NO! SHE CAN'T.

26 2 4
                                    

NO! SHE CAN’T.

 “Pre, gising.”

 “Hmmm...”

 “Pre, Jerald gising may bisita ka.”

 “Hmmm...”                   

 “Pre nandito si Ate Trixie.”

O_O  “Nasaan?!”

 “Sa baba.”

 “Trixie!”  Agad akong bumaba at niyakap sya.  “Sabe na eh. Hindi mo ako matitiis eh. Mahal mo ako. Nagsisinungaling ka lang kagabi.”  Humigpit ang yakap ko.

 “Ahh.. Je-Jerald.”  Tinatanggal nya ang pagkakayakap ko.  “Hindi ako si Trixie.”  Napakalas ako sa yakap.

 “Sh-Shi-Shin?”

 Binigyan nya ako ng isang malungkot at worried smile.

 “Bakit ka nandito? Nasaan si Trixie?”  Tumitingin ako sa likod nya. Baka nagtago lang. Baka surprise. Baka kasama din sya.

 Yumuko sya at umiling.

 Sumakit ang ulo ko kaya napaupo nalang ako sa sofa.

 “Jerald,”  Panimula nya.  “Nandito ako para...”  Hindi ako natingin sakanya. Nakatayo pa rin sya.  “Mag-sorry.”  Napatingala ako sakanya, nakayuko lang sya at halatang malungkot. Binalik ko ang tingin kong diretso at hindi sumagot.  “Sorry, sorry it wasn’t--”

 “It’s not your fault.”  I said emotionless.

 “Sorry Jerald. Pumalpak.”  Hindi ko sya sinagot.  “Pasensya.”

 “Hindi mo nga kasalanan Shin.”  Tumayo na ako at nilagpasan sya.

 “Nandito rin ako para”  Napatigil ako  “sabihing”  Nilingon ko sya, nakayuko pa rin  “next week na ang alis nya.”

 Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

-----TUESDAY------

 “Manang, alam ko pong nandyan sa loob parang awa nyo na ho, papasukin nyo ako. Kailangan ko syang kausapin. Kailangan ko syang pigilan. Manang, please naman ho, papasukin nyo na ako.”  Pag pupumilit ko sa katulong ng Montereal.

 “Nako, ijo. Wala talaga si ma’am Trixie dito eh. Umalis sya kasama ang daddy nya.”  Sagot ni manang.

 “Manang, hindi eh. Alam ko nandyan sya sa loob. Pinagtataguan nya lang ako. Manang, please naman po. Palabasin nyo sya, kailangan ko syang makita.”  Pag pupumilit ko pa rin.

 “Wala talaga sya dito ijo. Bumalik ka nalang sa isang araw. Wala talaga sya dito. Napag-utusan lang ako ijo.”

 “Manang--”

 “Pre, tama na. Mukha namang wala sya dyan eh.”  Pag-awat sa akin ni Clark.

 “Hindi pre. Alam ko nandito sya. Alam ko, nararamdaman ko.”  Sabe ko.

 “Jerald, tama na. Bumalik nalang tayo bukas.”  Hinahawakan na nila ako sa braso ko. Si Cedric.

“Pare tama na. Tara na.”  Paghihikayat ni Clark.

 “Manang, pakisabe kay Trixie, hindi ako susuko. Hindi ako titigil.”

 At tuluyang umalis na kame.

-----WEDNESDAY-----

“Manang, alam ko tinatago nyo lang po sya. Alam ko po nandyan lang sya, nagtatago. Please manang, palabasin nyo naman po sya. Kailangan ko syang makausap, kailangan ko syang makita, kailangan ko manang. Parang-awa nyo na. Ilabas nyo sya.”  Pagpupumilit ko sa bagong katulong na tumambad sa harapan ko.

 “Ijo, wala nga sya dito. Aba’y kahit anong gawin mo hindi ko sya mailalabas dahil wala sya dito. H’wag ka ng makulit!”  Iritang sabe nung yaya.

 “Alam ko po nandyan sya at tinataguan lang ako. Alam ko. Manang, papasukin nyo lang po ako. Ako nalang po ang papasukin nyo. Kailangan ko talaga syang makita ngayon manang, hindi nya ako pwedeng iwan. Hindi sya pwedeng umalis.”

 “Ay nako! Kahit ano pang sabihin mo dyan baliw ka. Wala nga si ma’am dito. Umalis! Umalis ka na, nakakaistorbo ka na.”

-----THURSDAY-----

 “Manang, parang awa nyo na ho, papasukin nyo na ako. Kailangan ko lang talagang syang makausap ngayon.”  Halos lumuhod na ako sa harap ng katulong.

 “Ijo! Kahit naman papasukin kita wala kang makikita! Kaya tama na! Puro katulong at katiwala lang ang nandito kaya bitawan mo ako dahil nakaka-perwisyo ka na!”  Hinigit nung katulog ang kamay nya at sinarado na ang gate.

 “Manang!”  Inalog ko ang gate.  “Manang, parang awa nyo na po!”  Hampas ko sa gate.  “Manang!”

 “Pare tama na, tara na. Baka wala naman talaga dyan si Trixie. Tara  na. Sa makalawa nalang tayo bumalik dito baka ma’tyempuhan na natin nandito sya, tutal weekends naman yun eh.”  Panghihikayat ni Clark.

 “Pre! Hindi pwede! Baka umalis na sya bukas! Hindi pwede! Kailangan makita ko na sya! Kailangan pre!”  Sagot ko.

 “Jerald, tama na muna yan. Hindi sya aalis okay? Tara na.”  Hinila na nila ako papasok ng kotse.

<END OF JERALD’S POINT OF VIEW>

Unofficial Couples ÜTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon