"Sigurado ka ba sa ayos ko? Hindi ba nakakahiya 'tong kasuotan ko?" makailang ulit na tanong ni Isabelle sa akin.
"Okay lang 'yan. Walang papansin sa 'yo rito. 'Yan ang karaniwang damit ng mga babae ngayon." Suot niya ang t-shirt kong puti at kupasing maong shorts at sandal na naiwan ng dati kong nobya.
"Tila ang halay naman nito."
"H'wag kang mag-alala. Ibibili kita ng damit sa mall bago tayo pupunta sa Malate."
Pumasok kami ng elevator. Inalalayan ko siya dahil natakot yata nang kusang bumukas ang pinto nito.
"Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya," anas niya. Magkasalikop ang mga daliri niya na nakalagay sa bandang dibdib.
"Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.
"Nagdarasal! Hindi mo ba nararamdaman, nahuhulog tayo!!" Lalo niya pang nilakasan ang pagdarasal. "Ang Panginoong Diyos ay samasaiyo."
"Sshhh...Hindi tayo nahuhulog. Nakasakay tayo sa elevator. Isang imbensyon din ito upang mapadali ang pagbaba at pag-akyat sa isang gusali," natatawang paliwanag ko.
"Bakit kasi 'di mo 'ko binalaan agad," napahiyang sabi niya. Hindi na niya pinansin ang sagot ko nang bumukas ang pinto ng elevator. Nauna na siyang lumabas at excited na pinagmasdan ang paligid.
Nagtungo kami sa park na tanaw mula sa tinitirhan ko, ang Quezon Memorial Circle. Ipinaliwanag ko sa kaniya na nandito ang labi ni Manuel L. Quezon, ang pangalawang pangulo ng Pilipinas.
Natagpuan ko na lang na magkahawak-kamay kami habang naglalakad. I stared at our hands linked together, an odd sensation rising within me.
Pumunta kami sa pinakamalapit na mall. I bought her a dress. Iyong style ala 50s circle dress na floral. Puti ang kulay ng dress na may maliliit na bulaklak na kulay maroon, pink at yellow. Kung kanina agaw-pansin na siya sa suot niyang maong shorts, ngayon mas maraming lumilingon sa kaniya.
"Ano sa tingin mo?" Umiikot na pinakita niya ang bagong suot na damit.
"Maganda!" Hindi ko napuna na nakalapit na pala ako sa kaniya. Halos pabulong kong sinabi na, "Ang ganda...ganda mo."
Nagtama ang aming paningin. She closed her eyes as I leaned toward her. Kumabog ang dibdib ko nang hawakan ko siya sa pisngi.
"Uyy! Ang sweet naman nila," sabi ng salesgirl.
Pareho kaming nabigla ni Isabelle. Para kaming napaso na naghiwalay.
"Well, who could blame me if you have a girl looking like her?" Hinapit ko sa baywang si Isabelle at iginiya palabas.
"Mas makakabuti siguro kung sa Ermita na lang tayo pumunta imbes na sa Malate. Nasa Ermita kasi ang National Library. Palagay ko mas malaki ang chance natin na may makitang babasahin tungkol sa 'yo o sa pamilya mo," sabi ko kay Isabelle.
"Ikaw ang bahala." Nagkibit-balikat siya. Kinakabahan siguro siya sa maaari naming malaman tungkol sa kaniya.
"Paano kung matuklasan natin na isang dosena pala ang anak mo at nagkalat sa ngayon ang mga apo mo sa tuhod?" Bakit para yatang may kumurot sa puso ko sa ideyang nagkaroon siya ng asawa?
"Ikaw talaga puro ka biro. Pero salamat ha? Salamat sa lahat ng tulong mo, sa lahat ng kabaitang ipinakita mo." She stares down at her hands.
"Wala pa akong naitulong. Hindi pa natin alam kung paano ka makakabalik sa inyo." I feel a bit guilty kasi hindi ko pa naipagtapat ang tungkol sa enchanted amulet.
Lagpas limang oras na kami sa library. Wala pa rin kaming nabasang impormasyon sa libro o kahit na maliit na artikulo sa pahayagan tungkol sa kaniya o sa pamilya niya.
BINABASA MO ANG
The Amulet of Love
HumorRomance I Humor Sandy and Greg have one thing in common, their miserable experiences in love. Both of them are heartbroken, but their similarities end there. She is eager to fall in love again while he is not. She believes in the power of the amul...