Makalipas ang tatlong taon mahigit...
Maraming nangyari pagkalipas nang ilang taon... I had few realtionships. Flings, flirts, M.U.s, trips, short term, whatever people call it. Basta wala akong sineryoso. Wala na kaming communication after her graduation. She changed her mobile no. daw according to some sources of mine. Hindi ko na rin tinangkang tanungin.
Once or twice nagka’usap kame sa chat. Pero ‘twas very awkward for the two of us kasi nga napaka’bata pa namin nung mga panahong iyon. Wala ngang official na “Courting stage” at wala ring official “Break up” o closure man lang sa relationship namin.
Hindi ko nga alam kung ano ba dapat itawag dun sa relasyon na iyon, M.U. daw sabi nila, meron naman “Puppy love.” Psh. Ano kami? Aso? -__- Okay. Eto na naman ako nagre-reminisce sa mga na ‘yun... Bata pa kasi kami nun kaya hindi ko masasabing pagmamahal na ‘yun...
Naaalala ko lang naman itong mga bagay na ito kapag nabobore ako at walang magawa. Hindi ko alam kung bakit sa dinami’dami ng pwede kong maalala, eh ‘yung samin pa ni Trixie. Phew~

BINABASA MO ANG
Unofficial Couples Ü
Fiksi RemajaTungkol ito sa istorya nang isang lalaking nagmamahal at ginawa ang lahat para lang sa taong minamahal nito. Silipin natin kung paano sya lumaban para sa pag-ibig. Hope you enjoy! <3