A Wish. [Part 2]

41 2 2
                                    

A Wish. [Part 2]

“Trixie?”

 “Hm?”

 “Nilalamig ka na ba?”  Tanong ko.

 “Medyo. Why?”  Sagot nya habang naka’tingin pa rin sa itaas.

 “Eto oh.”  Pinatong ko sakanya ‘yung jacket na dala ko.

 “Thanks.”

 Tumabi na ulit ako sakanya,  “Bakit dito pinili mo?”  Tanong ko.

 “This used to be my dad’s and I dating place.”  Sagot nya.

 Napa’hinto ako sa sinabi nya.  Dating place? Wow. I feel honored and special. =)

 “Kaso now? This place is just a part of my past.”  She said with an empty emotion.

 Is she sad? Is she missing her dad?  “Ga’no na ba katagal nasa out of the country business ang parents mo?”

 “Hmmm... I don’t know? Maybe, 4? 5? Haha. Sa tagal, hindi ko na maalala. Pero si mommy, sumunod lang sakanya last year.”  She flashed a weak smile but still looking at the stars.

 Nandito nga pala kami sa ***** Park. Nagpi’picnic kami and star gazing.  “Hindi ba kayo nag’uusap na dad mo?”  Tanong ko ulit.

 Umiling sya.  “At first, every so often. Then naging minsan nalang. Pero ngayon? Rarely. That’s how busy man he is now.”  She smiled sarcastically.

 “Sorry.”  Tumingin na rin ako sa langit.

 “You don’t have to. It’s fine. I’m used with it.”  Napa’tingin ako ulit sakanya, naka’tingin pa rin sya sa itaas.

 Hindi nalang ako nagsalita pa ulit. I just gazed the sky again and feel the moment I’m with her once more. I don’t want to make her remember those sad things because of me.

 “That’s why you’re lucky.”  Napa’tingin ulit ako sakanya dahil sa sinabe nya.  “Very..very.. lucky to have your parents together with you, happy, living with you and your siblings.”  I saw another sarcastic smile.

 “Trixie...”

 “It’s fine Je. I’m okay. Kahit naman hindi mo tinanong, I’ll still think about it. Nakakatawa lang. Kahit gaano kahirap, parang wala na akong maramdaman.”

 “Trixie...”  Inakbayan ko sya. Hindi ko alam ang dapat sabihin at gawin. Maybe, just to comfort her physically will do.

 She leans to my shoulder.  “Thanks ha. Sinamahan mo ako dito. I just wanna be away at least for a moment.”

 “Okay lang ‘yun. Hindi naman malaking pabor  ito. I’m more than willing to accompany you anywhere, anytime.”  I hugged her with my one hand over her shoulder.

 “No. It’s a big thing.”  She wrapped her arms in my waist.  “I feel warmer.”

 I just smiled and hold her tighter.

 “Sleepy already?”  She asked after a while.

 “No. Just rest. I’m just here. Don’t worry. I will stay awake. I’ll watch over you.”  And I kiss her forehead.

 She closed her eyes.  “Thanks Jerald. Thanks a lot.”

 Tumingin ako sa taas, and surprisingly, may shooting star na dumating. Napa’ngiti ako at pumikit.

 Sana po itong babaeng kasama ko ngayon ay maging babaeng makakasama ko habang buhay. Lord, hindi ko po alam kung pagmamahal na po itong nararamdaman ko pero isa lang ang alam ko, hindi ko kayang wala sya sa tabi ko. Hindi ko kayang hindi sya makita ng isang araw, hindi ko po kaya ng wala sya. Lord, binigay nyo na po sya sakin, sana po hindi nyo na sya bawiin pa. Lord, sana pagbigyan nyo po ang wish ko. Lord, gusto ko ako ang magpapa’saya sakanya, magbi’bigay ng ngiti sa mukha nya at tutulong sakanya sa pag’harap sa mga pagsubok na darating sa buhay nya. Lord, alam kong napaka’bilis ng pangyayari, pero Lord, sya lang talaga ang tanging gusto kong makasama, sya lang, Lord. Kaya sana sya nalang Lord. Pinaramdam nya po sakin na hindi ibig sabihin na ‘pag may problema ka e ikaw na ang pinaka miserableng tao sa mundo, laging dapat isipin na may mas higit pang nakakaranas na sakit at hirap kaysa sayo. Lord, I know I am selfish ever since. Pero Lord, nung dumating sya sa buhay ko, gusto kong gumawa ng mga bagay hindi nalang para sa akin kundi para sa babaeng yakap’yakap ko ngayon. Lord, sya nalang po PLEASE? Sya nalang po.

Unofficial Couples ÜTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon