Left Ended.

26 2 1
                                    

Left ended.

  “Stop it Jerald!”  Tinulak ni Trixie si Jerald.  “Wanna hear the truth?!”

 “Trixie...”  habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ng binata.

 “The truth is I DON’T LOVE YOU. I DIDN’T AND I WILL NEVER.”  Then, she bit her lower lip.

 “Trixie...”  Habang tinatabig ni Trixie ang mga kamay ng binata na pilit humahawak rito.

 “Tama na Jerald...”  Nagsimula na rin ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ng Trixie.  “Tama na...”

 “Trixie...”  Lumalayo si Trixie kay Jerald.  “H’wag mong sabihin ang mga bagay na ‘yan. Mahal kita. Mahal na mahal.”

 “Jerald! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?!”  Habang tinutulak-tulak ni Trixie si Jerald.  “Mali iyang nararamdaman mo! Maling-mali! Kaya please! Tama na!”  Pilit inaalis ni Trixie ang kamay ni Jerald na nakahawak sakanya.

 “Trixie...”  Jerald sobs “Mahal kita.. Hindi...”

 “Jerald ano ba! Ayaw ko sa mga bata! Ayaw ko sa mga bakla! Sa mga hindi marunong magpakalalaki! Ayaw ko sa madrama! Ayaw ko! Ayaw ko! Ayaw ko sa’yo! Naiintindihan mo ba ‘yun ha?! Ayaw ko! Ayaw ko sa’yo!”  Now, she’s shouting on top of her lungs.

 “Trixie...Hindi...Sinasabe mo lang ‘yan kase aalis ka. Pero mahal na mahal kita... Hindi Trixie....Hindi...”  Walang tigil na luha ang lumabas sa mga mata ng binata.

 “Jerald..”  Sa nagmamaka-awang tono ni Trixie.  “Magising ka nga sa katotohanang hindi parehas ang nararamdaman ko para sa’yo... Hindi. Hinding-hindi... Hindi kailanman... Kaya tama na.”

Sabay bagsak ng malakas at malalaking patak ng ulan.

 “Hindi...”  Pagmamatigas ni Jerald. Kasabay ng patak ng luha at ulan.

 “Jerald,"  She wiped her tears  "for the last time HINDI KITA MAHAL O MINAHAL O MAMAHALIN. AYAW KO SA’YO. KAYA TUMIGIL KA NA KASE KAHIT ANONG GAWIN MO, HINDING-HINDI MAGBABAGO ANG MGA ‘YUN. HINDI JERALD. HINDI.”  Pag-e-emphasized ni Trixie sa binata.

 Hinila ni Jerald si Trixie palapit sakanya at hinalikan. Hinalikan ng mariin.

 “Mahal na mahal kita Trixie, hindi ko kayang mawala ka.”  Nasa saloobin ni Jerald.

 Pilit kumakawala si Trixie sa halik ni Jerald.

 “Trixie, h’wag ka ng magsinungaling, alam ko mahal mo rin ako.” Hindi nya man masambit dahil sa pagkakahalik sa dalaga pero ito ang gusto nyang iparating kay Trixie.

 Pero pilit paring kumakawala si Trixie sa pagkakakulong ni Jerald sakanya.

 “Trixie... Mahal kita, mahal na mahal, mahal na mahal na mahal...”

 Nang matulak na ni Trixie si Jerald ng tuluyan, binigyan nya ito ng isang matinding na sampal. Ramdam ang galit ni Trixie sa pagkadampi ng mga palad nya mukha ni Jerald.

  “Trixie..”  Habang nanginginig na lumapit si Jerald sakanya.  “Sorry... Patawarin mo ako... Hindi ko sinasadya...”  Iniiwasan ni Trixie ang kamay ng binata.

 “H’wag mo akong hawakan!”  Sabay layo.  “Jerald! Magising ka na! I DON’T LOVE YOU! SO LEAVE ME ALONE! STAY AWAY!”

At tuluyan ng tumakbo palayo si Trixie, palayo kay Jerald, palayo sa taong minamahal sya, taong mahal na mahal sya ng sobra, taong pilit pa rin syang minamahal, taong hindi sumusuko sakanya, taong patuloy na kumakapit sa tsansang wala na, taong nananatiling lumalaban para sa pagmamahal nito para sakanya, taong hindi nya akalaing--

 "Trixie! H'wag mo akong iwan!"  Mahigpit na ikinulong ng binata si Trixie sa pagkakayakap mula sa likod.  "Trixie, hindi ko kaya. Hindi."  Basang-basa na sila sa ulan. Hindi na malaman kung alin ba ang luha o ulan na pumapatak sa mga mukha nila.

 Pumikit si Trixie at muling kinagat ang labi,  "Ayaw ko na talaga, Jerald."  Mataimtim nitong sambit. Winaksi nya ang pagkakayakap ni Jerald sakanya.  "Kaya tama na."

 "Mi--"  Hahawakan ang kamay ni Trixie pero agad na binawi ito ni Trixie.

 "Learn to call me Trixie again."  Seryosong sabe nito. Nananatiling nakatalikod.  "Makinig ka saken,"  Huminto sya  "HINDI.KITA.MAHAL...Hanggang dito nalang ito."  At naglakad na sya palayo.

Naiwang nakatayo at nanigas si Jerald sa kinatatayuan nya.

 Nang maliit nalang sa paningin ni Jerald si Trixie, tumakbo na ang dalaga, tumakbo hanggang sa maglaho.

 Nanatili lamang ang binata sa kinatatayuan nito. Umiiyak, at unti-unting nararamdaman ang pagka’pino ng kanyang puso. Tuloy-tuloy lang ang luha nya. At nakatanaw pa rin sa direksyong dinaanan ni Trixie.

 Hanggang sa unti-unting lumalabo na ang paningin nito at tuluyang dumilim ang kanyang paligid.

Unofficial Couples ÜTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon