Agony.
Malapit na mag-May pero hindi pa rin kame nakakapag-usap ng ayos ni Mi. Ewan ko ba kung bakit ganyan sya kagrabe kabusy for her college? Nagpapa-medical pa. = ___ = Ni hindi ko pa nga alam kung saan ba talaga sya mag-aaral o kung ano yung course na ite-take nya. Ang dami kong hindi alam sakanya. Minsan naiisip ko na nga lang, boyfriend ba nya talaga ako? Kung boyfriend nya nga ako, ganun ba ang tingin at turing nya saken? Baka assuming lang ako? Potek! Habang patagal ng patagal ang gantong set up naming dalawa, parami ng parami ang mga ka-praningan kong tanong.
Hindi ko na alam ang dapat isipin at dapat gawen para makuha ang oras nya. Lage nalang may excuse sya pag inaaya ko syang magkita kame. Nagsasawa na ba sya saken? Ayaw nya na ba akong makita?
Pero ako, miss na miss na sya. Halos mawalan na nga ako ng gana sa bawat araw na darating dahil alam kong hindi ko na naman sya makikita o makakausap man lang nang matagal. T ___ T Kung hindi lang kasalanan sa Diyos ang pagkitil ng sariling buhay, matagal ko nang ginawa.
Gusto ko nang masagot lahat ng mga bumabagabag sa aken. Gusto ko na matapos ang lahat ng ka-praningan ko. Daig ko pa ang babae kung mag-isip ng mga bagay na sa tingin ko hindi naman dapat isipin at intindihin. Pero kahit ganun, di ko talaga maiwasan isipin at alalahanin. Hindi ko mapigilang damdamin. Sa bawat oras na lilipas, hinihiling ako na magtext sya at sabihing magkita kame. ‘Asa to death’ ika nga ng mga kababaihan at kabaklaan.
Wala na talaga akong maintindihan sa takbo ng relasyon namen ngayon. Pakiramdam ko binabalewala nya na ako kase siguro dahil sa dumami na ang mga admirers nya lalo na nung napasali sya sa mga faces of BIU. Napadami ang karibal at kalaban ko. Pero sinasabe ko nalang sa sarili ko na, ‘Ako ang mahal nya. Bakit naman ako ma-the-threaten?’ Pero biglang eepal naman ang kabilang side ng utak ko at sasabihing, ‘Sigurado ka bang mahal ka nya?’ ‘Nasabe na ba nyang mahal ka nya?’ ‘Never naman nyang sinabe na I love you sa’yo ha?’ Bullsh*t! Yung epal kong isipan sarap sakalin. Ang sasakit masyado ng mga sinasabe. ‘TRUTH HURTS Jerald.’ Potek! Manahimik ka nga! Hindi ko hinihingi opinyon mo. So just STFU!
Hindi ko na alam ang dapat isipin dahil mismong utak ko hati. Hindi magkasundo. Y ___ Y Mi.. Trixie Millan Montereal. I really wanna see you. At pag nakita kita yayakapin kita ng sobrang higpit para di ka na makawala pa. Y _ Y Mi.. Kapag talaga, nakita kita hahalikan kita hanggang sa magsawa at mawalan ako ng lakas. Miss na miss na kita. Miss ko na yung tawa mo, yung kakulitan mo, yung yakap mo, halik mo, labi mo, mukha mo, URRGGHH! LAHAT SAYO! Sasabog na talaga ang utak ko sa sobrang kakaisip at sa dami nang nararamdaman. Ang drama drama ko. Oo na! Para na akong babae! Pero hindi naman dahil lalaki ako eh wala na akong karapatang magdamdam. Lahat ng lalaki may karapatang masaktan at mag drama. Umiyak lang, nagdrama lang? Bakla na agad? Tss! Tao rin ho kame, may pakiramdam. Hindi naman ho kame bato.
Nakakainis! Gusto ko syang sigawan sa sobrang pagka-miss sakanya! ‘Simula nang nagbalik ka sa buhay ko! Lahat na nagbago at gumulo! Lahat lahat! Ultimo maliliit na bagay na nangyayari sa buhay ko nagbago nang dahil sayo! Pinaramdam mo saken lahat ng maaari kong pwedeng maramdaman. Parang kang packed in one. Yung all in one. Kase lahat na ata ng emosyong pwede kong maranasan sa mga trahedyang maaari kong maramdaman sa hinaharap e naramdaman ko na nang dahil sayo. Nasayo na ang lahat. Kaya hindi ako nagtatakang marami akong kaagaw sayo. Sh*t! Ang bakla ko ba? Hindi ko kase alam kung paano ko dapat sabihin sayo lahat nang nararamdaman ko sa tamang paraan. Pag kaharap na kita, nabablanko na ako. Nawawala na lahat ng dapat kong sabihin pati yung mga emosyon ko. At isang pakiramdam nalang ang natitira dito sa puso ko, yun ay ang pagmamahal ko sayo. Tanga ba ako dahil ganto ako kabaliw sayo? Eh sa hindi ko kayang hindi ka makita sa araw-araw. Hindi ko kayang mawala ka. Tanga na kung tanga pero anong magagawa ko? You make me feel this way. Nauubusan ako ng dapat sabihin kapag andyan ka na. Unti-unting nilalamon ng aura mo yung mga negative emotions and thinkings ko. Pero sa t’wing wala ka. Daig ko pa bomba na anytime pwedeng sumabog sa sobrang dame kong tanong at feelings. Sabe ko nga kung hindi lang kasalanan ang pag su-suicide, matagal ko nang ginawa para matapos na lahat ng nararanasan kong nagpapahirap saken minu-minuto. Mi! Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa mga tanong na nasa isip ko ngayon. Pero sana kung ano man yung mga sabihin ko at matanong ko sayo e sana sagutin mo nang totoo at tapat. Ayaw ko ng kasinungalingan. Ayaw ko ng lokohan. Sana maayos na lahat. Sana matapos na rin itong mga kapraningang naiisip ko. Ayaw ko na kase maramdaman ‘to. Ayaw ko na kase maisip pa yung mga bagay na yun. Ang sakit, ang hirap, parang sinasakal ako. Yung feeling na parang pasan ko ang daigdig at wala na akong lakas para bumangon pa sa araw-araw? Y___Y’ Sh*t! Ba’t ba ako naiiyak?! ‘Nanghihina talaga ako pagdating sa’yo Trixie Millan Montereal.’ Ang sakit sakit na kase talaga kahit iniisip ko palang. Paano pa kaya kapag harap-harapan ko nang nasabe yang mga bagay na yan kay Mi? Hindi na ba ganun kasakit? O mas masakit pa? Masasabe ko ba lahat yun? Magkakaroon ba ako nang pagkakataon na masabe ang lahat sakanya? Hayyyy...
BINABASA MO ANG
Unofficial Couples Ü
Teen FictionTungkol ito sa istorya nang isang lalaking nagmamahal at ginawa ang lahat para lang sa taong minamahal nito. Silipin natin kung paano sya lumaban para sa pag-ibig. Hope you enjoy! <3