"A man should live only for the present day."

22 2 2
                                    

“A man should live only for the present day.”

“A man should live only for the present day.”

-          Sophocles

Paulit-ulit na tagpo ‘yan na nangyari sa loob ng linggo bago ang sumunod na linggong pag-alis ni Trixie. Pero sa kabila na paulit-ulit na pagpunta dun, walang Trixie na lumabas, ni anino nya. Ganun at ganun pa rin ang isinasagot sakanya, na wala dun si Trixie, na umalis sya. Hindi sumuko ang binata hanggang sa dumating muli ang araw ng Martes.

 Hindi alam ng binata kung anong araw sa linggong ito aalis si Trixie, kaya naman nagtyaga syang pumunta sa bahay nito araw-araw.

“Trixie! Lumabas ka dyan! Alam ko nandyan ka! Alam ko nagtatago ka lang! Lumabas ka! Harapin mo ako!”  Sigaw ni Jerald pagkatapos pagsaraduhan ng katulong ng Montereal.

 “Alam ko! Alam ko *hik*  ayaw mo lang magpakita. *hik* Sinungaling ka talaga! Labasin mo ako!”  Kinakalabog na nya ang gate.

Samantalang...

 “Ma’am mukhang lasing eh. Amoy alak po kase, ang tapang ng amoy nya.”  Sabe ng katulong.

 “Hayaan mo sya. Basta kahit anong gawin nya, ‘wag na ‘wag nyo na syang lalabasin at kakausapin. Hayaan nyo na sya. Magsasawa at mapapagod rin yan.”  Sagot ni Trixie.

 “Opo ma’am.”  Sagot ng katulong at umalis na ito.

 Mula sa binatana ng kwarto ng dalaga, tinatanaw nya si Jerald sa labas na nagsisi-sigaw.

Bumalik tayo...

 “Trixie! *sobs* Mahal na mahal kita! *hik*

Para na syang baliw na nag’sisisigaw sa labas ng bahay ng Montereal. At nag’simula na rin na tumulo ang mga luha nya.

“Alam mo ba ‘yun ha? Alam mo ba *hik* kung gaano kita kamahal ha? *sobs*”  Tumuro sya sa tapat ng dibdib nya kung saan naka pwesto ang puso.  “Ito, ito, mahal na mahal ka nito. Kahit pa unti-unti na syang nadudurog. Kahit na unti-unti nang bumabagal ang tibok ng puso nya dahil sa sakit na dinadala nito. *hik*”  Sinipa nya ang gate.  “Ganyan! Ganyan ka kamahal ng tangang pusong ‘to! *sobs*”  Sabay tawa ng malakas.  “P*CHA! *sobs*MAHAL NA MAHAL KA NITO!”  Sabay madiin na turo nito sa dibdib nya.

 “AAAAHHHHHH!!!! TRIIIIIIXXXIIIIIIIIEEEEE!!!!!!! Labasin mo ako! Mag-usap tayo!”  He’s shouting on top of his voice, halatang namamalat na sya. Kinalabog nya ang gate at binato ng boteng hawak nya.

...

 “Ma’am, nagwawala na po sya, nakakahiya po sa mga kapit-bahay.”  Sabe nung katulong.  “Tatawag na po ako ng guard.”

 “Wag.”  Matigas na sagot ni Trixie.

 Mga ilang minuto rin nyang pinanuod ang binata sa labas, makikita sa mga mata nito ang malungkot na emosyon.

 Ano kaya ang iniisip ng dalaga?

 “Jerald...”  Mahinang sambit nito.

 “Ma’am?”  Napatingin sa katulong.

 “Ako na. Ako na ang bahala.”  Lumabas na nang kwarto si Trixie.

...

 “Trixie!”  Nagliwanag ang mukha ng binata nang masilayan ang dalagang palabas.

 Binuksan ni Trixie ang gate.

Unofficial Couples ÜTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon