamahal ha? *sobs*” Tumuro sya sa tapat ng dibdib nya kung saan naka pwesto ang puso. “Ito, ito, mahal na mahal ka nito. Kahit pa unti-unti na syang nadudurog. Kahit na unti-unti nang bumabagal ang tibok nya dahil sa sakit na dinadala nito. *hik*” Sinipa nya ang gate. “Ganyan! Ganyan kamahal ng tangang pusong ‘to! *sobs*” Sabay tawa ng malakas. “PvCHA! *sobs* MAHAL NA MAHAL KA NITO!” Sabay madiin na turo nito sa dibdib nya.
“AAAAHHHHHH!!!! TRIIIIIIXXXIIIIIIIIEEEEE!!!!!!! Labasin mo ako! Mag-usap tayo!” He’s shouting on top of his voice, halatang namamalat na sya. Kinalabog nya ang gate at binato ng boteng hawak nya.
...
“Ma’am, nagwawala na po sya, nakakahiya po sa mga kapit-bahay.” Sabe nung katulong. “Tatawag na po ako ng guard.”
“Wag.” Matigas na sagot ni Trixie.
Mga ilang minuto rin nyang pinanuod ang binata sa labas, makikita sa mga mata nito ang malungkot na emosyon.
Ano kaya ang iniisip ng dalaga?
“Jerald...” Mahinang sambit nito.
“Ma’am?” Napatingin sya sa katulong.
“Ako na. Ako na ang bahala.” Lumabas na nang kwarto si Trixie.
...
“Trixie!” Nagliwanag ang mukha ng binata nang masilayan ang dalagang palabas.
Binuksan ni Trixie ang gate.
“Trixie” Sabay yakap dito ng mahigpit.
Agad na inalis ni Trixie ang mga kamay ng binata na naka’yakap sakanya. “Ano ba! Ang baho mo! H’wag mo akong dikitan!”
Namumula lang ang mukha ng binata, marahil ay dala ng pagkahilo sa alak at pagkaka’sigaw kanina.
“Ano pa ba ang kailangan mo ha?! Nag-usap na tayo diba? Nasabi ko na ang dapat kong sabihin, kaya ano pa bang kailangan mo ha?!” Inis na sabe ni Trixie.
“H’wag kang umalis...” Malungkot na sagot ng binata.
Napa’tigil naman ang dalaga sa sinabi ni Jerald. Halatang na’gulat sya sa mga sinabi nito.
“Please?” Sa malungkot na malungkot na ekspresyon ni Jerald habang naka’tingin sa mga mata ni Trixie.
“Pa-paano mo na-nalaman?” Makikita sa mga mata ni Trixe ang pagka’bigla at pagta’taka.
BINABASA MO ANG
Unofficial Couples Ü
Teen FictionTungkol ito sa istorya nang isang lalaking nagmamahal at ginawa ang lahat para lang sa taong minamahal nito. Silipin natin kung paano sya lumaban para sa pag-ibig. Hope you enjoy! <3