May palatuntunan sa eskwelahan at nasa loob kami ng gym. May malaking entablado sa harapan nito kung saan tinatanghal ang mga programa.
Nagpupunta minsan si Greg sa paaralan kapag may aktibidad tulad na lang ngayon.
"Ingat ka, girl. H'wag mong hayaang mahulog ang loob mo d'yan kay Sir Greg," babala ni Alma. Iniwan niya saglit ang mga estudyante niya at tumabi sa akin. Napansin siguro niya ang panakaw kong tingin kay Greg.
"Alam ko naman kung saan ilalagay ang sarili ko," may halong pagdaramdam na sabi ko.
Mayaman ang angkan ng mga Evangelista. Bukod sa pinapasukan ko, may mga paaralan pa sila sa ibang lalawigan at ibang panig ng Metro Manila. May kamahalan ang bayad ng matrikula dahil bukod sa ekslusibong paaralan ito na kompleto sa pasilidad ay may mataas na standard itong sinusunod.
Medyo maalwa rin naman ang aming kabuhayan. Hindi nga lang kasing yaman ng mga Evangelista. Ang papa ko ay isang kilalang abogado samantalang ang mama ko ay may sariling real estate business
"Hindi kita iniinsulto. Hindi ka naman alangan kung estado lang sa buhay ang pag-uusapan. Ang ibig kong sabihin, si Sir Greg ay ang klase ng lalaking hindi patatali sa isang babae. Mula nang makipagkalas 'yan sa dati niyang nobya, iba-ibang babae na ang nauugnay sa kaniya pero wala namang sineseryoso," sabi ni Alma.
"Walang basehan ang pag-aalala mo dahil malayong magkagusto s'ya sa akin."
"Tingin ko nga may gusto rin s'ya sa 'yo." .
"Bakit mo naman nasabi?" Tumaas ang mga kilay ko.
"Lagi ka kasing sinusundan ng tingin."
"Baka napatingin lang pero binigyan mo na ng ibang kahulugan."
"Ilang beses ko rin s'yang nakita na nagtankang kausapin ka." Pagpipilit niya.
"Guni-guni mo lang 'yon." Inirapan ko siya.
"Uy! Panay ang iwas! Mukha talagang may itinatago," tukso niya. Kinalabit niya ako sa tagiliran.
"Wala kang mahihita sa panunukso mo kaya p'wede ba tigilan mo ako?" Nangingiti na rin ako.
"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo no'n sa dinner party?"
"Walang nangyari," tanggi ko.
"Owss! Bakit iba ang kumakalat na tsismis? Sabi ng staff sa ibang school ganito raw kayo." Nagminustra siya at pinagdikit niya ang kaniyang dalawang hintuturo na ang na ibig sabihin ay close.
"Naniwala ka naman. Hinatid niya lang akong pauwi na binigyan ng ibang kahulugan nang nakakita."
"Kahit daw sa dinner party kayo ang palaging magkasama."
Napahalukipkip ako. "Teka, akala ko ba pinag-iingat mo ako kay Greg? Bakit ngayon panay ang tukso mo sa akin?"
"Huli ka!" Nakaturo sa akin ang kaniyang hintuturo.
"Ano'ng pinagsasabi mong huli ka d'yan?" natatawang tanong ko.
"Tinawag mo siyang Greg! 'Di ba ibig sabihin no'n personal na ang level ng pagkikilala n'yo?"
"Ewan ko sa 'yo."
"Bakit ba masyadong sarado ang bibig mo pagdating sa kaniya?" Hindi pa rin natigil ang pag-uusisa niya.
"Wala naman kasing dapat ikuwento. Sa totoo lang, umasa rin ako pero hindi na nasundan ang pag-uusap namin mula noon." Kumawala ang isang malakas na buntong-hininga mula sa akin. Hindi ko rin naitago ang pait sa tinig ko.
BINABASA MO ANG
The Amulet of Love
HumorRomance I Humor Sandy and Greg have one thing in common, their miserable experiences in love. Both of them are heartbroken, but their similarities end there. She is eager to fall in love again while he is not. She believes in the power of the amul...