Chapter 13

1K 45 21
                                    


Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa bahay na si Greg. Ipapaalam niya sa mga magulang ko ang balak naming pagpapakasal.

Tuloy-tuloy ang luhang pumatak sa mata ni Mommy at kahit si Daddy ay namamasa rin ang talukap ng mga mata. Ano ba ang mayroon sa kasalan at hindi mo mapigil ang pag-iyak? 'Di ba, it's supposed to be a happy event?

Nagpapahid ako ng luha nang may pumasok sa isipan ko. Kapag ako pala ay nag-asawa, hindi ko na sila makakasama at makikita araw-araw. Wala nang gigising sa akin at magpapaalala na kumain muna bago pumasok.

Kahit sila pa rin ang pamilya ko, mababago na ang perspective nito. Kaya naman ngumawa talaga ako, mas malakas pa sa hagulgol ni Mommy. Kahit si Daddy na kanina pa nagpipigil, umiyak na rin nang tuluyan.

To be fair kay Greg, nauunawaan niya ang damdamin namin. I just hope he didn't feel left out. Magkayakap kasi kami ng mga magulang ko. Samantalang nakatayo siya sa tabi ni Daddy at marahang tinatapik ang likod nito.

Naghari ang sandaling katahimikan nang humupa ang bugso ng aming mga damdamin. Walang may gustong bumasag nito.

"Uh, huwag na ho kayong malungkot. Hayaan ho ninyo, bibigyan namin kayo agad ng apo," sabi ni Greg.

Nakita ko ang pagkabahala sa mata ni Greg. Tatlong matatalim na pares ng mga mata ba naman ang naging sagot sa sinabi niya.

Napakamot sa ulo si Greg. "Ibig ko hong sabihin, pagkatapos ho ng kasal saka ho kami mag-uumpisang gumawa ng..."

"Greg!" saway ko.

"Bakit biglaan ang plano ninyong pagpapakasal? Ni hindi ko nga nabalitaan na naging magnobyo kayo, ah!" sabi ni Mommy.

"Mommy, kailangan bang dumaan sa lahat ng stages ang isang relasyon?" tanong ko. Hindi rin ako sigurado sa feelings ni Greg sa akin. Kahit nakikita ko sa kilos niya na mahalaga ako sa kaniya at maaaring mahal na rin, kailangan pa rin ng verbal affirmation, 'di ba?

"Aba, dapat lang! Ang pag-aasawa, pinag-iisipan nang mabuti kasi panghabambuhay na commitment 'yan! Kaya dapat kilalanin n'yo munang mabuti ang isa't isa. Hindi 'yan bagay na kapag sawa na kayo, p'wede n'yo nang itapon!" pangaral ni Mommy.

"Sagrado rin po para sa akin ang kasal at sigurado ako na si Sandy ang gusto kong kasama hanggang sa pagtanda," wika ni Greg.

"I don't really know you, but I trust my daughter's judgement. If she thinks you'll make her happy then I'll gladly welcome you to the family," sabi ni Daddy.

"Salamat po. Makakaasa kayo na hindi ko pababayaan ang anak n'yo," sabi ni Greg na puno ng sinseridad.

Sa tingin ko, tanggap si Greg ng pamilya ko. Bago kami umalis ng bahay, niyakap nina Daddy at Mommy si Greg at sinabihang ituring silang pangalawang magulang.

Tumuloy kami sa isang tanyag ng jewellery shop. Halos himatayin ako sa halaga ng napili kong engagement ring dahil katumbas nito ang gastusin sa isang marangyang kasalan. Hinimok ko si Greg na bumili ng mas mura ngunit idinahilan niya na bagay sa akin ito.

Pumunta kami sa bahay ng magulang ni Greg matapos makapamili ng singsing. Kinakabahan ako, hindi lang dahil sa makakaharap ko na ang mga magulang niya kung 'di dahil na rin sa plano naming pagpapakasal.

Tama ba ang aming gagawin? Sapat na kaya na ako lang ang nagmamahal para tumagal ang aming relasyon? Kaya ko bang makisama sa isang lalaking nagpakita nga ng kagustuhang makasama ako habambuhay pero hindi naman nagtatapat ng totoong saloobin?

"Tama ba ang gagawin natin?" tanong ko kay Greg.

"I'm sure about what I'm doing. Bakit? Nagdadalawang-isip ka?"

The Amulet of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon