Kinabukasan, bumalik ako sa condominium na tinitirhan ni Greg. Dala ko ang perang pambayad sa kuwintas. Of course, I'll convince him first to sell it to me. Ang hindi ko lang alam ay kung paano ako makakapasok sa loob. Kailangan mayroon kang swipe card access control para umandar iyong elevator. Bahala na, magtatanong na lang ako sa guard.
"Ermm...Hinahanap ko ho si Greg." May iba pa sana akong sasabihin nang maunahan ako ng guard na magsalita.
"Ah, ikaw ba 'yong ibinilin n'ya? Sabi nga ho ni Sir Greg iabot sa inyo 'tong susi baka raw kasi maantala s'ya ng dating," sabi ng guard.
"Ha? Ah...salamat." Napagkamalan ako! I took it as a positive sign that the amulet was really meant for me. "Ano na nga pala ang floor level at unit number n'ya? Hindi ko na kasi maalala."
"Level 28 ho at number 2814."
"Okay! Salamat!" Nanginginig ako sa pinaghalong takot at excitement. Natatakot ako pero natabunan iyon ng kagustuhan kong makuha ang kuwintas. Kapag nakita ko iyon, mag-iiwan na lang ako ng sapat na halaga kapalit ng kinuha ko.
Hindi ako matutuntun ni Greg dahil hindi naman niya ako kilala. Besides, I am wearing a cap, my long hair tucked under it. Hindi makikita sa CCTV ang buong mukha ko.
Abot-abot ang kaba ko habang lulan ng elevator. Pagbukas pa lang nito, agad kong tinungo ang yunit ni Greg. Halos hindi ko maisuksok ang susi sa seradura. Nagmamadali akong pumasok at maingat na isinara ang pinto bago ko iginala ang paningin sa loob. His place is very luxurious. Ang yaman pala niya.
Dumiretso ako sa master bedroom at nagsimulang maghalughug sa tukador at kabinet. Nadismaya ako, dahil ni anino man lang ng amulet na iyon ay hindi ko nakita. Pinatay ko ang ilaw at nagpasyang pumunta sa ibang kuwarto.
Sa sobrang abala ko sa paghahanap, hindi ko napansin na may taong dumating. Nagkasalubong kami sa pinto ng silid. Pareho kaming nagulat pero ako ang unang nakakilos.
Buong bilis kong tinakbo ang pinto palabas ngunit naabutan niya ako. Hinablot niya ako sa likod. Sa sobrang lakas, tumaas ako sa ere at nawala ang pagkakatuntun ng aking mga paa sa sahig.
Nagpumiglas ako, ikinawag-kawag ko ang mga braso at paa. Nawalan kami ng panimbang at nagpambuno kami sa sahig. Napasinghap ako nang daklutin niya ang suot ko sa bandang dibdib.
"What the hell!" Nabigla siya nang makapa niya ang dibdib ko. Akala niya ay lalaki ako. Binitawan niya ako at tinanggal ang suot kong sombrero. "Ikaw na naman! Ano'ng ginagawa mo rito? You better explain yourself fast or I'll call a cop!"
"Fine!!" singhal ko. "P'wede bang patayuin mo muna ako?"
Mabilis siyang umalis mula sa pagkakadagan sa akin. He is now standing over me, his feet spread apart and his hands on his waist. "I'm getting impatient. Start talking! Paano ka nakapasok dito?"
Dahan-dahan akong tumayo. Ugh! I think I'm gonna die! Ang sakit ng likod ko! Sana hindi ako nabalian ng buto pero pihadong marami akong pasa sa katawan nito.
"I am visiting a friend. Dito rin sa building na ito siya nakatira," sabi ko.
"It doesn't explain how you get in!" bulyaw niya. Isang sigaw pa mula sa kaniya siguradong basag pati bamban ng tainga ko.
"It wasn't my fault! The guard gave me your key! Buong akala ko talaga ito 'yong unit ng kaibigan ko!" Sumigaw na rin ako.
"Do you have a habit of going through your friend's things? At ano'ng akala mo sa akin tanga na madali mong mapapaniwala?" may pang-iinsultong tanong niya. "I know why you're here. You want to steal something from me!"
Sinunggaban niya uli ako pagkasabi niyon. Naramdaman ko ang kamay niya sa lahat ng bahagi ng katawan ko. Kinakapa niya kung may ninakaw ako sa kaniya. I'd never felt so humiliated in my whole life.
Gusto kong umiyak pero nagtimpi ako. At saka tantiya ko, hindi naman siya papaapekto kahit mamatay pa ako sa kaiiyak. He got hold of the envelope containing an impressive wad of notes. Nasa bulsa ng pantalon ko iyon.
"Those are mine! Nagpunta ako rito para bilhin sa 'yo 'yong kuwintas. Wala akong balak pumasok dito nang walang paalam kaso binigay sa akin no'ng guard sa baba 'yong susi rito. The opportunity just presented itself so I grabbed it!" Napilitan akong ipagtapat ang buong katotohanan. "Hindi kita pagnanakawan. Iiwan ko naman 'yang pera kung sakaling nakita ko 'yong kuwintas."
"Hindi pumasok sa isip mo kung kusa ko bang ibebenta 'yon?"
"May balak ka bang ibenta sa akin 'yon?" tanong ko.
"Wala!" mariing sagot niya. Nasa mukha pa rin niya ang matinding galit. "But it doesn't justify invading my private place just to get what you want!"
Nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa kaniya. Nagmatigas ako kahit na alam kong tama siya. Pinilit kong huwag magpakita ng kahit na anong emosyon sa mukha pero naramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko. Wala na rin akong magawa nang kumibot ang mga labi ko.
Huminga siya nang malalim. "Okay, I'll let this pass. Pangalawang atraso mo na sa akin 'to. Next time, I hope there will never be a next time, I'll not be as merciful as I am now." Iniabot niya sa akin ang pera.
I took the money from him and left without glancing back. Ayaw ko nang makita ang lugar na iyon.
Iniisip ko ang lahat nang nangyari kanina habang nasa loob ako ng taxi. Wala sa hinagap na magagawa kong pumasok sa bahay ng iba nang walang pahintulot at lalong wala sa pagkatao ko ang kumuha ng pag-aari ng iba.
Nagsimula ang obsesyon ko sa kuwintas nang makita ko ang litrato ni Lola at napansin ko ang kuwintas na nakasabit sa leeg niya. Natawag nito ang pansin ko dahil marahil kakaiba ang disenyo nito. Pakiramdam ko para itong misteryoso.
Naitanong ko kay Mommy ang tungkol doon at nagsimula siyang magkuwento. Pati nga ang apat na lalaking kapatid ko ay naenganyong makinig na rin. Ang kuwintas daw ang naging daan kaya natagpuan ni Lola ang tunay na pag-ibig pero bigla na lang itong nawala.
Sabi sa salin-saling kuwento, kung sino raw ang magmamay-ari ng kuwintas na iyon ay matatagpuan niya ang tunay at wagas na pagmamahal. Wala sa loob na naisatinig ko na hahanapin ko iyon. Siyempre puro tukso ang inabot ko sa mga kapatid kong lalaki. Suntok sa buwan daw ang gagawin ko.
Nang gabing iyon, hindi ko alam kung dahil laman ito ng isip ko kaya napanaginipan ko si Lola. Nakalahad ang kanang palad niya at iniaabot sa akin ang kuwintas. Malinaw na malinaw sa akin ang itsura niyon. Pati ang kulay ng amulet na hindi matukoy sa litrato, dahil black and white ang kuha, ay nalaman ko. Pula ang kulay niyon.
Ngayon lang nagbunga ang paghahanap ko. Sa kagustuhan kong mapasaakin iyon ay isinantabi ko ang aking prinsipyo at naginag gahaman ako. Wala talagang mabuting idudulot kapag naghangad ka ng bagay na hindi sa iyo.
That is a lesson I will never forget. I guess this is the end of my quest for the amulet. After my experience tonight, to hell with true love!
BINABASA MO ANG
The Amulet of Love
HumorRomance I Humor Sandy and Greg have one thing in common, their miserable experiences in love. Both of them are heartbroken, but their similarities end there. She is eager to fall in love again while he is not. She believes in the power of the amul...