Avoidance.

24 2 9
                                    

 Avoidance.

 *>_<

 *>_0

 0_<*

 + _ +  Nakakasilaw naman masyado. Anong oras na ba? Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko. 10 am na?! o__________o ! Teka ba’t parang ang bigat ng mata ko? +___+  Pumasok na ako sa banyo para simulan ang daily routine ko every morning. At pagtingin ko sa salamin... 0__________0 ! Grabe naman? Anong nangyari sa mata ko at maga? Pinutakte ba ako ng ipis kagabe?? Eh malinis naman ang kwarto ko uh. = ___ =

 Ay, oo nga pala. Nag-emote ako kagabe. Akala ko panaginip lang yun? Totoo pala.  - ___ -“  Haayyyyy.... Napabuntong hininga nalang ako ng sobrang lalim at haba.

...................

 “Kuya.”

 “Hhmmm..”  Nandito ako ngayon sa living room namen. Nanunuod ako tv with my sister.

 “Magtatanong ako ha?”

 “Ano yun?”  Sumandal ako at pinatong sa sandalan ng sofa ung kamay ko na nasa likod ni Mitch. Parang inakbayan ko sya. Nag-lean naman si Mitch sa braso ko.  “Bakit?”

 “Umiyak ka ba?”  Nagulat ako sa tanong nya at napatingin sakanya. Sya naman nakayuko at pinaglalaruan ang daliri nya.

 “Bakit mo naman natanong?”

 “*tumingin sya saken, tumingala sya* Eh kase namamaga mata mo e.”

 “*ngumiti ako* Hindi.”  And I pat her head using my right hand.

 “Weh? Totoo? Eh bakit maga yang mata mo?”

 “Wala. Puyat lang kagabe.”

 “Puyat? Bakit? Eh wala na kayong pasok di ba? Mag-me-May na nga e. Anong pinagpuyatan mo?”  ^_^ Natutuwa naman ako sa kapatid ko.

 “Wala. Nanuod kase ako ng movie na hiniram ko kay kuya Clark mo.”  Sinabe ko habang nakangiti.

 “Eh kuya kase..”  yumuko ulit sya.

 “Oh? Bakit?”  Umayos ako ng pagkakaupo at at humarap sakanya.

 “Kase ano.. Pumasok ako kagabe sa kwarto mo...”  nagulat ako sa sinabe nya.  “Natutulog ka tapos umiiyak ka. *she looks at me* Nanaginip ka ba ng masama?”  Medyo worried ang mata nya.

 “*ngumiti ulit ako* Baby sis ko talaga. *I hugged her* Oo e. May bad dream si kuya kagabe. Pero okay naman si kuya kase di naman totoo yun.”

 “Sinungaling ka kuya ah. Bad yun dba? Bakit sabe mo napuyat ka lang?”

 “Haha! Mitch, *hinarap ko sya at kumalas sa pagkakayakap* kase alam mo minsan, may mga bagay na dapat nating gawin kahit mali para sa ikabubuti ng mga taong mahalaga sa atin. Kahit maging bad pa ang tingin sayo ng iba.”

 “Huh? Di ba? Bad gumawa ng bad?”

 “*I smiled at her* Bata ka pa kase. Pag naging big ka na, you’ll understand.”

 “Big? I am big now kuya. Ikaw nga maliit dyan eh. *she stood up* Tignan mo malapit na akong mas tumangkad sayo.” Haha! I tickled her at nakipag kulitan sakanya.

 Namiss kong nakikipag kulitan sa baby sister ko na ‘to. Masyado na rin siguro akong busy kay Mi kaya hindi ko napapansin na nababawasan na ang oras ko para sa ibang taong mahal ko rin.

Unofficial Couples ÜTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon